Tuesday, March 20, 2012 0 comments

weekend =)



hello mga natixxx! kamusta naman po? grabe etong linggong nagdaan para kong buntios na laging gusto matulog kasi nga nag uplate ako ng ilang araw.. but like what i always say.. puyat pero masayang masaya!! noong saturday natulog lang ako ng ilang oras at gumising ng mga alas syete dahil pumunta ako sa h3 or yung hataw hanep ng hero tv sa smx convention center in mall of asia. nakakatuwa at aliw na aliw talaga ang lola ninyo.. nanariwa ang kabataan ko kasi naman nakita ko ang mga lifesize figures nina optimus prime, voltes five complete with jaime, lil john , big bert, mark and steve! andun din si astroboy, naruto, gundam seed, ragnarok at ang favorite na favorite kong si…. mirmo, mirmo mirmo de pon!! sobrang happy ko talaga nalimot ko pa ngang putyat ako kasi sobrang taas talaga ng energy level ko!! madaming activies like cheerleading competition, mga quizbees, anime singing contest at may cosplay pa or yung anime costume contest nila!! ang gaganda ng mga costume!! varrying from ragnarok to sakura card captor meron din nagbihis as transformers pati nga si chuckie ng child's play andun!! kaloka!! ang ganda talaga… sana nakapunta kayo kung hindi man… there's always next year!! nung linggo naman natulog lang ako maghapon!! pambawi sa mga pagpupuyat ko =) at kahapon monday nagteam building kami sa antipolo! i was with my besprens… ric, billie, china, reggie and macy! may mga taga abs interactive din kami na kasama!! enjoy naman at marami kaming natutunan tungkol sa abs-cbn =) may mga activities din kami at isa na nga dito etong malaking logo ng abs-cbn na ito.. naka harap yang logo na yan sa sahig at kailangan namin na baligtarin using only our foot kaya nung kinarir ko.. super dumi ng aking paa!! para kong naglakad sa kalsada ng plaza miranda na nakayapak. =) 
nung gabi naman kinarir ko na ang dentista ko dahil ilang buwan na rin niya kong niru-root canal!! paano ba naman busy ako kaya ayun tumagal ng ilang buwan august ata kami nagsimula.. dumaan na lang ang ilang bagyo, nagbreak na sina shin at christian, nagconcert na kami ni pooh at peachy, nagconcert na din sina erik santos at piolo pascual sa araneta ako eto,, di pa din tapos ang root canal!! may isa pa kong session with my dentist. =) kaya kayo mga bespren kong natixxx… take care of your ipen.. hindi biro ang root canal!! masakit na sa ipen masakit pa sa bulsa kaya mas maigi na yung gumastos ka ng sandamukal sa toothpaste at dental floss kesa naman sa mauwi pa sa root canal ang ipen mo. ayaw ko naman ng bunot kasi parang nababawasan ang pagkatao ko dahil i feel that a part of me is missing… wierd noh? but that is how i feel talaga =)  ngayon naman tuesday.. i really dont feel good.. bahala na si batman kung makakapsok mamaya!! kung di ako makapasok.. wag kayo tampo ha??

No Response to "weekend =)"

Post a Comment