OCTOBER 1, 2007
hellower mga natixxx!! kamusta naman po? andito ako ngayon sa booth at habang tumutugtog ang jopay eh ginagawa ko ang bonggang bonggang entry ko na ito!! how was your weekend?? ako… my whole family went to Lipa Batanggas!! ang bayan ni Governor for all seasons… Miss Vilma Santos-Recto!! nagshow ako doon for slomux at decolgen sa sm lipa at in between breaks eh bumisita kami sa cathedral ng Lipa where governor vi got married at sa Our Lady of Mt. Carmel church kung saan nalaglag ang mga petals na may image ni Mama Mary at Jesus noong 1940's at noong 1990's. simula kasi noong nagkaroon ng karamdaman ang mommy ko sa puso eh naging deboto na siya ng Mary Mediatrix of all grace sa mount Carmel and she promised our lady na hindi siya lalabas ng bahay hanggat hindi siya nakakadalaw doon!! kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na isama ang buong pamilya ko dahil alam ko na big deal ito para sa mommy ko. Try niyong pumunta doon.. its very peaceful at pag nagpunta kayo sa may image ni mama mary mediatrix of all grace… may kakaiba kayong mararamdaman… i dont know ha?? pero kasi ako noong lumapit ako sa image niya.. alam ko that i was not alone at biglang umihip ang hangin. iyak nga ng iyak ang mommy ko noong naandun siya.. parang gusto ko na din maki-iyak kaya lang pinipigilan ko.. as usual nag-tatatag-tatagan ang lola niyo.. ayaw ko kasing nakikita ako ng mommy ko na umiiyak! sabi nga ni fergie .. big girls dont cry.. so i try =) ngayon naman sunday.. eto katatapos ko lang panoorin ang sarili ko at si bespren ric rider sa myx… yung rewind ng radio myx with mareng nikki gil. at habang naka board ako kaninang nine am….. gawain ko na talagang mag simba sa tv… sa studio 23.. magaling kasi ang sermon ng pari na si father mario. birthday nga niya today!! sabi niya sa homily niya kanina… we can only be blessed of we become blessings to others!! kaya habang buhay pa tayo mga besprens… wheter ano pa ang religion natin… kahit ano pa ang trabaho natin… let us continue o kung di niyo pa nasisismulan… simulan niyo nang maging "meaning" sa buhay ng ibang tao… mag reach out tayo… diba nga??… madalas tayong nagpapasalamat kay Lord sa mga blessings na binibigay niya sa atin… pero ang for all you know…. someone is praying at nagpapasalamat kay Lord because you have been a blessing to them. sabi nga ni Father Mario… ang mga taong wala pang saysay sa mundong ibabaw eh hindi pa kukunin ni Lord.. unless he or she has given meaning to someone else's life…. esep esep!! Hava blessed Sunday. =)
No Response to "my whole family went to Lipa Batanggas!!"
Post a Comment