Tuesday, March 20, 2012 0 comments

30 Days before Christmas


NOVEMBER 25, 2007

Hellower natixxxx!! ayos ba ang linggo natin?? as usual andito ako sa booth habang ginagawa ang blog ko… im playing pasko na naman now… it's thirty days before christmas and im sure marami sa inyo ang nagbibilang na ng anda o nagba-budget na ng kani kanilang mga ipon para ipambili ng mga bonggang bonggang regalo para sa mga special people in your life!! haaaay… pareho tayo… I've already written my christmas shopping list at siyempre.. inuna ko na yung pinakang madugo!! … yung sa nanay ko!! hahahaha! tapos yung mga not so that expensive at mga less expensive yun ang isinunod ko, but that doesnt mean na hindi na sila importante sa buhay ko ha?? its just that i really want to give my mom something special this christmas. soon ire-reveal ko kung ano yung gift na iyon… kasi baka mamaya may magsumbong sa inyo na yun ang ibibigay ko sa kanya eh!! hahahaha!! ambilis naman ng araw.. minsan talaga i wonder where the days go, as in literal ha?? saan sila napupunta? is there a place where the days go? o basta ganun lang siya?.. na its a normal thing na gigising ka.. you will do your daily thing tapos when you sleep and wake up.. its a new day! pero saan nga napupunta ang kahapon? wierd ba ako or do you sometimes think of that too?? nakakaloka ako diba?? hahaha!! pati ba naman yun pino-problema ko pa?? wala lang naisip ko lang kasi.. saan sila napupunta?
Mamaya nasa sta cruz laguna covered court ako malapit sa munsipyo!! kahit na signal number one sa laguna.. go ako dun kasi may sun cellular's isun araw ng sunsaya dun!! magho-host ang lola mo.. kaya sa mga taga sta cruz magkita kita po tayo ha?? 
 
 
Tara!! tara-takbuhan na!!! 
 
Nga pala mga bespren kong natixxx… dahil malapit na ang pasko… and giving is the most wonderful thing especially kung sa araw-araw ng buhay niyo eh tuwing christmas season lang talaga kayo hindi makunat!! ( hahahahaha! ) eh sasagadin ko na po kayo!! sana naman makiRUN FOR LIFE!! kayo mga bespren natixxx sa amin!! sa december 16 po yan 5 am sa quirino grandstand and this is for the benefit ng mga besprens nating mga Aeta sa Lopez, Quezon… bigyan po natin sila ng classrooms para naman makapag aral sila ng husto. =) tara!! mag tara-takbuhan tayo!! promise tatakbo ako ng bonggang bongga!! masaya maging health buff ha?? sa una lang parang nakakatamad pero kapag its in your system na.. masarap ang feeling!
Kung mahilig naman kayong kumanta… sa banyo o kahit sintunado or baka meron kayong glee club o kaya choir na amateur… calling, calling!!! baka gusto niyo po sumali sa aming ANG PASKO AY UMAWIT!! basta ba maghanda kayo ng demo tape na may isang pyesa niyo na pampasko na classic tulad ng silent night, o holy night, hark the herald, 12 days of christmas etc. and dapat meron din po kayong christmas rendition ng aming alam mo na yan jingle! then kapag na record niyo na yan sa cd or tape.. go na kayo dito sa aming office at mag fill-up ng regsitration form!! bongga ang prizes kaya jumoin na kayo!! =) 
For more info on run for life or ang pasko ay umawit.. tawag kayo sa landlines namin.. 415-2272 loc 3977 =)

No Response to "30 Days before Christmas"

Post a Comment