OCTOBER 31, 2007
hellower mga natixxx!! i was busy last week kaya ngayon lang ako ulet nakapag update… friday last week sa super inggo 1.5 ang bagong bangis presscon nagkita na rin kami face to face ni mareng jaymee joaquin!! talaga namang kabagang meets bespren sa puyatan ito!! nakakaloka kasi noong nagkita kami parehas kaming naghihiyawan kasi nga eh finally nagkita rin kami!! saturday naman bago ko nag mall show i went to bgy maharlika sa quezon city para ikampanya ang kaibigan kong si isaac tan jr. unfotunately he lost by 50 votes! dibale… there is always next election.. after campaigning for a friend… fly ako sa sm north edsa ako for asap supah dance album mall tour at magkasama kami ni kokey at gab valenciano!! sunday sm north ulet kasama ko naman sina makisig morales, mareng angelou de leon at papa bobby andrews plus my mareng jennifer illustre para sa holloweenggo ang fans day slash halloween mall show ng super inggo 1.5 ang bagong bangis!! sa saturday na yan ha?? nood kayo!! monday naman holiday para sa inyo pero ako as usual work, work, work!! matagal ko nang actually nararamdaman ang wiwi ko na parang iba mga ilang araw na… kaya naman super tubig ako para matanggal balisawsaw ko!! kaya lang sa kasamaang palad.. naloloka na ko sa balisawsaw ko na to!! "baliw"sawsaw na siya kaya nagpa urinalysis na ko noong lunes rin. lunes ng gabi.. nilalagnat na ko.. uminom na ko ng antibiotic at gamot sa lagnat .. so far naman ok ako nawala na si baliwsasaw kaya lang may lagnat pa rin ako kaya tuloy lang ang gamot. pinipilit kong pumasok kasi mahirap mag board ng mag isa… kawawa naman ang partner kong si ric rider!! kaya sabi ko sa sarili ko.. bahala nang mabinat!! hehehe… happy halloween nga pala… maya pag may oras pa ko ulet kwentuhan ko kayo ng mga nangyari sa kin na spooky!! =)
No Response to "halluuuuuh!! may sakit ako!!"
Post a Comment