hellower natixxx… =) it is 7:17 pm… andito ako sa booth habang ginagawa ko ang blog ko.. kaninang umaga napagawi ako sa may araneta avenue. may inaantay kasi kaming shop na magbukas kaya habang inaantay namin.. kumain kami sa pizza hut.. may isang batang lalaki, sa tingin ko mga nine years old lang siya, siya ang nag papa-parada ng mga sasakyan sa parking lot ng pizza hut. noong kumakain na kami… nakita ko yung batang lalaki na nakatingin sa pizza na kinakain namin.. parang takam na takam ang lolo ninyo kaya yung isang slice ng pizza na share ko.. binigay ko sa kanya at kinain niya agad sa labas ng pizza hut. awang-awa ako sa bata.. naisip ko.. ang mga middle class na kamukha natin kahit papano.. naka-tikim na ng pizza hut and some, even take it for granted hindi kinakain ang crust. pero ang bata na ito.. kung hindi pa nabigyan hindi makakatikim. kitang kita mo sa mata niya na happy siya sa pizzang inabot ko. parang bawat nguya niya may katumbas na ngiti. kaya naging happy na rin naman ang lola niyo dahil alam ko bitin man ako sa pizza ko eh may naging masaya namang iba. sa tuwa ko nga sa kanya kahit hindi tabubuy ang pangalan niya pinangalanan ko siyang tabubuy. =) Pag alis nga namin binigay ko sa kanaya yung baon kong mamon. mukhang gutom na gutom talaga siya kasi hindi pa kami nakaka-abante.. kinain na niya agad yung mamon.. wawa naman siya talaga. hindi ko naman nilalahat at opinyon ko lang naman itetch… pero naiinis talaga ako sa mga magulang ng mga batang ganyan.. na habang ang mga anak nila eh nagliliwaliw o naghahanapbuhay somewhere, sila naman eh nagbabato-bato pick sa bahay. puros kalib—n ang alam!! haaay.. how sad talaga minsan. sabi ko nga kanina… if i had all the money in the world kakabugin ko ang level ng dswd at papakainin at papatirahin ko ang mga batang kamukha nila. i feel that these children are being deprived and robbed of their childhood dahil sa murang edad imbis na maglaro.. mag aral at mag enjoy sa buhay natututo na silang magtrabaho at yung iba naman napapariwara pa. natututong manigarilyo, magsugal at ang mas masaklap.. natututong mag-adik!! nakakaloka!! sabi ko rin sa sarili ko.. hinding hindi mangyayari 'to sa mga anak ko.. over my dead, even double dead body!! alam kong magagalit ang simbahan pero kung di naman kayang palakihin ng maayos ang mga bata diba??.. eh di mag-family planning po.. and practice safe sex.hindi po tayo mga pusa na naka-kalat lang sa kalsada ang lahi. hindi rin tayo mga pusa na pag nasagasaan eh pwedeng gawing siopao ang laman!! =) oh… kala niyo serious na ko noh?? actually, i am… kidding aside ha?? mga tao po tayo, the superior among all living things.. may utak po tayo… dapat ginagamit yan at hindi pina-ka-kalawangan!! =) wala lang… just thinking aloud. have a happy week end mga natixxx.. may we have a safe and peacefull weekend =)
No Response to "if i had all the money in the world…"
Post a Comment