installment
MAY 22, 2008
hindi ako masyadong nakatulog kagabi. siguro sa dami ng iniisip. natulog ako ng ala una ng madaling araw tapos alas kwatro y medya pa lang gising na ko. at dahil creative ang utak ko kaninang madaling araw… ginawa ko na yung iba kong kailangan gawin para sa aking sunday program! may bago akong pakulo… abangan nyo yan! kaya naman mga quartar to six napagod na rin siguro ang utak ko.. di ko namalayan nakatulog na pala ako. nung nag alarm tuloy ang relo ko for my showbiz report kay sir ted nagulat pa ko! hahahaha! =)
hay naku.. ang hirap naman ng installment ang tulog. pagka report ko may i sleep ako ulet pero ang weird ng mga panaginip ko lately. ramdam ko na pati sa panaginip ko hindi ako at ease o balisa pa rin ako. parati na lang may namamatay na hindi ko kilala. siguro dahil hanggang ngayon di pa rin ako makaget over sa nangyari sa cabuyao. piangpe-pray ko naman sil gabi-gabi. pero shocking talaga yung nangyari na yun. makes you think… gagawin mo ba ang isang bagay na ganun dahil sa sobrang hirap ng buhay ngayon o baka naman trip trip lang ng mga gumawa yun… just for the thrill of it. kawawa naman yung mga pinatay.
nakikisuyo si taong lobo!
MAY 21, 2008
mga fanatics ng abs-cbn… tulungan natin si taong lobo. =)
pakita natin sa kanila na one team tayo! yeah, yeah, yeah!
from taong lobo…..
Guys, grabe Über lapit lang po ng votes nina Angel at Marian same with Sam and Dingdong. Sana naman po ay suportahan natin ang ating mga Kapamilya stars. Please do vote now kasi malapit ng matapos ang botohan. Go Kapamilya. Let’s show ‘em we are really a TEAM to BEAT!! Go…
POLL MECHANICS
Vote for your fave female and male celebs, female and male hosts, celebrity couples, bands, TV shows, radio stations, uaap players, and style sisters.
How to vote:
Simply visit www.meggurl.com
Click on the link MTC Awards to register.
If you are already a Megboard member, you will be directed to the Meg Teen Choice Awards online voting page. If not, complete the registration form in order to vote.
Voting Process
There are ten categories for the Meg Teen Choice Awards. Each category has three choices.
To cast your vote, just tick the name of your fave choice.
An online vote counts as ten (10) votes.
Voters can vote as many times as they want.
Running tally of online votes will be posted on the online voting page once votes are made. Results posted onwww.meggurl.com are only partial and unofficial.
Winners will be announced in the Anniversary Issue of Meg and during the Grand Anniversary Party of Meg.
The online voting period is from May 1-31, 2008.
churrri! churrri! churrrri! = )
ive sleeping most of the time kaya medyo tinamad ako sa pagb blog! =) churrri! but im back, text back, sexy back! dito na me! hahahaha! =) kahapon habang naglalakad ako sa hagdanan ng mrt nakakita ako ng isang bundle ng pera… nakita din siya nung mga babaeng kasabay ko! pinulot nung isang girl at tuwang tuwa siya.. parang nanalo sa lotto ang lola niyo… i didnt really mind her kaya lang naisip ko… kawawa naman yung nawalan ng pera baka yun na lang pera niya sa bulsa. sa di kalayuan… may nakita akong mama… halos baligtariin na niya ang bulsa niya, pati nga medjas niya kinakapa niya… naisip ko baka siya yung nawawalan ng pera.. tinanong ko siya.. tay.. nawawalan po ba kayo ng pera? sabi niya.. oo eh… kaya sabi ko sa kanya.. napulot po nila ( pointing sa mga girls ) yung pera niyo sa may hagdanan kanina. iniabot naman ng mga girls yung pera pero naka ismid sila sa kin! kamusta naman yun? eh kung tutuusin mo di naman talaga sa kanila yun! tuwang tuwa yung mama.. akala ko hahalikan pa ko sa sobrang pasasalamat niya! haha! pero yung mga girls… kung may magic lang yun malamang ginawa na kong palaka nung mga yun! =)
moral of the story…
you can never please everybody.
finders are not always keepers.
dalawang sabado na rin akong umupo sa program ni tito alfie lorenzo sa dzmm. am po yu ng abs-cbn! pero mind you, ang am ngayon ay hindi na po pang thunders na lang, dahil marami na rin bagets ang hooked sa dzmm maybe because of teleradyo na rin! napapanood na kasi kami sa cable =) so if you miss me on tv.. at kung ako pa rin this saturday karinigan kanoooran at kulililitan po tayo ulet ha? tuwing sabado po yun 8pm til 9:30 with mj felipe sa dzmm teleradyo at dzmm 630 =) magchikahan naman tayo sa radyo!
welcome back!
MAY 13, 2008
im watching gul ngayon! welcome back kay kumareng kabagang! kaninang madaling araw naghatid kami sa airport kaya mga bandang alas tres na rin ako ng madaling araw na nakatulog! after nga ng report ko kay sir ted talagang natullog ako ulet eh! mga one pm na ko ulet nagising! wala naman kasi akong bisyo.. tulog lang talaga ang kaigayahan ko sa buhay kaya pag nag ingay ka ng natutulog ako.. naku! mag aaway tayo ng over bongga! hahaha! =)
pagka gising ko kape lng ininom ko tapos nilampaso ko ang sahig ng kwarto ko kasi nga ayaw ko ng madumi… ayaw ko ng mabaho at ayaw ko ng putiiiik! haha! hate ko lang talaga kapag adumi kaya naisip kong iexfoite ang sahig! besides work out ko na rin yun dahil di ako nakakapag gym lately!
birthday ng bespren kong si ric rider kanina kaya mag isa lang ako na nagboardwork! =) buti naman at naki ayon ang forces dahil hindi ako masyadong nangarag! mahirap kasi mag boardwork nang mag isa lalo na kung jampacked ang mga segments ng program =)
Games Uplate Live May 9, 2008
MAY 12, 2008
here’s something to remeber me by… si tanod laila na pinost ng aking webmaster na si jp fajura. =) sayag wala akong episode na naka youtube na angell lailalalalalalala! kamusta naman ang mga pakpak kong nasira at ang halo ko na nalalaglag? =) hahaha! ewan ko ba.. mabait naman ako pero siguro sabi ni Lord…, napakagaslaw ng angel na ito! di siya pasado sa quality control ng mga anghel! =) hahahaha! kaya nga tinanggal ko na lang at i decided na maging si sadako na lang tapos si imang of kampanerang kuba! hahahaha! pero nung naayos na ulet ang pakpak ko sinuot ko na ulet! at when i was about to say goodbye… hinawakan ko na lang ang mga wings ko! =)
dont miss me on games uplate so much mga bespren kasi ako naman ang official karelyebo ni mareng jaymee! kaya sa susunod nating pagkukulitan muli! maraming salalalalalalalalalaamat sa dalalalalalalalalalawang linggo na pagpupuyat with me! =) mwah!
happy moms day!
MAY 11, 2008
Happy mother’s day bespren! di ako nakapag entry kahapon… busy busyhan ang lola niyo! nagpictorial kasi ako for ink and prints… it’s my first ever endorsement! =) post ko pics soon! alam niyo ba hindi ko inaakalang makakapag emote ako ng serious! naloka ako sa sarili ko! =) nga pala… Binati niyo na ba ang mga nanay niyo? Naku dapat lang na i-greet niyo siya ng over bongga ha? once a year na nga lang hindi niyo pa masabi na mahal niyo siya! Show her how much you appreciate everything that she’s done nang walang halong kaplastikan. =)
Share ko lang sa inyo… Alam niyo, nung bata pa ako, hindi ko ma-apreciate ang nanay ko kasi ang laki talaga ng generation gap naming dalawa. She gave birth to me when she was in her forties kaya naman noong tumi-teenager na ako hindi kami magkasundo sa halos lahat ng mga bagay-bagay. Madalas kaming war ng nanay ko. Pero ngayon naman na trentahin na ko na-apreciate ko ang mga panahon na dini disiplina niya ko at pinapagalitan ng bonggang bongga! Para sa kin din pala yun! May mga times na hindi ko siya sinunod noon at super opposing talaga ang mga opinions naming dalawa kaya ayun… may mga nangyaring di kanais-nais dahil sa kagagahan ko noong bata-bata pa ko.
Siguro kaya ganun lang ang mga nanay.. matalak, madalas tayong pagalitan, kasi ayaw nila na mapahmak tayo… kaya tingan niyo ko…, matigas ulo ko, kala ko nung bata ako.. alam ko na lahat! kaya ayun… disaster ang nangyari sa isang episode ng buhay ko… minsan kasi alam niyo dahil sa katigasan ng ulo nating mga anak at di natin sinusunod ang mga magulang natin…nauumpog tayo at nabubukulan ng husto sa mga bagay na akala natin ay tama. Kaya believe me when I say that mothers knows best! =)
Ngayon naman ok na kami ng nanay ko. I cant say na perfect ang relationship namin.. may mga times na nagkakatampuhan pa rin kami pero what’s nice is… that I know na she’ll always be there by my side kapag successful ako sa mga ginagawa ko o kahit na failed ako! Sa mata ng nanay ko… kahit manalo matalo the best pa rin ako! =) kung may mga mali sa buhay ko.. magkasama kaming itinutuwid ito! malamnag ang mga nanay niyo ganyan din!
Hindi niyo ba masabi sa mga nanay niyo na you’re sorry? That you’re thankful?…
That you love her? ….
But why??? ….. ??? bakit sa mga jowawa niyo nasasabi niyong mahal niyo siya?
If you cant say I love you to your mom
That you appreciate her…
A simple tight hug and a kiss in the cheek will do!
Kaya sa mommy ko… ( NORMA ) ma.. happy mother’s day.. god knows how much I love you.. regalo ko sa yo at sana nga mapanindigan ko habang nabubuhay ka pa.. ang maging maginhawa kahit papano ang buhay natin.
Noong bata pa ako.. nagpakahirap ka… ngayon ako naman.
Kung nanay ka na.. happy mother’s day!
Kung HOUSEBAND KA… happy mother’s day din fafa!
Sa mga nanay niyo.. happy mother’s day! Maraming salamat dahil naipanganak ka niya.. otherwise.. you wouldnt be reading this fabulous entry! Hahaha! =)
And last but not the least.. happy mother’s day MAMA MARY! Siya ang nanay na iniiyakan ko kasi ayaw kong makita ng nanay kong umiiyak ako. Kay Mama Mary ako umiiyak at nagsusumbong kapag may umaapi sa kin. Sa kanya ako humuhugot ng lakas para maging strong sa araw araw na challenges sa buhay!
i wonder..
MAY 10, 2008
ewan ko ba kung bakit ako minumulto talaga! gusto ko na maiyak kanina kasi alam niyo ba? bigla akong umitim sa mga paningin niyo nang hindi ko maipaliwanag ang dahilan! nung uma adllib kasi akokanina nanotice ko na parang kulang ako sa ilaw… kaya tiningnan ko lahat ng ilaw… bukas naman siya… hmmmm…. scary!.. kung bukas lahat ng ilaw imposible na umitim ako sa mga paninginniyo! at imposible na may pumutok na bumbilya kasi kung ganun nangyari dapat nagulat ako! isa pang imposibe,,, hindi mamatay ang mga ilaw kung hindi siya papatyin sa switch niya na… nasa likod din naman yung saksakan! so ang tanong naming lahat paano ako umitim sa harap ng camera kung wala namang gumagalaw ng mga ilaw? mukhang yungfriend ko niloloko na naman ako ha? kilabot to the bones na naman ako kanina!
bago kami nagsimula kanina.. naglolokohan kami ng staff.. kunwari gae na pero di pa pala.. kaya sabi ko sa kanila.. kayo ha? niloloko niyo ha? hmph.. may batuta ako wag kayong sisiga-siga! super nagbibiruan kami kaya naisip ko.. nakibiro din ang friend naming di nakikita! =) awwoooooooooh!
ang eyebags ko!
MAY 9, 2008
grabe naman ang mmk episode kanina! napanood niyo ba? super cry ako kaya naman kung may eyebags ako sa uplate yun ay dahil kay mareng bea alonzo! standing ovation ang ibinigay ko sa performance level niya! sa sobrang napaiyak ako.. tinawagan ko pa siya dahil masyado akong nadala ng pag arte niya! in fairness talaga! ang galing ni mareng bea! =) clap, clap, clap!
wild orchid
hello! galing ako kanina sa pictorial ng isa sa mga bagong shows ng abs-cbn! pinag iisipan pa kung wild orchid o damong ligaw! bida si mareg roxanne guinoo dito ay isa nga sa mga leading men niya ay si sid lucero! at dahil effective si mareng ara mina ( na birthday today! ) sa pagiging kontrabida kasali rin siya sa cast! at maloloka kayo sa role ni chocoleit dito! kasama rin si erich, mateo, carla humphries, smokey manaloto etc
nagpapahinga lang ako ng konti and watching mmk promising kasi ang acting ni mareng bea dito!
nagpapahinga lang ako ng konti and watching mmk promising kasi ang acting ni mareng bea dito!
si mareng roxanne bida na naman! in fairness sa lola niyo ha? desrve naman niya na magka break.. matagal na rin naman siyang kapamilya! inamin na din niya na wala na talaga si jake.. kahit nga fighter siya… sabi niya hindi na niya tinuloy pa ang laban kasi this is one of the fights na not worth fighting anymore!… oarang gusto ko gumawa ng kanta ah!
wawa naman pala si daddy sid! he injured his leg habang nagte-taping ng last 2 weeks ng kung fu kids! kaya imbis na gawin niya mag isa ang mga kung fu stunts niya.. nagkaron siya ng double biglaan. nagteteraphy na daw siya ngayon.
kamusta naman ang level ni daddy smokey manaloto? alam niyo ba tuwang tuwa ako sa kanya kasi ang galing niya umarte… mapa comedy o drama! pinuri puri ko nga siya noong nagkausap kami eh!
at sabi ko talaga sa kanya na the best silang dalawa ni anjo yllana sa version nila noong 80’s na takeshi’s castle! sa mga nakakarelate… tawa tayo! ahuhuhuhu! ahuhuhuhuhu! =) kakamiss! =)
kamusta naman ang eyebags ko? =) grabe ha? i literally dragged myself to abs kasi sabi ng mata ko.. tulog pa tayo.. sabi naman ng brain ko! hey…. kailangan natin magtrabaho! birthday ni mareng ara mina today! showered siya with blessing at ang pinakang wish niya.. sana gumaling na ang mga kaibigan niyang may sakit lalo na si mr. rudy fernandez.
welcome to gul botika!
bespren!… thankyou for watching games uplate live kanina! eto na me! bahay na me! hahaha! antok antok pa kong umattend ng presscon ni mareng bea alonzo kanina! uma eye maleta pa ang level ko ha? pero sige lang go lang ang lola mo kasi wala akong chika kapag di ako umattend =) sa kanya napunta ang role ni mareng regine velasquez as betty la fea! sabi nga niya sa kin this is the first time n di niya kasama si lloydy sa isang soap kaya naman parang siyang naputulan ng isang paa.. scared siya na gawin yun mag-isa at the same time excited! wala pa napipili na leading mn niya at in the next days to come pa malalaman kung sino! alam niyo… masarap kausap si bea… very open, honest and you can feel the sincerity! hindi kasi kami kasing close like nung kay toni eh, pero mararamdaman mo talaga na totoong tao siya at di niya nilalagay sa ulo niya na siya si bea alonzo! magkaka movie din siya with jake cuenca under star cinema kaya abangan natin yan at.. ang balita ko may niluluto ang abs-cbn na project for her and mr gabby concepcion…. hmmmm bongga! natanong ko pa nga lola mo kung wala bang balak ang team kapamilya na pagsama samahin ang mga mamagandang babae like her, mareng kc, anne curtis at mareng angel sa isang pryekto and you know what she said…. noon pa nga daw niya yun pinapangarap at sana nga matupad yun kasi gusto niya talaga ng ganung project tapos parang a story about friends showing the different sides of being pinay! good concept diba? =)
habang nagbo boardwork naman ako kanina siguro nga dahil puyat puyat na ako.. biglako na feel na para kong magkakasakit.. kaya sabi ko sa sarili ko.. opppps! wag muna… kaya ko pa to! buti nalang nakinig katawan ko ha? hahaha!
at kamusta naman ang guesting ni mr. rj jimenez sa uplate kanina? riot ba? lalo na nung kinukulet ko siya kung naging sila ba talaga ni yeng! actually lambing ko lang yun kay rj! since pda days kasi nila noong nasa loob pa sila ng academy, magka kakilala na kami kasi ako ang naging host ng mga mall tours nila kaya alam naman ko ang ugali ni rj! yung mga on the spot ko na yun… alalalalalalam na niya yan! binibiro ko lang siya sa level na yun! tinext ko nga siya after eh baka kasi mamaya magtampo… hindi ko naman siya ilalaglag dahil mahal ko sila parehas ni yeng noh! kung ano man ang alam ko…. HINDI KO NA SASABIHIN SA INYO!…. BEH!=)
alam niyo kung bakit? that’s how i treasure friendship! kahit pa celebrities yang mga yan at ako eh isang chikadora… eh kahit papano naman they are entitled to a little bit of privacy! kaya ibigay na natin sa kanila yun diba? o eto na lang pang uspan niyo…. panty kong suot kanina kulay violet! hahahaha! ayos ba? =)
mmk!
MAY 8, 2008
hi! sorry i wasnt able to post yesterday may topak ang aming internet sa bahay kaya eto.. bumabawi naman ako ngayon! = ) alam niyo ba na pinagselosan ng pusa kong si alfred si aj elephant? kaloka naman tong mau-mau ko! nakita niya ko kasi na bitbit ko si aj elephant nung isang gabi when i got home kaya naman nung nagrereport ako for sir ted failon nagulat naman ako nang bigalang sumamapa siya sa sofa ang nagki-ki-kiskis sa kin! hahaha! kanina naman nagising ako ng mga alas dose ng tanghali.. pagkatapos ko kasi magreport ng showbiz sa dzmm eh umi-islumbergini ulet ang lola niyo pero kanina gumising ako ng maaga kasi nga kailangan kong gumo sa gerry’ grill dahil victory party ng repeat concert ni mareng toni gonzaga! pagkatapos ng party niya nung mangilan-ngilan na lang ang tao… niyaya niya kami ng mga close friends niya na mag cibo… kaya lumipat kami ng venue! =) kumape kami dun sabay daldalan ng bonggang bongga kasi naman sa busy niya eh we seldom see and talk to each other ng harapan!
ilang years na rin kami na magkakilala ni toni at yun nga ang naging topic of discussion namin na magfi-friends habang kumo-coffee ako at lumlafang naman siya! =) imagine niyo…. noong nasa love radio pa lang ako at siya naman eh nasa prime records pa… magkasama na kami ng lola mo! inaalala nga namin noon na nalibot na ata naming dalawa ang mga baranggay sa buong metro manila dahil lagi namin siya ksama sa mga barranggay tours namin! seventeen pa lang siya noon ha? naalala ko pa noon nung nagsisimula palang siya as a recording artist… sampu hanggang bente ang pinakamarami niyang benta ng album pero masaya na kami noon! hanggang sa di inaasahan, lumipat kami sa abs-cbn at it is just pure coincidence ha? at dun na nga bumongga ang career ko at mas bumongga lalo naman ang career niya! next album tour niya tatlong oras na….. di pa siya tapos mag autograph sa mga cds at ako naman di pa rin tapos sa pag iinvite sa mga tao na bumili ng album niya kasi dinadagsa talaga siya! ang sarap sariwain ng mga ganun! it really brings back memories at tawa kami ng tawa kasi nga sinasariwa namin ang mga stories in between nung mga panahon na yun! sabi ko nga sa kanya at sa mommy niya na si tita pinty… grabe neneng nene pa si catherine noon! ( si alex gonzaga na sister ni toni! ) pero ngayon bongga na rin ang level! =) sabi ko nga kay lola toni niyo happyng happy ako dahil to the highest level na siya! pero ngulat naman ako sa sinabi niya na siya rin naman happy sa mga nangyayari sa kin ngayon. natouch ako dun ha? tuloy naisip ko… shuxxx ang tagal na nga naming friends nitong tao to ha? to the point na si mommy pinty hinihingan na ko ng apo! hahaha!
( pero alam niyo ba… i never really expected na mag o-on cam ako dahil ang simpleng pangarap ko lang talaga noon eh dumaldal ng dumaldal sa radyo! =) pero hindi ko sinasabi na di ko like mag on cam ha? nung nagpa audition sila for gul substitute dalawa lang kami ni uma na pinagpilian and endemol made sure na ang makukuha na substitute for mareng jaymee eh iba ang style from her para walang comparison! lakas ng kabog ng dibdib ko noong nag au-auditon ako sa harapn ng taga endemol! as in… bagadung, bagadung, bagadung ang tunog ng dibdi ko! )
madami pa kaming pinag usapan actually kaya lang ung iba personal na! pero ito hindi personal…. sabi niya sa kin“ang payat mo na!!” kaya naman sagot ko sa kanya…“mas payat ka! nuba?” hahaha! yun pala parehas na kami ng lola mo…. di na rin pala siya kumakain ng kanin pwera na lang kung mahaba talaga ang araw niya! at yan nga po ang contribution naming dalawa sa rice shortage ngayon sa ating bansa! =) i thankyou!
ang lola niyo dahi antok pa =)
me, toni and direk gb sampedro! he directs boy and kris! at higit sa lahat… he’s single! ahahahay! =)
me and cathy… este.. alex na pala! kasi mas madami daw nakakakilala sa kanya as alex of lets go kaya ginawa na nga nilang alex ang name niya! =) sabi ko sa inyo eh.. ganyan ang smile ng mga artista… ang no show of teeth smile! hahaha! =)
at ang dating nene na kasama namin noon sa baranggay tour! bongga na rin ang lola niyo! watch niyo ang your song episode niya ha? tuwing sundays before the buzz this whole month of may! =)
ganito ang nangyayari sa taong bagot!
MAY 6, 2008
bago kami magsleep ni aj elephant na hiniram ko lang po tlaga sa totoong may ari….
share ko lang sa inyo ang nagagawa ng pagkabagot sa isang tao =) number one… kamusta naman ang level bonggang bubuyug shades ko! that’s a gift from dr. jesse caguioa ng asian eye institute! siya ang low vision expert ng asian eye institute! "diva" shades yan by celine dion! tarrray diba?
at may karapatan naman akong maging diva dahil ako ang OH…. DIVAH? hahaha!
at may karapatan naman akong maging diva dahil ako ang OH…. DIVAH? hahaha!
eto pa…feeling mowdel! kamusta naman ang hoodie ko? haha!
at kamusta naman ang emote ko dito? yan ang mga no show teeth smile ng mga artista… magaya ko nga! ahahaha! pero aminin niyo.. ganda na talaga ng skin ko dahil kay doc vicky belo! walang make up yan ha? lipgloss lang at pabango! =)
at eto naman ang pakengkoy lang look.. parang popeye lang ba! akekekekekekekekekekekek! ( tawa ni popeye the sailorman! )
di pa tapos ang pagkabato ko… eto pa… mag dj djayan tayo.. eto itsura ko kapag nakaiip ako ng isang brillant idea! aha! =)
at eto naman pag nagulat ako ng over bongga! parang sinasabi ko pa na ha?ulitin mo nga ulet.. malakas headphones ko eh! =)
at eto naman ang ‘hi! ang pogi naman ng boses mo.. may girlfriend ka na ba" look! =)
at eto naman ang pinakahuling look… ang pakikay look!
at dyan mga bespren nagtatapos ang pictorial na tinipid dahil wlang photographer at walang talent kundi me, myself and i! =) yan ang nagagawa ng isang taong bagot, puyat, ngarag, kapag mag isa sa boardwork niya at in the mood na rin na umemote sa cellphone camera! atleast sarili ko na lang ang pinagti trippan ko at hindi ibang tao! =) sa booth nga pala yan ng alalalalalam mo na yan! 101.9 for life at thankyou na rin bny jeans and shirt for the over bonggang suot kong top! oh diba nagplug pa! =)
good night natixxx! slumber mode na ko! may 7am newscast pa ko with sir ted failon =)
ang napaka-kuleeeet na Kristyano!
MAY 4, 2008
Good morning! I know that most of you are still asleep around this time lalo na kung naki puyat kayo sa kin kanina sa gul =) ang lola niyo naman awake na dahil duty calls ng bonggang bongga!
Na-dead air pa nga ang lola niyo kanina ng mga isang minuto… hindi ko namalayan na wala na pala akong music kasi may kinukutingting ako sa likod ng booth namin! Pag alas nueve kasi talaga ng umaga nagsisismba ako sa tv… sa studio 23 ang galing talaga kasi magsermon ni Father Mario Sobrejuanite =) pero nagsisismba pa din ako sa simbahan ng gabi or hapon. Iba pa rin kapag naandun ka na present sa actual na misa =) kanina nga habang nagsisimba ako sa tv… while singing the our father, narealize ko na kahit na ano pa ako, ano man ang nangyari sa buhay ko, sa buhay ng pamilya ko, sa lahat ng laban ko sa buhay, at the end of the day.. sa kanya pa rin ako bumabalik, nagsusurender, nagpapasalamat, at nagtu-trust. Kahit na masama ang balita I always say to myself na may dahilan si Lord kaya nagka-ganon. I never ask him “BAKIT” o “BAKIT AKO PA!” never! super pray lang ako kay Jesus and I tell Him na I trust in him at sa sitwasyon na binigay niya sa kin… na kakayanin ko ang challenge at pagsubok na binigay ni God sa kin dahil at the end of the day He is only making me a strong person. I surrender everything to the Lord and I tell him na siya na ang bahala dahil alam ko na may plano siya sa akin.
may mga times naman talaga mga bespren na hindi natin maintindihan kung bakit nangyayari sa tin ang mga bagay-bagay at kahit na ano pang pilit nating hanapan ng kasagutan we just couldn’t find it diba? Wag niyo na hanapin pa ang sagot dahil in time… the truth will unfold right before your very eyes. This is my Sunday reflection na gusto kong i-share sa inyo.
Lately I have been blessed at gusto ko lang i-share sa inyo ang nararamdaman ko. =) medyo malayo man sa nakikita niyo o naririnig niyong laila sa tv o sa radyo ang nababasa niyo ngayon pero eto po ako talaga… kung madedescribe ko ang sarili ko sa paningin ng mga guardian angel ko… malamang ako ang tinatawag nilang makuleeeeet na kristyano! =) bakit kamo? Kasi kahit na ang personality ko on and off air, on and off cam eh nuknukan ng hyper, makulet, madaldal, makikay, lukaret…. Hindi ako nakakalimot sa Kanya bagyo man o maaraw na panahon ang dumating sa buhay ko. Lahat ipinagpapasalamat ko at binibigay ang tiwala ko kay Lord.
One of my constant prayers aside from saying thankyou sa kanya… Bless me more Lord, shower me with your blessings so that I may become a blessing to others.
Thankyou for the talent, ikaw lahat ang nagbigay nito sa kin at salamat po dahil nagagamit ko siya sa gusto niyong paraan.
I know that some of you may not relate…
kanya kanya naman po kasi tayo ng calling,
baka nauna lang akong tawagin ni Lord.
Isang araw I know that God will knock in your hearts at pag nangyari yun… you’ll know what I am talking about.
Always stay positive at trust in the Lord will all your heart..
hindi ka niya papabayaan Bespren! =)
Have a blessed Sunday and may the peace of the Lord be with you always! =)
nurse lailalalalalalalalalalalalala
im hoooooome! =) antok na ko pero bago ko matulog chika ko lang sa inyo namadami ang over bonggang nagreact sa nurse costume ko. madami ang tumawag sa abs-cbn at sinabing tanggalin ko daw ang nurse’s cap ko kasi it is sacred daw sa mga nurses. i really was not aware na ganun pala yun, pati buong staff ng uplate they didnt know na ganun pala yun hence my question kung bakit nga may cap ang mga nurses?… kasi pag kuha ko ng mga costumes ko kumpleto siyang dumarating. kaya sa mga bespren kong nurses… in behalf of the staff ng games uplate we apologize. hindi naman namin yun ginawa out of katatawanan. yun ay alay namin sa mga taong nagpupuyat tulad nga ng security guards, stewardess, fast food attendants, doctors on duty, hotel receptionist at ang nurse. we werent really aware po. =) peace tayo!!!!
kanina natetempt na naman akong pumasok sa loob at makisilip kung anong happenings sa bahay ni kuya kaya lang male late na ko for gul kaya hindi na lag ako nag peeping tom!
tutulog na byuti ko… antok na ko maya may 9am pa ko!
good night natixxx! =)
hotel GUL
MAY 3, 2008
welcome to hotel GUL my name is laila can i help you? =) kmusta naman ang attire kong pormal pormalan kanina … na naka shorts nman pala! =) bago ako nagstart kanina ng gul nakita kong bukas ang pintuan sa loob ng bahay ni big brother kaya umisneaky sneaky muna ako at naki usyoso at nakisilip sa salmin ni kuya! nakita ko ang mga housemates na busyng busy at kinakarir ang pagchochopsticks ng bigas sa confession room! pagsilip ko sa kbilang salamin nakita ko naman
ang room ng mga girls. nice siya ha? mas mapreciate niyo siya lalo kapag nakita niyo mismo =) umalis na din ako agad kasi baka nga ikulong ako ni big brother sa bahay niya! yun pa naman ang pinakang ayaw ko sa lahat.. yung hindi ka ready tapos biglaan!
ang room ng mga girls. nice siya ha? mas mapreciate niyo siya lalo kapag nakita niyo mismo =) umalis na din ako agad kasi baka nga ikulong ako ni big brother sa bahay niya! yun pa naman ang pinakang ayaw ko sa lahat.. yung hindi ka ready tapos biglaan!
papahinga ko saglit =) kararating ko lang from dau, pampangga. nagsagip tubig kami with downy, bantay kalikasan at puregold! totoo pala ung isang banlaw lang ng downy! galing.. tipid tubig talaga! =)
bukas boardwork ako ng 9am hanggang 1pm sa 101.9 sana kung gising ka na bespren kinig ka ha? interviewed eli buendia for sunday bigtime pinoy at ang poging pogi na si jon avila naman ara sa sunday bigtime idol =)
will post pics of daddy john, kevin and linda soon =)
mga nakikisuyo po =)
MAY 2, 2008
baka you guys are interested =) mga nakikisuyo sa aking blog…
charice pempengco’s mall shows
may 2, 08 friday
sm manila 3pm
sm north edsa 6pm
may 3, 08 saturday
sm bicutan 3pm
sm sta mesa 6pm
may 4, 08 sunday
asap
sm southmall 6pm
ara mina’s birthday concert!!
may 10, 08
zirko timog
air supply at the araneta
june 14, 08
another spooky story!
eto hindi charing to ha? baka kasi sabihin niyo im such a scientist para mag imbento ng story! alam niyo ba na something happened again kanina while i was doing games uplate live? i was adlibbiing about the prize when all of a sudden three over bonggang people went inside the studio at ang isa pa nga eh happyng happy pa na sumigaw ng.. laila, laila, laila chikadora! you know who she was?? it was… secret muna.. mapapanood nyo rin kung sino ang tatlong tao na to na pumasok sa loob ng bahay ni kuya sa pbb teen! tinanong ko pa nga sila ng "guys.. bakit kayo pinasok ni kuya??" ang nakakalokang parte eh nang bigla kong tanungin ang camera kung nanonood ba si big brother at baka naman mamaya ako naman ang bigla niyang ipasok sa loob ng bahy niya since nasa loob ng pda building ang studio ng games uplate! while adlibbing some more… i herd someone .. a man.. ( sorta like ginagaya ang boses ni big brother ) calling my name…“LAILA” hindi ko na siya lang pinansin thinking na baka yung mga kasammahan ko lang sa uplate ang gumugood time sa kin kaya lang the voice got a bit annoying na kasi it kept on calling my nameLAILA…. LAILA… LAILA… kaya i answered big brother kaw ba yan? while on air ha? pero the voice just kept on going.. LAILA …kept on repeating my name! nung nagbreak i asked for water at ung umere na kami uet andyan na naman ang boses na ginagaya si big brother! di ko na lang siya pinansin kahit na super annoyed ako at pagkatapos ng show.. i asked the staff kung sino yung makulet na tawag nang tawag sa pangalan ko na ginagaya pa ang boses ni big brother! you know what they said… anong boses? si bene lang naman nagsasalita dito… siya lang kumakausap sa iyo! so i explained yes i can hear him in my earpiece pero someone has been calling me repeatedly kaya na-annoy ako! they kept on telling me na wala silang narinig dahil kung meron man silang naririrnig na tumatawag sa kin sa studio, mapipick up yun ng lapel dahil sensitive siya…, kala ko ginu- good time lang nila ko pero they were all serious in saying na wala silang naririnig and they even told me kung saan sila nakapwesto kaya imposible na isa sa kanila ang mga yun! sabi pa nga sa kin ng isang staff ng pbb.. "masanay ka na na may nagsasalita tapos wala ka nakikita… sanayan lang yan, kami rin ganyan eh.. minsan nga bigla na lang bubukas yung ilaw wala namang tao!"
naisip ko pinglalaruan na naman siguro ako ng unseen friend ko, and this time around.. he, she or it knows my name na….. SPOOKY!
ikaw watcha think? you think its just the guys having a good time o the ghost is really having a good time watching gul? =)
ang utang kong spooky story
MAY 1, 2008
idunno if somthing is preventing me from writting this entry noong sunday pero try natin ngayin kung uubra na! its almost five am today labor day! last sunday madaling araw while i was doing uplate, i heard the door from upstairs opening and closing if you were in the studio below and look up to your right, you’d see a door and then you’d see the cables and other light that are hung from the ceiling of the studio! that secondfloor door is usually used by the staff of pbb or pda if they wanna peep down below the studio! i usually see direk lauren or direk jilmer, maam maru or miss mavic and some of the pbb staff peeping through that door when they wanna say hello to me! while adlibbing about the prizes that madaling araw,i heard the door opening twice. so all the while i thought and i really feltthat i was being watched by someone from above… being curious on who it was.. i did my usual gaze upwards motion and was ready to say hello to whoever it was! i almost fraked out when i saw….. NO ONE but a big dark cloud as in… it was like black in color and i couldnt even see the lights and cables that were hung because of the cloud! katakot so i asked on air.. may myumyu ba dito? and after the show it was confirmed to me na meron nga! kalokaaaaaaah! they told me the stories that some people experience in the studio! spooky tlaga and while i write nga this entry..shuxxx kilabot ako pati sa spine kapag naaalala ko! the place has been blessed na daw a lot of times pero andun pa din SILA! sabi ko nga baka naman wecan all live in peace diba? they told me na bakanaingayan lang SILA sa kin or natuwa! =)
that’s my doc
APRIL 27, 2008
hello evryone! pasensya na kung matagal ang update ng lola niyo! i was trying to post some pictures noong sunday kaya lang may topak ang computer namin sa office kaya hindi ko naipost ang mga pics! here are some pictures form that’s my doc presscon held last week!
hello doc.. im your next patient! =) sabadabadoc na ha? thats my doc 6pm sa team kapamilya!
ang kulet talaga ni kuya dick! may mga nakasabay kaming nag iintay sa elevator.. hinihila ba naman ako at ipapakilala niya ako sa mga tyahin niya! yun pala…. hindi naman talaga niya kilala! =)
ayan kulang na lang ng isa para charlies angels na! busy kasi si lara na magpainterview kaya kaming dalawa na lang ni pokey! =) aside from being funny… shes very nice!
hi baby! kamusta naman kami ni bronson? ( from sakal sakali saklolo! ) mukha lang ba kaming mag nanay? =) masyado mahiyain ang batang ito but i do hope na lalo pa siyang kumlick! i can see through his eyes and you know what it says?… para sa pamilya! go,gogo bronson! =)
No Response to "May 2008 Blog"
Post a Comment