NOVEMBER 26, 2007
Hellower mga natixxx… Kamusta naman ang sunday night niyo? Sana mapayapa. Ako naman andito ngayon sa sta cruz laguna.. Magkasama kami ni bodie cruz kanina. Masya naman dito pero may isang balitang ikinagulat ko ng bonggang bongga. Nagtext ang mommy ko.. Sabi niya yung isa ko daw na kababata patay na… Inatake sa puso. Sobrang nashock ako… Parang hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa text na nabasa ko. ambata pa niya 30 sumthing lang! Nasa burol na daw ang kuya ko. Baka bukas ako naman ang dumalaw. Sobrang nashock talaga ako… Naaalala ko pa noong mga bata kami nagba bike kami noon at yung kapatid naman niyang babae kalaro ko din at nagco coloring book pa nga kami at naglalaro ng bahay bahayan sa bahay. Ambilis naman ng buhay. Parang kelan lang tumawag pa siya sa bahay namin. Sana kung san man siya naroroon.. payapa na rin siya.
No Response to "Nashock ako."
Post a Comment