chada!
AUGUST 20, 2008
baka interesado kayong magnegosyo! go, go, go! =) walang lugi dito! all the details are on this add kaya go! anong inaantay niyo? call or visit the website! =)
wag din kayo mabigla kung makita niyo ang pagmumukha ko one of these days sa enterpreneur magazine ha? =) sa cavite nga ang laki-laki ng mukha ko sa lotus mall eh! thanks to my good friend kc macapagal.. it’s a bonggang bonggang billboard to the highest level! ! =)
more pics comming soon! =)
8:03
ITS 8:03 PM…
Im starting to feel hungry na! mamayang konti iinitin ko ang pastang baon ko! Kagabi kasi para kong naglilihi! Gusto ko ng spicy tuna carbonara kaya ayun.. nagluto ako ng di oras para lang mafulfill ang wish ng tummy ko! =)
Kahapon at nung linggo magka-kasama kami ulet ng my girl teens! Naichika nila sa kin na nag final taping day na sila last week for my girl! Di ko na tinanong kung ano ang ending! At huwag naman kayo ma-sad kasi may kasunod pa naman silang show! =) sila-sila ang magkakasama, pero once a week na lang silang mapapanood kaya make sure na nasa bahay kayo tuwing Sundays! =) pahinga sila ng ilang araw at mag a-rnr ( rest and relaxation ) sila sa boracay ( aalis sila bukas! ) pero start na sila agad ng taping dun for their new show kaya sorta rnr lang ang level nila! Excited ang mga bagets sa bora! Isama na lang nila ako sa kainan ok na ko! =)
on our way to lipa last sunday afternoon eto ang mt. makiling… parang natutulog pa rin na dalaga! sayang nga natabunan ang may ilong part. maganda sana kung nakuha lahat! naglolokohan pa nga sila sa van.. andyan daw si anne curtis.. ang nag-iisang… DYOSA! =) hehehehe!
eto naman habang nasa star tollways kami… malawak na bukirin at napaka peaceful tingnan =) maganda din yung skies duuuun sa may bandang dulo na ng picture…. tingnan niyo =)
I went to Belo kanina.. gusto niyo ba makita kung pano ginagawa ang new life? eto! Kamusta naman yan? para ba kong si Frankenstein? =) yang mga ecg like apparatusesus-eso-se-su-ses na yan, may mga mild kuryentye na dumadaloy diyan tapos it makes your muscles contract na para kang nagsi-sit ups while lying down! =) after ilang treatments.. may pandesal ka na sa tiyan mo! pwede rin yan pang tone ng braso at ng hita niyo lalo na kung flabby pero paa”laila” it works best with bonggang bonggang work out din! =)
Speaking of belo… ang dami nagtatanong o gusto magpaconsult… you may call 373-3355. and if you wanna see doc vicky belo in the flesh ang consultation day niya sa Morato branch ay tuwing Fridays =) call na lang kayo sa number na binigay ko para malaman niyo kung san ang clinic pa niyang iba. =)
Eto ang iba pang pics na di ko na post dati.. saw riza last Sunday. I find her prettier kapag walang make up. =)
If you happen to drop by abs-cbn.. don’t fail to pass by the cafeteria dahil malapit dun ang studio one now known as dolphy theater. =)
delivery po! =)
AUGUST 15, 2008
Hey, hey bespren!
Kamusta naman ang simula ng loooong weekend ninyo?
Ako eto.. sa sobrang pagod ata nailagay ko na ang 8pm news ko sa tray ng printer ( nagre-recycle kasi kami ng papel eh ) kaloka talaga! Imagine niyo sinabi ko na yung mga sponsors ng balita sabay narealize ko na wala pala yung balita ko… hinanap ko pa ng bonggang bongga! akala ko nga na-printan na eh! Hahaha! Hay naku!
Umalis kami ng 11:30 sa office… nag deliver ng bigas at 3 pm na naka kain ng lunch. Tapos nun make up agad para sa taping ng mechanics ng lol! Sana ok ang outcome. =) im on board right now… eto na-a-abnoy na naman! Lakas na naman ng tama! Hahaha! sing lakas lang ng ulan!
Happy weekend! =)
dalawa sa tatlong pinagdeliveran namin ng bigas =)
weekend sched and a few announcements
Hello! Long time no blog!
Wanna know why?
Kasi naman.. naalala niyo pa ba yung sinabi kong I miss home?! Naku, you should really be careful of what you wish for dahil ayun.. Friday night until around six am ng Saturday.. I was having the BBLBM of my life! ( bonggang bonggang LBM ) kakaloka talaga! Hinang hina ang lola niyo hanggang Saturday ng gabi. Talagang dinaan ko na sa Gatorade na may halong oresol para naman bumalik na ko sa dati. Buti na lang umepekto kasi naman Sunday may mallshow pa ang lola niyo! As ususal my girl pa rin! =) maaga natapos ang mallshow ha? Kaya naman nakapgsimba pa ang lola niyo at isa sa mga paborito kong gospels ang binasa.. Jesus and his disciples were on a fishing boat and he asked one of his disciples to walk on water.. the disciple did what he was told and for a moment he walked on water. but when he began to panic and lost his concentration, he sank in the water. Tapos luminya si Jesus ng.. what little faith you have in me! ( Pasensya na po sa mga non-catholics.. nai-share ko lang..) ang moral of the story is… whatever trials… whatever hardships.. as long as you have faith in him.. hindi ka lulubog sa tubig. Learn to believe, trust in him na hindi ka niya papabayaan =)
Monday, kahit na recovering pa ko from my bblbm… I went to universal records building to interview miss lani misalucha! Napaka down to earth niya at baklang bakla din siya just like me kaya naman mahigit isang oras kaming nag-chikahan! Alam niyo ba na ang favorite pinoy dish niya ay sinigang? Lalo na pag maraming maraming sampaloc! Di nga daw niya miss ang sinigang sa las vegas kasi may mga pinoy store dun at may binebenta din na knorr na sampaloc! O diba? Kabog! Marunong naman daw siya magluto kaya never nagging isyu na hindi siya nakaka-pagluto ng pinoy food doon! Sulitin na natin siya while she’s here! By the end of august, fly na siya ulet sa las vegas! She’s got a new album out! Nirecord entirely sa vegas and it took her almost a year sa pagpili ng mga songs dahil lahat ng kantang nasa album niya special para sa kanya! =) you can also catch her sa Sunday bigtime idol program ko! Siya ang feature ko this Sunday! Kinig kayo ha? 12nn-1pm sa alalalalalam mo na yan! 101.9 for life! Alamin niyo din ang say niya sa version ni sarah Geronimo na a very special love!
Remember that commercial that I was telling you about na nirecord ko last week? I also found out Monday na hindi rin pala ako ang kinuha nila for the final recording. Medyo masama sa loob kasi naman nag-kanda late late pa ko sa trabaho that day at nabasa ng ulan pero walang personalan.. trabaho lang. =) I believe na may iba pa naman diyan! And I believe in the gospel nung Sunday.. kahit ano pa ang mangayri basta magtiwala ka lang sa kanya! may mga dahilan yan! =)
Tuesday… wala lang.. it was a la-li-la-li-la day for me.. easy easy lang.
Wednesday… parang kanta lang ni gary v! E-TO NA NA-MAAAAN!Hay… its bblbm again! Sa bagay kasalanan ko yun eh… nagtakam ako sa manggang hilaw, dalawa ang nakain ko kaya ayun… rebulosyon habang nagpo-programa ako sa radio! Hahaha! I went to the toilet 5 times within an hour! Kaloka diba? Kada commercial gap ata saka in between 2 songs gumo-go ako sa banyo to bomb Hiroshima! Hahaha! Buti na lang nangyari to nung halos patapos na ang programa! =)
Thursday.. v.o. day ko for cinema news alert! Medyo maluwag ang sked ko ngayon pero bukas…
Friday… pagkatapos ko ng showbiz report ko kay sir ted kailangan maligo na ko agad kasi 10:30 am dapat nasa abs-cbn na ko. Magde-deliver ulet kami ni bespren ric rider ng bigas! =) tapos naman nun pag balik namin may taping ako for a plug sa dzmm! Have you heard of LOL? It’s a new show ng dzmm… they’re looking for stand up comedians between 18-29 years old! kung funny kayo baka eto na ang chance niyong mapasama sa number one am station at Makita na rin sa teleradyo! Go sa auditions on August 28, 10 am onwards sa abs-cbn, center road, mother ignacia street qc! After taping, boardwork at kung kakayanin ko pa… go sa tiendecitas ortigas! andun si mark bautista.. album launching niya! 9pm yun ha? =) andun din si mareng katya santos, Polaris, my Odessa, six part invention at nyoy volante! =) kita kits!
Saturday naman may raket ako.. I’ll be hosting face of the year sa mall of china in macapagal avenue sa pasay! And on
Sunday.. after my boardwork, malayo-layo ang byahe ng lola niyo ( at sana naman huwag na kong sumpungin ng bblbm ko! ) ang my girl teens i-invade ang robinson’s lipa kaya kung taga lipa ka at binabasa mo to ngayon.. eyeball tayo dun ha? =)
More or less that’s gonna be my weeks sched. =) I’d rather be busy than not do anything at all. ewan ko ba… I am my greatest critic kasi eh.
Nga pala… although I am not close to francis magallona, I know that a lot of you would agree that he has been a part of our lives through his music! mga kababayan, meron akong ano.., cold summer nights, kaleidoscope world at marami pang iba. He was diagnosed with leukemia and will be preparing for his treatment kaya naman baka po generous kayo sa pag-do-donate ng dugo, any blood type will do, go lang po kayo sa medical city lower ground floor and tell the receptionist that you will be donating blood for francis m. kung afraid naman po kayo sa blood, a sincere prayer will do. Pagdasal natin siya.
Good night!
eight eight eight
AUGUST 8, 2008
Hellllllllooooooooh!
Kamusta naman ang 08-08-08 niyo? =)
Hope it’s gr8! =)
Sa ‘kin steady lang. =)
opening na ng olypimcs! good luck sa team philippines!
Im looking forward sa day-off ko bukas..
I kinda miss home. =)
Hava happy weekend everyone.
media invasion!
AUGUST 7, 2008
Hey, hey, hey! Kamusta naman? =)
Isang oras lang ako narinig sa ere kanina! Bonggang bonggang Bitin na bitin ang lola niyo sa radio! hiniram kasi ang powers ko ng pinoy dream academy para intrigahin ang mga scholars! Kasama ko sina isa red ang entertainment editor ng manila strandard, si nanay cristy fermin at si mareng ogie diaz! =) si sir isa gave a talk on how to handle the media lalo na kung iniinterview sila ng mga ito, while ogie and nanay naman went inside the dance classroom para interviewhin ang mga probees for this week na sina Miguel, apple at laarni! Sino nga ba sa tingin niyo ang mae-expel this Saturday? Si nanay cristy at ogie…. Hala, inintriga si Miguel at apple! Kamusta naman yun?! Kung hindi ba naging best of friends at close inside pda si mareng bea (jowa ni Miguel ) at apple may possibility daw ba na maging si miguel at apple since sa itsura pa lang eh mukha nang mang a-agaw si mareng apple! Kaloka diba? At si laarni naman hindi na nila inungkat ang laging umiiyak etc. niyang issues sa buhay! Tinanong siya nila nanay kung bakit parang kinarir niya ang pagkanta noong gala night last Saturday! Naku.. abangan niyo yan mamaya sa pda season 2!
Ako naman, ano nga ba ang ginawa ng lola niyo?… hmmm… Radio format ang sa ‘kin so as usual kunwari live on air ang set up! Nasa radio ang level at they made me go inside one of their booths! Anong ginawa ko? Oh well… pina-amin ko lang naman si mareng chris kung para nga bang keyboard lang siya ng cellphone at type din niya si sen! Umamin nga kaya? … manood kayo para malaman niyo! Basta ang alam ko.. pati si bugoy naintriga at may mga kilig moments din na malamang ikalaglag ng mga panty at brief ninyo! Yan ang dapat niyong abangan sa pda2 !
ang mga pa-cute moments ko sa pda! =) kamusta naman ang mascot namin na si waki, magkamukha na ba kami? buti na lang pala hindi ako nag-blue! hahaha! =) eto nga sa pangalawang picture mukhang ako na yung mascot sa tarp namin dahil natakpan ko na siya! sorry naman! =) ( waki pag binaligtad means IKAW kaya yun ang name niya! )
Pagbalik ko ng booth quarter to 8pm na! grabe… kawawa naman ang bespren ric rider ko. Pero kahit na isang oras lang ang itinagal ko sa radio kanina, I am confident naman na nag enjoy silang lahat! Kasi ba naman ang topic namin sa kaliwa o kanan eh kung nabuking mong merong iba ang jowa mo..kaliwa iiwan mo o kanan aantayin mong magsabi siya sayo na meron na siyang iba! At as usual may mga nag- react na naman sa text at landlines at ang isa nga dun eh parang matindi ang bitterness na nararamdaman! Kaya naman napaglaruan naming siya ng bespren ko! Say ng text message niya… para sa kin kaliwa, iwan na agad yan! Ang dapat sa mga taong ganun.. pinapaslang! Sabay may sound effect pa kami ng machine gun!
Laila: Eto ang sa ‘yo! Manloloko! Hyaaaaah! ( sound effects ng machine gun! ratatatatatatatatatatatatatat! )
Ric: at tamaan ka sana nito! ( sound effects naman ng kulog at kidlat! )
Laila: mahati sana ang katawan mong manloloko ka, kapag tinamaan ka ng kidlat! Bahala na si Lord kung pa-horizontal o vertical! Hahahahahaha!
Ric: dahil nasa akin ang huling … ( sound effects ng humahalakhak ng bonggang bongga! ) hahahahaha!
Laila: ( in all seriousness kong nasabi ) kayo naman kasi, kung sakali man na nainlove kayo sa iba.. sabihin niyo na lang sa partner niyo, makipag break na lang kayo ng maayos kesa sa tinatago niyo pa! mas maigi na yung may closure ang relationship niyo kahit pa masakit! Ay teka…. HEART TO HEART NA BA? Bakit parang napa-aga ang programa ni regie valdez! Hahahaha!
Ric: hindi pa heart to heart pero maganda yang payo mo! Tapos sabihan niyo na rin siya ng ganito.. uhhm dear im sorry ha? Pero.. ( boses ni senator Miriam defensor Santiago nung sinabi niya noon na I LIED! )
Hay kaloka talaga!
Malapit na akong mag-slumber. pagka gising ko mamaya after my showbiz report kay sir ted may titingnan akong pwesto! Please pray naman for me… magve-venture kasi ako sa isang negosyo. =) pagkatapos nun.. go kami sa grocery ng kuya ko. Wala na kaming chicha sa bahay eh! =) mamaya after boardwork.. im gonna party with deegee and my friends! Andun si robby dominggo! Will tell you the latest tomorrow!
Mornight! ( good morning at good night! )
good and bad news!
AUGUST 5, 2008
oha! oha!
ang sipag ko ngayon magblog noh?…. waaaaaaaalaaa lang. =)
how was your day today?
ako, it started out like any ordinary monday morning… after my showbiz report i was scanning channels and saw mr. edu manzano and sylvia reynoso cooking sa umagang kay ganda! ang kulet nilang dalawa magluto kaya naman i texted chairman and said… dapat magkaroon ka ng cooking video!… wag lang sanang piratahin! hahaha! =) nag reply naman siya, he said.. come join my classes.. JOKE! haha! pero infairness to the chairman,,, ang cool nilang dalawa tingnan habang nagluluto! kwelang-kwela!
pagkatapos nun… i was surfing the net for some stuff… im planning a vacation. pero dito lang sa tabi-tabi. yung mga tipo bang… tuhog tuhog lang ng fishballs! hahahaha! sa sobrang basa ko sa computer… nakatulog ako. pag gising ko, mag-a-alas dos na! kaloka diba? nagulat nga ko eh kasi nakatulog ako ng walang electric fan! = ) pagkatapos nun kumain na ko ng brunch.. then para lang akong ibon… inilabas ko na rin siya agad sa toilet! =) pag labas ko ng c.r. meron na kong 12 missed called and 6 messages recieved. di ko pa nao-open ang inbox ko may tumatawag na naman! it was digitrax.. a recording company for tv and radio commercials. kailangan daw nila ang boses ko kaya ang isang ordinary monday ko.. naging not so ordinary! i rushed to makati at inabot naman ako ng malakas na ulan habang papunta sa station ( at may bitbit pa kong pasalubong na kwek-kwek para sa bespren ric ko ha? ) kaya ayun… nalate ako ng bonggang bongga! nakarating ako mag-a-alas syete na ng gabi! kaya i told my boss na kahit late na ko ng halos two hours at considered absent na ko kerri lang kahit wala nang bayad… mag-sasalita pa rin ako sa radyo. =)
hindi ko muna ilalagay sa blog na ito ang commercial na binoses ko kasi baka mamaya hindi naman umere sa mga stasyon ng radyo.. nag-maganda lang ako diba? =) saka na lang pag andyan na talaga!
while on board one of our topics was… SAAN MO MAS GUSTO BUMILI NG MANI? SA KALYE O SA GROCERY? kamusta naman ang tanong na yan! syempre yung iba matino ang sagot yung iba naman eh may halong berde! may sumagot pa nga ng sa grocery para mas malinis, mas safe! kaya sabi ko… parang biogesic lang ha? kaya naman sagot ng partner ko… ( ka tono ni john lloyd )PEANUT! ayun… tawa na naman kami ng tawa! ginawan na namin ng script… HI! SI CHANLOYD PO TOH! ETO NA NAMAN AKO BABYAHE, KAYA BAGO KO SUMAKAY NG BUS, BIBILI MUNA AKO NG “BIONUT!”… O PAANO?… ALIS NA KO… PEANUT! =)hahaha! =)
at ang nakakaloka.. nung bumabati na kami on air… napa-dighay ako dahil sa kinain naming kwek-kwek ni bespren ric rider! =) nakakahiya talaga ako!
after my boardwork… i was saddened by the news that my mom told me over the phone… tweety.. one of favorite cats passed away. hay… nagflash back tuloy ako… sumampid lang kasi yan sa amin… babyng baby pa siya nun and since then.. hindi na siya umalis. mula nung dumating siya sa bahay namin sinuwerte na ko kaya naman mahal na mahal ko yung pusang yun. naalala ko kung pano siya maglambing … super kiskis siya sa legs ko pag gutom na siya at pag gabi naman he’d roam sa paligid ng bahay namin na parang aso just to check kung may mga daga. pag patulog na siya minsan dun pa siya sa pasilyo ng bintana ko matutulog parang binabantayan din niya ko. so saaaaaaaaaad talaga! huhuhuhuhuhuhuhuhu! binibilhan ko pa nga siya ng sardinas at minsan, hina-hatian pa siya ng kuya ko sa isang lata! hahaha! kaloka! pero im really so sad…. haaaay! i am grieving for the loss of a dear pet! call it kababawan pero kasi attached ako sa pusa na yun =) inisip ko na lang na may dahilan kaya yun nangyari!
after the sad news … i went to Philippine heart center to visit my former boss.. i-a-angioplasty siya mamayang 9am. so i said that i will pray for him. =)
balikan natin ang pusa ko! malapit na ko matulog pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko na di ko na siya mahahawakan, mabubuhat at makukulit.
may mga moment na kamukha nito na i wanna know if pets also have souls like we do? nalulungkot talaga ako… sana meron… di siya kasi sa kin nag goodbye manlang kaya wala akong closure. he was alive and well when i last saw him. iniisip ko na lang din na baka ayaw niya kong makita na-sad kaya he silently left the world.
sensya na po… senti lang.
makatulog na nga!
good night!
dolphy
AUGUST 4, 2008
just finished dinner! =) kamusta naman ang sabado’t linggo niyo? ako medyo busy kahapon pero ngayon easy, easy lang. =)
kahapon, sabado, kahit day-off ko, rumaket kami ni bespren ric at bespren china heart sa marikina sports complex! 75thfounding anniversary ng roosevelt college at naki-jamming at kulitan kami with them! ang galing talaga ng pupil, moonstar 88, astrojuan, polaris, mocha at ni ronnie liang! pero siyempre magaling din at mananatiling mahal na mahal ko ang itchyworms dahil kung di nila pinahiram ang mga palo ng drum, base at rhythm ng gitara pati mga boses nila… hindi namin mabubuo ang bonggang bonggang jingle namin =) ( at syempre thankyou din kay mareng yeng constantino )
mabuti na lang pala at natulog ako halos maghapon yesterday kasi pa-morningan pala ang level nun! parang woodstock! pati nga si teacher von arroyo ng pda nakikulet na sa amin =) marami palang celebs ang naging parte ng roosevelt college ha? senator edgardo angara, miss nova villa, isko ( brad pete ) salvador, ara mina, mother ricky reyes at ang isa sa mga jocks namin.. si bespren arnold rei! =)
ngayon namang sunday aside from boardwork… pahinga ako ngayon dahil wala akong raket kaya nag-kikay naman ako sa parlor! you like my new do? eh yung kulay ng hairlalooh? how ’bout the chocolatey finger nails? go kayo sa lineamenti salon… creekside square tomas morato ave qc! its the big building bago mag e. rod! =) if you get lost call them at 412-0168 tanungin niyo na rin sa kanila ang kulay ng buhok ko dahil yan ang mga frequently asked questions regarding my crowning glory =)
im watching dolphy at 80 ngayon… sa mga kabataan na ngayon lang nagiging teen agers… si tito dolphy ang pinagmulan ng phillipine comedy! at nanghi-hinayang naman ako dahil hindi niyo inabot ang pag-papatawa ni tito dolphy!
maging ako man … isa siya sa mga influences ko! watching the tribute…naalala ko ang mga panahon ng john and marsha.. ang mga pelikulang napanood ko na siya ang bida.. kasama ang side kick niyang si panchito alba, isama mo pa yung darna kuno niya at pacifica falayfay! haha! yung pelikulang nakatayo siya sa window tapos kunwari manikin siya tapos naka-dress siya na pambabae.. eh biglang ginapangan siya ng super malaking gagamba sa legs… hindi naman siya makagalaw kasi may pinagtataguan siya kaya nga siya naka-disguise siyang manikin na babae! hahahaha! just imagining it makes me laugh now! =) yung iba ngang napanood ko nung bata pa ako.. super black and white pa… payat pa siya nun at kamukhang kamukha niya si epi quizon =)
come to think of it.. medyo senti ako ngayon dahil parang narealize ko na, oo nga!… parte na siya ng buhay natin talagang mga pinoy! at nanghihinayang talaga ko sa mga kabataan na hindi na inabot ang humor nila katsupoy, chiquito, tintoy, bentot, palito, pugak, tugak, chichay, aruray, ben tisoy, ading fernando, panchito, redford white, jeorge javier, ike lozada, german moreno, babalu, mang temi, tito, vic and joey alam niyo kung bakit?…. back in those days… facial expression palang nakakatawa na… samahan niyo pa ng mga funny dialouges nila! im not saying that the comedians now are not funny ha?!… mas nakikiliti lang siguro ang funny bones ko sa mga komidyante noon! alam niyo naman ako super babaw! hahaha! =)
nakaka-iyak naman ang tribute para sa kanya… ang sarap siguro ng feeling na buhay ka pa bnibigyan ka na ng tribute. buhay ka pa nariribig mo na ang mga magagandang salita na masasabi nila sa yo. dapat lang talaga na parangalan siya. to my idol… the king of comedy… long life, good health, more wealth! belated happy birthday tito dolphy! =)
and here are the extras…
i was watching tito dolphys tribute.. nakita ko sina christian bautista at erik santos singing.. texted them both… i said.. parehas silang mas gumu-good looking =) both of them said thanks! natanong ko na din si erik kung kakanta nga ba siya sa olympics… and he replied.. yup sa cloing ng olympics sa september 16. he will represent our country =) tarrray diba?
kagabi naman i was talking to ronnie liang about betty la fea…, naku.. abangan niyo ang character niya dun baka manibago kayo… medyo bad at chikboy ang lolo niyo dun ha? pero he said in real life hindi siya ganun! at hindi naman talaga dahil kilala ko naman siya =) super nice guy at gwapo pa =) you know what else he said? noong nasa pda daw siya.. meron siyang apat na dreams #1 magkaroon ng album, #2 magkaron ng hit na kanta, #3 makatrabaho si bea alonzo at #4 ang magkaroon ng pelikula! yung number 1-3 nakuha na niya kaya naman pabiro kong sinabi sa kanya… hayaan mo at malapit na yung pang apata na dream mo na matupad… at si sarah geronimo pa ang kalove team mo! yiheeeeeeeeeeeeeh! =)
mahaaaaaaaaaabbbbbbbbbbbbbbbaaaaaaaaaaaaaah!
AUGUST 1, 2008
Its been a loooong day! =) after my showbiz report kay sir ted failon…, naligo na ko then go sa abs. 9:45am umalis kami ng partner kong si ric rider para magdeliver ng bigas! Inuna na namin ang las pinas, tapos naligaw sa paghahanap sa balut tondo, at naligaw ulet sa maypajo Caloocan then sa other side ng Caloocan near bulacan na ang bagong silang! Ang layoooooooooh pala nun! Pero infairness naman sa nanalo naming ng 50 kilos of rice na si Jeffrey, pinabaunan pa kami ng cheeseburger at pati ang mga kasama naming dj sinakop pa niya! =) atleast may nakain kami pabalik! Bago umuwi sa base dinaan na din namin ang bigas sa isa pang nanalo sa may commonwealth since dun din naman ang way namin papuntang abs. =)
It was an experience going to their houses kahit na madalas kaming naligaw. masarap pala ang feeling kapag pina-tutuloy ka nila ng buong-buo sa bahay nila parang you feel na parte ka na talaga ng buhay at pamilya nila. Going to their houses makes you understand your listeners more.. I dunno…. it was just a very humbling experience, nakaktuwa din sila kasi karamihan sa kanila nag absent pa talaga sa trabaho nila para lang antayin kami. Kahit pagod Masaya… kahit naligaw, nalate sa boardwork… I must say… it was worth it! =)
Bukas nga pala August 2, 8pm nasa Marikina sports complex kami kasama ang mocha, pupil, itchyworms, moonstar 88, Ronnie liang at marami pang iba! See you there!
happy weekend!
happy weekend!
fri july 25… i interviewed charlie green! half pinoy half brit from britains got talent! madaming project ang abs for him!
sat july 26… my girl teens invades dagupan!
sun july 27… my girl teens conquer sm sta rosa!
wed july 30…. me and my jumpsiut at magsaysay shipping in ermita! ang galing ng marino event! at dahil nga buong araw ang event… nung gabi ko naramdaman ang bonggang bonggang gutom! tatlong piraso ng manok at 2 cups rice nakain ko! para kong karpintero sa gutom! =) naubos ata lahat ng kinain ko the whole day sa kanila! pero dont get me wrong ha? madaming food sa event! nagutom lang talaga ako!
thurs july 31… me and my maniquin jowa! haha! nanood ba kayo ng uplate? ang kulet talaga nitong manikin na to! naging shota ko ng di oras at… humihilik pa! kaya mine meme ko habang nagpapa games! =) ngayon malapit na ko matulog! maaga pa kami ni bespren ric bukas dahil magdedeliver pa kami ng bigas sa mga nanalo sa cash, gas, bigas at load promo namin! =) hope you hava happy weekend!
im popeye the sailorman! toot! toot!
JULY 31, 2008
Im still in abs! katatapos ko lang gumawa ng chika ko for dzmm.Medyo inuumaga na ang lola niyo. Kanina kasi ngarag ngarag ang level. Absent ako sa fm kasi may inasikaso ako. =) i went to magsaysay shipping in ermita kanina.. wag kayo mag alala, hindi pa ko sasakay ng barko.. medyo mag ro-row row your boat lang ako! Ehehehehe! Kaya naman yung nakita niyong suot ko sa uplate kanina eh part ng ginawa ko kanina! Ang cute cute ng jumpsuit ko! =) bagay naman pala kong maging crew sa barko.. o kaya kung di ako papasa.. ako nalang yung ankla o salbabida!
Birthday party ni kuya bubuy kanina ( ceasar montano ) di na nga ako nakapunta sa party palce to be kasi pagoda na ang lola niyo!
Birthday din ngayon ni deege isa sa mga friends ko! Just like jaymee and kc macapagal isa din siya sa mga blessings ko this year! Kaya happy birthday sa inyong tatlo to the highest level! Wooohoo!
Nung Tuesday I went to belo.. paganda day ko yun!.. pakunswelo sa katawang lupa ni laila! Hahaha! =) Ni new life nila ko! It’s a sculpting machine so if you notice a more toner me.. its because of belo’s new life!
Nung Tuesday din dumating sa bahay namin yung napanalunan kong showcase sa game ka na ba! tuwang tuwa ang mommy ko kasi binigay ko sa kanya ang 21 inch flat screen tv! Para kasi siyang nagdilang angel nung isang beses na nanonood kami ng gknb! Nakikisagot kasi ako tapos sabi niya.. kelan ka kaya nila isasali ulet diyan? Sabi ko ewan natin! The day after sabi ko sa kanya… gusto ko sa birthday mo reregaluhan kita ng bonggang bonggang tv! Yung 21 inch para di na naka- kunot ang noo mo pag na no-nood ka! ( alam niyo naman pag ume-edad na davah? Naniningkit na ang mga mata pag 14 inches lang ang tv! ) kaya lang ang sad na news dumating a day after nang kina-ilangan kong magbayad ng sobrang malaking bill sa meralco kaya sa bi ko sa sarili ko.. there goes the 21 inch tv na regalo ko sa nanay ko! Infairness to game ka na ba! pwede na din ako patayo ng appliance shop dahil sa mga premyong napapanalunan ko sa kanila! Thanks tito edu!
Chika ko ulet kayo maya ha? Sheeeeeelppppy na ko! Paano ko uwi? Di na! Dito nako tulog! Maya na ko uwi! Hahahahaha! Sino ba mayaman diyan penge naman ng kotse!
you have to watch games uplate live tonight!
JULY 28, 2008
It’s past seven pm. Nararamdaman ko nang gutom ang mga bulate ko sa chan! =) hindi na sila ok ka ba tiyan. Kaya naman kinakain ko na ang miryenda kong baon na ginataan.. pang-hapunan ko na siya. Haha! =)
kamusta naman ang sona? Nanood ba kayo? alam niyo i am not a Glorianatic nor a critic sa gitna lang po ako. Maraming mgagandang proyekto ang pangulo … sana with God’s grace matuloy lahat at wala nang katiwaliang mangyari. Infairness to vat… madami naman palang pinatutunguhan ang 12 percent na binabawas. Sana nga sa mga proyekto para sa mahihirap ito napupunta. At kamusta naman ang 50 centavos per text? Mukhang happy days are here again sa mga kinakarir ang texting =) ang roro project talagang ru-moro-ro your boat talaga! =) mahirap talagang iplease ang mga tao.. kahit pa may mga magagandang balitang ganito… marami pa rin ang nega. I guess talagang different strokes for different folks.
How was your weekend naman bespren? Ako.. it was a long journey noong sabado. we spent four and a half hours on the road going to Dagupan City kasama na dun ang nawala kami at napadpad sa linggayen. Haha! =) the dagupenos were warm naman in welcoming us. Pati nga ang vice mayor ng dagupan dun kami pinakain sa bahay nila! Nakilala ko din ang mga radio counterparts ko sa mor for life dun. I met maki, ham milby at Natalie coco! =) cool names noh? Masaya naman ang show ng my girl dun. Ganado kaming lahat dahil sa ipinakitang pananabik ng mga taga Dagupan sa cast ng my girl. Natapos kami mga mag a alas siyete na ng gabi kaya naman umiikot na ang pwet ko dahil nag-wo-worry ako na baka mamaya eh di ako umabot sa games uplate live! Yung driver pa ng van na sinakyan naming…. Nakakaloka.. hindi pala niya alam na umuwi ng maynila! Naku.. nag inimin minimoe kami ng mga kalsada. Buti na lang umabot ako sa uplate dumating kami sa manila 10:45, we were the first batch to arrive kasi ang mga kasama naming coaster at iba pang van.. past 12 midnight na dumating. Nga pala…. Dapat manood kayo mamaya ng games uplate dahil may malaking surpresa ang GUL para sa inyo! Clue… lahat ng networks.. pwede nang magdownload!
Sunday I was with the my girl barkada na naman sa sm starosa ! ( pics comming soon! ) kala ko nga yun na ang last na mall show namin kaya sumesenti ang level ko kahapon mami-miss ko ang mga kalokohan namin on stage =) infairmess madami pang nadagdag na mall show! Mabenta ang barkada ha? =)
Im here in the booth right now on board with my bespren ric rider.. ngaragan din ang level ko ngayon, bago ko nagboardwork.. sumilip ako sa studio one ng abs-cbn. sinurprise ng big bosses at Pinangalanan nang dolphy theater ang studio one bilang parangal kay tito dolphy as one of the haligis of pinoy showbiz at siyempre dahil isa rin siya sa mga matagal nang kapamilya ng abs-cbn! tina-transcribe ko rin ang sona habang kumukuha ng mga callers for our kaliwa o kanan segment at siyempre nagpapa-rehistro din ako for the cash, gas, bigas at load promo namin! Kaya kung gusto mo manalo bespren ng cash, gas , bigas at load.. paregister na kayo! 924-26-84 or 415-11-11!
Mamaya ha? kita tayo at magkulitan sa games uplate live! =) wag niyo ko iwan ha? see you!
BUSY AS A BEE!
JULY 25, 2008
Hey besprens! Kamusta naman kayo? Mahaba ang araw ko ngayon ha? at mukhang tutuloy-tuloy siya hanggang sa lunes ng gabi =) ngaragan ito but I loooooooooove the feeling! Di bale nang mapagod ang katawang lupa ko kesa naman sa nakatunganga lang ang level ko nagbibilang ng mga kulisap at mga butiki sa kisame! Isama niyo pa ang mga twinkle twinkle little stars sa kalangitan! =)
Kanina pagka-report ko kay sir ted umidlip ako ng konti kasi mahbaaaaaaaaaaah talaga ang araw ko! bago ako magboardwork.. galing ako sa shangrila makati sa connways bar dahil initerview ko ang englands got talent contestant na half brit half pinoy na si Charlie green!Nakakatuwa siya kausap para siyang mama na natrap sa katawan ng isang bata! May pagka mature siya to think tha he’s only 11 years old =) whats shocking was nung tinanong ko kung saan sila sa england sabi nila sa worcestershire! Kaya napa-sabi ako ng… ( with british accent din ha? ) REALLY?.. I stayed there for quite a while because my sister lives there!
Pagdating ko sa abs, maaga pa kaya naglakad-lakad ako sa trinoma in search for a shinny shimmery splendid pair of red pumps pero hindi ako successful! Nauwi tuloy sa pagbili ko ng mani ang paghahanap ko ng shoes! Eto nga at nakaboard ako ngayon while blogging. =) mamaya, go ako sa tiendecitas.. may live for life kami dun then fly ng mga 11:30 kasi naka-leave si mareng jaymee ng ilang araw kaya inihabilin muna sa kin ang uplate =) ilang oras lang ang tulog ko from my uplate stint at pu-pullout naman kami ng 8am from abs going to dagupan! ( dagupan here we come! ) kasama ko sina kim at gerlad at ang mga my girl teens! See you 3pm sa csi mall! =) pagbalik ko from dagupan uplate ulet. =)
Sunday naman boardwork ang lola niyo ng 9am til 1pm isang oras lang ang pahinga ko kasi 2pm alis naman kami papunta ng sm santa rosa .. kasama ko na naman sina mareng kim at Gerald! 5pm naman ang mall show namin dun! Pagakatapos ng mall show malamang masarap ang tulog ng lola niyo. Monday naman, board ako ulet then uplate =) sa Tuesday…. I will reward myself naman by going to my pag-papaganda place to be… Belo!
Come to think of it.. galing ako dun the other day at binio-sculpt nila ko… kamusta naman ang tino-tone nilang abs ko?… it’s like doing sit-ups without sweating it out =) pero nagsi-sit ups din naman ako. =) PROMISE! =)
HAPPY WEEKEND!!!! =)
an entry that was long overdue
JULY 7, 2008
Gud avning! Madami na kong utang talaga sa inyo! Pasensya na po mga bespren kung mag iisang buwan akong blanko.. silent mode at deadma to the world… aside from being busy sa everyday life, nasira kasi ang laptop ko, nakalimutan ang password ng ktext ko at nag-soul searching din ako kaya hindi ako makapg input ng entry. =) pictures comming soon po!
Kahapon Saturday… go ako sa binyag ng kapatid ni Makisig Morales! Kumpare at kumare ko nang buo ang parents ni mak! =) nag anak ako sa 2ndto the last sibling niya! actually nagulat pa nga ako kasi apat na sabay sabay na binyagan ang naganap! Mass baptisim ito ng Morales kids! Kamusta naman yun? Sabi nga kasi ng dad ni Makisig eh isang bagsakan na lang.. matagal na nga nilang pinaplano yun kay Maliksi pa lang ( 5 yrs old ) kaya lang medyo nasundan ni Marikit ( 3 yrs old ) tapos biglang dumating pa ang isang angel na inaanak ko nga si Mahinhin ( 1 yr old ) at another angel na si Malambing ( 2 months ) sabagay… sabi nga nila diba? .. the more.. the many-er ( ngek! The more the merrier yun ah! ) HAHAHA! Alam niyo bukod sa ang cute ng mga pangalan nila, ang gaganda at pogi talaga ng mga kapatid ni Maksig..walang tapon ang lahi ng mga kids na ito! =)
Pagkatapos ng binyagan I went to my apo’s 1stbday party! Yup… you read it right! Apo ! Lola na ako kasi matanda ang dugo ng nanay ko! yung mom ko kasi ang bunso sa family nila at 7 silang magkakapatid so habang pinapanganak ang nanay ko… nanganganak na rin ang iba kong mga tiyahin! =) kaya eto.. may apo na ako sa pamangkin! Hay kamukhang kamukha niya ang nanay niya.. parang pinagbiyak na ampalaya! =) nalate pa nga ako ng dating sa venue at sabi ng pinsan ko.. ( yung nanay ng pamangkin ko ) hoy!.. balita ko nanalo ka na naman sa gknb!Kaya sinagot ko siya.. TAMA! Kaya eto bonggang bongga ang regalo ko sa apo mo! haha! =) nakita ko pa nga ang mga kalaro at kababata ko dati.. yung iba mga doktor na.. yung iba naman may mga asawa na at may mga bagets na.. ambilis ng panahon ano? Ako nga lola na eh! =)
infairness talaga sa gknb.. and I thank God for the blessings na lumalapit sa kin. Yung napanlunan ko may kapupuntahan po yung mabuti wag kayo mag alala. Di ko na lang sasabihin kung saan di naman siguro kayo magagalit kung im gonna keep it to myself na lang.
Nung mga nakakaraang araw naman puros tulog ang inatupag ko.. ewan ko ba kung bakit pero I feel so deprived of sleep! Parang sarap na sarap akong matulog kahit na lagataktak na ang pawis ko! ( laila trivia.. yan lang ang pastime ko sa buhay.. ang matulog nang walang nang iistorbo! =) )
Thursday naman na nagdaan may trade fair kami sa makati kaya maaga akong umalis sa radyo nauna na akong pinapunta ng boss ko sa event at naiwan mag isa si bespren ric rider sa booth!
Last Sunday naghost ako ng call center party.. laglag silang lahat sa upuan nang nag u-umapaw ako ng English na nagsasalita at bumabati sa kanila ng HAPPY ANNIVERSARY pero napatumbling silang lahat nang sinabi kong…“WAIT… IS IT OKEY IF I TALK NA LANG MUNA IN TAGALOG? KASI IM SICK AND TIRED OF TALKING IN ENGLISH NA AT HOME EH!” SO KAKASAWA NA TALAGA! HAHAHAHA! =)
Aside from naglive for life kami sa tiendecitas noong Friday at nagsubstitute ako for mareng Jaymee, nung Saturday naman kasama ko si Tado sa Trinoma… naghost kami ng e-games ng Globe! In fairness nag-enjoy ako sa mga online games ha? lalo na yung audition.. di kasi ako kagalingan magsayaw kaya yung mga daliri ko na lang ang pinagsasayaw ko, divang diva pa ang level ko! =)
Isang buwan din ako mahigit na umupo sa DZMM to fill in for Tito Alfie Lorenzo’s showbiz talkshow… ang showbiz talkshow na walang pangalan. Pero tapos na po yun, pinalitan na siya ng show ni Father Gerry Orbos. May sadness akong na feel pero mas naligayahan naman ako dahil finally.. makakapagpahinga na rin ako.. makakapag day off na din ako! At higit sa lahat religious naman ang pinalit =) come to think of it… yun siguro ang dahilan kung bakit mahilig akong matulog lately kasi nga pagod ang katawang tao ko! =)
Pero siyempre dapat maganda pa rin ang skin ng lola niyo kaya may isa akong araw na dedicated lang talaga kay Doc Vicky Belo! Buti nga mahal niya ko! tine-Tenor niya ang mukha ko ngayon kasi nga sabi niya my face is malapad on tv! Tenor is a non surgical procedure.. no blades, no injections, and definitely no needles! Pero it promises to make your face, arms, even your tummy smaller dahil it uses heat! It can also tone, firm and sculpt your body kaya naman I am so thankful dahil love na love ako ni Doc Vicky! Try niyo rin siya… para pare-parehas na rin tayong magsabi ng.. only Belo touches my skin! Who touches yours? =) alam ko marami ang magtatanong sa kin ng numero niya kaya eto na po… 373-3355 =)
when you least expect it…
JUNE 6, 2008
it seemed like an ordinary day kanina, i was even telling myself na parang wala ako sa mood umattend ng presscon kasi nanginginig na naman ang katawan ko sa pagod dahil admittedly hindi pa naman ako ganun ka well recovered! naguilty ako kaya go ako sa presscon ng pbb teens… hmmm si nan, valerie at alex gusto nila si ejay ang manalo! ako… no comment muna pagkatapos na lang ng big night. =)
valerie looks a bit like say and vina morales =)
after voicing for cinema news alert… i went to doc vicky belo’s clinic. ito na lang ang libre kong oras kasi bukas ngarag ngarag na naman ako! i will be hosting for a presscon sa nbi ( tarrray db? ) =)
pagbalik ko sa stasyon guess who i saw? parang artista ko siyang tinilian! nakakaloka pa nga ang meeting namin! kaka-kuha ko pa lang ng pancit sa news and information center ng radyo nang bigla kong nakita ang mga iba kong katrabaho na nagpapapicture habang naglalakad…sabi ko sa sarili ko.. sino kaya ang bisita… pabaik na rin ako sa booth ng fm nun nang makasalubong ko siya! muntik ko nang maibagsak ang pancit na hawak ko!…. naloka ang lola niyo! alam niyo ba na harapan nakita ko si Father Fernando Suarez ang healing priest na matagal nang sinusundan ng mga tao? bisita kasi siya nila Anthony Taberna at ni Gerry Baja kanina kaya nung makita ko siya sinabi ko sa kanya na nagpunta pa kami ng mommy ko sa St Jude noon para lang makita siya at ipaheal sa kanya ang mommy ko kaya lang sa sobrang pagod niya, binasbasan na lang niya kami at wala nang healing. i asked him kung pwede ko siyang yakapin in my moms behalf… pumayag naman siya at kinuwento ko sa kanya ang mommy ko! naisip ko na minsan lang ang opportunity na ganito when all is relaxed at hindi siya dinudumog ng mga tao! it’s not everyday na dadalawin ka ng isang paring kahit saan agpunta eh dinudumog ng sandamukal na tao! at sa busyng mundo namin sa radyo.. parang huminto ang oras naming lahat! lahat ng may sakit sa amin pinray over niya at pinakita ko ang picture ng nanay ko sa kanya… dinasalan niya pati ako dinasalan niya… hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya sa kin kasi napaiyak ako talaga dahil alam ko na through my faith in the Lord may patutunguhan ang lahat at mas naiyak pa ko nang sinabi niyang wag ka na mag alala.. gagaling na ang nanay mo. grabe sobrang hagulhol talaga ako tapos when he touched my forehead akala ko tutumba ako.. totoo pala yung mga napapanood ko sa tv! after being blessed by Father Fernando, gumaan ang pakiramdam ko! parang nagka peace of mind ako at parang may malamig na something sa buong katawan ko! pagkatapos nun tinawagan ko ang nanay ko habang umiiyak ako tapos kinuwento ko sa kanya na sabi sa kin ni Father Fernando gagaling na siya! pati siya umiyak na ng umiyak! kaya nga kanina sa rr i couldnt help but cry kasi tears of joy talaga ang nararamdaman ko. hanggang ngayon magaan pa rin ang feeling ko i really feel that i have been blessed by the Lord through Father Fernando. kahit si china heart, ric ryder at si regie valdez nagsasabi na kakaiba ang naramdaman nila nung dinasalan sia ni Father Fernando. it was definitely an unforgettable experience. and I thank God that I happened to be at the right place at the right time! =) minsan talaga good things happen when you least expect it!
this pic was taken before the pray overs began. sabi ko kasi kay father ipapakita ko sa mommy ko ang picture namin kaya nagpakuha ako. =)
pre and post trangkaso pictures!
JUNE 4, 2008
eto ang ilan sa mga happenings noong mga nakakaraang araw habang on going ang sakit ko!
sunday… may 25 ginagawa ko nang tubig ang calamansi juice! kulang na lang pati buto at balat isama ko! =) i was with the kung-fu kids sa sm bicutan! i didnt let them beso me kasi nagui-guilty ako na baka mahawa ko sila! =) pero si jairus makulet… why not eh nag e-enervon naman siya! eto ang kulitan pics namin! nung pormal ako… siya ang kengkoy..
noong ako naman ang kengkoy siya ang naging pormal! haha! =) tawa pa siya ng tawa kasi nga pinagti trippan niya ko that day! mabait ang bata na to! super inggo pa lang kasama ko na sila ni makisig. =)
monday may 26 ipinahinga ko na katawan ko. nagmamakaawa na kasi ng kamaaaaah! kama! kama! =) tuesday sabi ng utak ko kaya ko na pumasok aparently hindi pa pala kaya ng katawan ko! noong nasira ang mrt nung tuesday ng hapon isa ako sa mga nastranded na pasahero kaya pagdating ko sa abs nung hapon na yun… sa clinic ako dumereho! hindi rin ako nakapagboard kasi sa sobrang fatigue ng katawan ko… namanhid ang mga dulo ng mga daliri sa kamay at paa pati labi ko at super nanginginig ako! pinauwi din ako ng boss ko! sabi ko nga umeffort pa ko pumasok papauwiin din pala ko sana nanahimik na lang ako sa bahay! hahahaha! =) hay buhay! wednesday kahit na mukha talaga akong manas pinilit ko na talaga pumasok at thursday umattend na ako ng mga presscon ulet! star magic birthday celebrants for the month of may! kasama sina mareng carla humprhies at bangs garcia!
me, bangs at yung nasa gitna si mareng reyma! she’s from abs interactive showbiz siya ng abs-cbn online namin! madalas magkasama kami pag may presscon!
anlaki ng mukha ko noh? bloated butete! =) hahaha! parang buntis lang manas ng over bongga!
eto naman kami ni mareng carla! bait sila pareho actually! =)
after the presscon nagstarbucks muna kami ni reyma at nagkita naman kami ni mareng ginger conejero at mareng gretchen fullido! =) bihirang mangyari ito kaya kahit na mukha akong peklat sa tabi ng dalawang magagandang gelays eh pumose na din ako! =)
from left to right… gretchen fullido, me, reyma and si mareng ginger sa itaas! =)
alam niyo ba pagkatapos namin magkape… i even bumped into mareng maja salvador’s manager .. tita chit ramos at mareng claudine baretto-santiago naichika niya nga sa akin na third taping day na nila ni daddy gabby concepcion for their soap and they are getting along just fine! tapos kong makasalubong si mareng clau… si pooh naman ang nakasalubong ko! punong puno ang araw ko diba? nagchikahan lang kami saglit tapos fly na siya! =)
friday may 30 another presscon! ngayon naman to formally welcome billy crawford bilang bagong kapamilya! at bago nga ang contract signing eh nagkikay muna ako sa tarp ng 55 years ng abs! naisip ko pagtanda ko at uugod ugod na ko maipagmamayabang ko sa mga apo ko na i was a part of abs-cbn noong ika-55 years nila!
me, billy, and my best showbiz bud at kapartner sa dzmm tuwing saturday night na si mj felipe! =) mj and i have been friends for quite a while na rin! magkasparring kami niyan sa mga hosting at kung anu-anong raket! at ngayon naman sa dzmm.. siya ang outsider kasi siya ang rumoronda for the chika at ako naman ang insider! kasi ako ang chumichika sa mga kapamilyang artista! =)
uy contract signing na! welcome to the family billy! =) from left to right… direk lauren, maam cory vidanes, billy crawford, sir deo endrinal, and di na ata nakita sa picture si mr. arnold vegafria!
after the presscon i went to doc vicky belo’s clinic! nagpakinis na naman ako ng kili-kili ko! haha! sabi ko sa inyo sa puti niya pati si martin d napawow sa kili-kili ko! buti na lang talaga mahal ako ni dic vicky! kaya kayo call kayo sa clinic niya! 373-3355 or paconsult kayo kay doc vicky mismo tuwing friday andun siya sa morato clinic 10am-12nn =) kinagabihan pauwi na ko sana kaya lang kulang kami ng dj sa aming live for life concert sa tiendecitas kaya niraket ko muna yun! kasama ko sina yeng, rj, jay-r, irish at chad at marami pang iba!
album launch ni yeng sa tiendecitas that day and it was a big success! super support ang yengsters! =)
saturday june 31 day off ko from fm! pero sa am may inuupuan akong programa pansamantla. eto ang program ni tito alfie lorenzo sa dzmm. dont ask me what happened to tito alfie… hindi ko rin po alam and i am not in the position to give any input or opinion, ang alam ko lang substitute niya ako while he is away. =) ginuest namin ang ibang teen housemates at nag-intrigahan sna rona, josef and valerie =)
after kami binisita ng housemates naka usap din namin si mareng ara mina sa landline! =) and the nagdrop by din si mareng rr enriquez of wowowee! nagkulitan kaming tatlo ni mj. makikay din pala siya! =) at ampayat pala niya ha? kelan kaya ako papayat ng ganyan? hahahaha! =)
sunday june 1… boardwork as usual! at pagtapos nun go ako sa sta lucia east grandmall for my girl malltour! daming supporters… daming kimeralds! sa sobrang tight ng programa di na kami nakapag picturan! =) bawi ako sa sm muntinlupa! sa sunday june 8 dun naman kami! hope to see you there! =)
june 2 monday… wala masyadong happenings pero yesterday umattend ako ng pda season 2 presscon! buhay ko na ata ito talaga ang umattend ng presscons kasi wala rin naman ako machichika kung di ako umattend! umalis agad si mareng nikki! kaya si mareng toni nalang ang kinulet ko! =)
direk jilmer, me and direk laurenti! two people that i look up to not because maliit ako ha? but because of their dedication and devotion to their work! =) nakatrabaho ko si direk jilmer sa pda dream minute check it out on the web.. www.pinoydreamacademy.com =) siya rin ang diretor ng pda2. si direk lauren naman… he will always have a special place in my heart =)
at dyan na po nagtatapos ang aking pre at post sickness happenings! ngayon alam niyo a kung bakit minsan nagkakasakit ako! hahahaha! =) bukas a-attend ako ng presscon and i will keep you in the loop! =)
groggy, bloated butete!
MAY 27, 2008
i am ill!
kung madali po kayo mandiri i suggest na wag na lang basahin ang entry na ito dahil napaka detailed ang kwento ko! =)
last friday night akala ko ina-allergy lang ako. tulo ng tulo ang uhog ( eeew! ) ko pero i still went to martin d’s birthday party just across the street ng abs sa janero. naka-uwi ako sa amin mga alas dos na ng madaling araw saturday morning. mga bandang alas sais ng umaga that same day… nagising ako dahil masakit ang lalamunan ko kaya nagstrepsils ako. infact.. nakatulugan ko yung strepsils. =) pagisisng ko nakipag bonding pa ko sa nanay ko tapos mga bandang four ng hapon umalis na ko for our live for life concert sa manila ocean park. dun yata ako sinama kasi bigla umulan kaya lalo tumulo ang sipon ko. nung gabing yun nagpa-spa ako, nagsauna at nagpaherbal ng likod kasi ang lamig ng feeling ng likod ko, parang nilagyan ng yelo. pagkatapos ko magpa-spa… AYAN NA SIYA!!! lumabas na lahat ng ilalabas ng katawan ko! i swear kahit ako nandidiri sa dami ng pleghm ko =) hahaha! at take note… utot ako ng utot maghapon ng sabado at lingggo! pero syempre sa spa pinipigil ko kasi naman kahiya diba? =) nagboardwork pa nga ako yesterday pero i was already feeling terrible. ginawa ko na ngang tubig that day ang calamansi juice.. kulang na nga lang pati balat isama ko para gumaling ako agad! sabi ko sa sarili ko.. hindi ako dapat magkasakit! at eto na ang nakakalokang parte… dinalaw ako ni doc gary sy sa booth at sabi niya.. what happened to you? you look so unwell! binigyan niya ko ng medicines para gumaling ako kaagad at may kasamang pagalit yun ha? sabi niya sa kin.. ikaw naman kasi matuto kang magpahinga! kaya ka nagkakasakit kasi sinasabi ng katawan mo na stop muna! if i were you i would take a day or two para magpahinga at inumin mo lahat ng binigay ko sa yo, makakatulong yan! ayun nasermunan ako ng doktor! pero after niya kong tingnan i felt a bit better! parang may mga magic talaga ang mga doctor ano? ganun kasi ako eh.. mahipo lang ng doctor ayos na. minsan nga, makasinghot lang ng ospital ok na ko eh =) hahaha!
after my boardwork sabi ko sa katawan ko… okey.. last na to dahil matagal na natin to nao-ohan! i went to sm bicutan for the kung-fu kids mallshow at buti na lang maaga natapos! after nun pumunta ko sa grocery at namakyaw ng calamansi! para na akong bloated butete dahil puros calamansi juice lang talaga ang tinutungga ko! nung sunday ng gabi para kong hihikain pero labas ng labas ang mga kadiri kong plema! itinulog ko na siya ng maaga at nagleave na ako para gumaling na ko agad! simula yesterday wala ako gana kumain kaya lugaw lang ako ng lugaw at calamansi juice! buti na lang di ako masyadong napuruhan ng hika.. medyo lang. =) i am hoping na makakapasok na ko mamaya =)
at habang nagpapagaling, i slept almost the whole day today pero i had the chance to watch ligaw na bulaklak medyo mabagal ang takbo ng storya for me pero nagsisismula pa lang naman kasi kaya understandable na ganun. as for my girl napanood ko din siya! natural na natural si kim! tira tira! ang galing ha? nag improve na ang acting niya! tinext ko nga si kim eh… pero di pa siya nagrereply! baka naman wrong send ako! o kaya baka wala siya load! hahaha! =) joke!
maling akala
MAY 22, 2008
akala ko pa naman parelax relax lang ako today… akala ko lang pala yun! nawala sa loob ko na it’s a thursday… thursday is my voice over day sa kapamilya channel at sa cinema news alert weekend edition! siguro dahil na rin sa ulan kaya nawala sa loob ko na vo day ko today before my boardwork! at ang mas nakakangarg na parte… absent si bespren ric rier kaya ayun… mag isa ako sa boardwork ko kaya ako lahat… ako nag dj, nagnews, nagshowbiz, naghanap ng caller, naghanap ng winner, nag the beat at nag amazing tres. very stressful kasi kapag mg isa ka lang =) pagkatapos ko magboard takbo ako agad sa presscon ng my girl ni mareng kim at ni gerald pero nabigo ako… di ko na sila inabot kasi late na late na late na ko. eh syempre hindi ko naman pwedeng iwan ang boardwork ko diba? =) kakaloka sabi ko pa naman sa sarili ko bago ko umais ng bahay paeasy easy lang ako today .. im sure walang happening!… guess i spoke too soon! =)
No Response to "May to August 2008 Blog"
Post a Comment