eye naku!
OCTOBER 14, 2008
guess what happened to last Sunday?
i was really sleepy so naisip ko na matutulog ako ng bonggang bonggang maaga nung Sunday! mga 9pm pa lang nun and i was getting myself ready for bed! hinila ko yung kuchon ko at maty sumthing na napunta sa right eye ko! in other owrds napuwing ako ng bonggang bongga sa isang bagay na parang maliit na buhangin! i was really ignoring it na kaya lang if you are weeping ng bonggang bongga dahil sa pagkakapuwing eh mahirap na talagang hindi pansinin yun diba? kaya sinubukan kong alisin i washed it in running water but i still felt that whatever it is was still there in my eye! it wept for about an hour.. mahapdi… makati, makirot! masakit! so i decided na ipatingin sa doctor! buti na lang may kilala akong opthalmologist! =) ayun.. ina-nesthsia niya ang mata ko.. sinipat ng magic flashlight niya at… nakita niya na wala na yung foreign object sa eye ko pero napunit yung tissue ng eyes ko kaya may i patak ako four times a day ng antibiotic na binigay niya! that was the reason ( if you notice ) kung bakit parang kirat ako sa gul kanina! =) habang pinapagaling ko yung sugat ko sa mata kagabi.. i was watching walang iwanan sa abs. grabe these rich people really inspired me ha? na kahit na mayayaman ng bonggang bongga eh hindi nakakalimot na tumulong sa kapwa nila! hay.. mahal ko na ata si mr. fernando zobel de ayala! aside from pogi siya talaga… ( may anak kaya siyang sing pogi niya? haha! ) meron siyang school sa tondo na libre lahat ang mga studyante sa pag aaral pati uniform at books… kaloka at high quality education ang binibigay niya. infairness talaga napasabi tuloy ako sa sarili ko na kapag may ipon na ko at sobra sobra na ang pera ko ipapamahagi ko rin kamukha ng mga pilantropong ito! totoo ang sinabi nila na helping others makes you complete and the satisfaction in life is beyond compare! totoo yun mga bespren! diba nga? ang mag-paupo lang sa mrt ng lola o lolo basta ba bukal sa kalooban mo, it makes you happy na rin knowing na hindi man siya malaking bagay eh nakatulong ka pa rin sa kapwa mo?
an act of kindness is an act of Godliness! =)
love your own!
OCTOBER 9, 2008
from my ktext kaya barok!
hi! sori kng antok kna tpos ngtxt pko h? kttpos lng kc ng gul at krrting klng s booth 101.9 thts my usual gwain aftr gul =) bgo k umuwi ktxt muna kta. dami ako ntutunan s rgion 1 ha? amnin nung mga bata p tyo hate n hate ntn pg araln yn s social stdies kc pnapmmorya ng tchr! =)pro ngyn naaprciate k n sya cguro dhl mrmi akng nttutunan tngkol s country ntin. at aminin nyo ulet plitical, gas at mlamine isyus aside mganda tlga ang tnawin s pinas =) mhlin ntn ang sriling atin =)
ewan ko ba mga bespren…, suddenly parang may calling ako na ipa-appreciate din sa inyo ang kagandahan ng pilipinas! wag na nating tingnan muna ang mga pulitika at mga isyu, maganda talaga ang pilipinas! kada region may mai-o-offer na unique para sa atin. siguro nga my sunday program has gotten into my sysytem pero alam niyo ba.. madami talaga akong natututunan sa pagre-research ko ng pagka PILIPINO natin! ikaw ba hindi ka naku-curious kung bakit divisoria ang tawag sa divisoria? sino ba si ongpin na sikat na kalsada sa binondo? knowings niyo ba ang second to the largest church bell in the world at ang largest church bell in asia is found in the philippines? ang taray diba? have you appreciated the beauty of tubataha reef kahit na sa tv lang o sa pictures sa internet? o diba? maganda talaga ang mga tanawin at lugar sa pilipinas? parang feel ko talagang maging ambassadress ng turismo sa pilipinas! hello dot!! are you reading my blog? =)
hindi lang yan yung pagka pinoy itself natin… ang lahi at kultura natin napaka-yaman! sa school we are required to memorize dates, when and where it happened kasi para sa grade! pero ang goal ko eh ichika sa inyo in a very informative way nang hindi kayo nababato ang pagkaPinoy at kagandahan ng ating country!
seryoyso na toh! =)
alam niyo mga bespren marami talaga tayong maipagmamalaki tungkol sa pagka pinoy natin.. its just so sad minsan diba?… na may mag ilang pinoy na nagbibigay bahid sa lahi natin? maganda ang pilipinas try din nating pantayan ang pagka-pinoy natin sa magandahang tanawing nakikita ng mga mata natin! =)
AMEN!
gnyt bespren! =)
signing off….
temporarilly! =)
new year’s over!
OCTOBER 8, 2008
musta? thank God at natapos na rin ang chapter ng happy new year sa buhay ko! if you guys were watching last night sobrang nahihiya ako sa inyo kasi naman pumuputok putok talaga ang lalamunan at baga ko dahil sa bonggang bonggang ubo ko! nakakahiya at super naconcious talaga ko sa ubo ko! who ever invented the nebulizer is my hero! =) hahaha! nagnebulize ako sa bahay khapon at bago ako mag gul kanina para sigurado na hindi na tataas ang balikat ko dahil sa hika! =) hay.. kaloka!
after gul my usual routine is to walk to our booth located at the old building of abs-cbn! mdyo malayong lakaran pero mas pabor na sa kin yun! ( we need 1000 steps a day to be fit! pero di naman aabot sa 100 steps from pda building to booth namin sa radio! ) while walking in the corridors of the studio.. i saw bunny and sen of pda 2. bunny is doing ok at kinamusta ko sila ni chivas at ang baby nilang cute! theyre all ok! si sen naman… gwapo pa din! nakakaloka nga itong si sen kasi nagpa picture sa kin! kaya sabi ko sa kanya parang baligtad ha? kasi ikaw yung famous hindi ako kaya dapat ako ang nagpapapicture sa yo. =) masaya naman ang aura niya.. hmmm mukhang inlove ha? i asked them kung ano ang meron at sa di kalayuan nga nakita ko si…. BUGOY! nagtetaping pala sila ng MMK episode ni bugoy na mapapanood naman natin this saturday kaya abangan niyo yan ha?
today is wednesday and while youre reading my entry.. it might be the start of your day pero ang byuti ko, patulog pa lang =) maganda ang araw ko ngayon and i thank God for it. i also thank the people around me na mahal ako at todo suporta salamat po sa inyong lahat dahil love niyo ko. may bago akong pinoproyekto dalawa siya pero di ko muna sabihin sa inyo baka kasi maudlot =) ehehehe! suspense muna! will tell you soon! … o sige na nga! will tell you bukas! hahaha!
gnyt! zzzzzzzz!
pakyawan!
OCTOBER 6, 2008
i got really ill the past few days kaya hindi ko na naman na update ang blog ko! nung october one hindi ako naka-pasok pati noong thursday dahil pinakyaw ko na lahat ng sakit para isang sakitan na lang! first off, sa sobrang stress ko, nahihilo ako, then as a result of the stress that my body was feeling, i had severe asthma so everytime i try to talk, the wheezing is so evident! katunog ko na ang pusang nag pu-purrrr! isama mo pa ang ubo ko na tuwing i try to talok eh nauubo talaga ko ng bonggang bongga! nawalan ako ng ganang kumain so sinubukan kong uminom ng gatas… sa sobrang uhaw ko nilagok ko ang isang baso ng gatas pero it was too late when i realized that i was drinking expired milk! ( yucky diba? ) ang dami ko nang nalagok at ang konti na lang ng nailuwa ko! ( ewwww talaga! ) as a result.. here comes the BBLM again! ( bonggang bonggang loose bowel movement! ) hay kaloka talaga! nung nakaratay nga ako sa banig ng karamdaman.. naisip ko na buti pa ang mga kaibigan ko at mga katrabaho.. pag nag babakasyon.. its a bonggang bonggang vacy to the highest level! pero ako pag nagbabakasyon …. sa bahay o ospital lang.. yan ang vacay ng lolo niyo! hahaha! speaking of a bonggang bonggang vacay… mareng jaymee joaquin will be on a bonggang bakasyon for two weeks in europe kaya inihabilin muna niya ang games uplate live sa kin! kulitan tayo ha? see you later!
moving on…
SEPTEMBER 26, 2008
kamusta na? pasensya na sa mga kadramahang naganap… nagsi-sinenti lang talaga ko sa pagkawala ng aso ko. eto moving on na ko. trying, coping surviving! go, go, go! aside from going to doc vicky at nagpabyuti na naman ako, nilaser na rin nila ang kili-kili ko.. umattend ako ng presscon ng banana split! wala si mareng valerie at roxanne nung time na yun kaya separate presscon na lang sila =) christine reyes, angelica panganiban, princess ryan and dianne medina were there!
dianne is so pretty talaga no? mukha siyang manika =) nagkachikahan nga kami sa presscon at nadiscover ko na aspiring jock pala siya. nakakatuwa nga siya kasi kahit na maliliit na trabaho go, lang ng go ang lola niyo. workaholic talaga siya. =)
si princess dalagang dalaga na. =) madalas ko siyang kasama noon sa mga mallshows pero ngayon mas iba na ang level niya ha? abangan niyo din siya sa eva fonda next year! =)
ang pretty talaga ni mareng christine. i dont really know why people judge her. mabait naman po siya at biba =) maybe she’s just misunderstood.
at always game pumose! =) i soooooh love this picture!
eto naman si angelica ganun pa rin. always mobbed by the press regarding derek! pero eto ha? chika niya sa kin ayaw na niyang magluto ng corned beef kaya naman mag aaral siya na magluto ng ibat ibang cuisne! go culinary arts! =)
watch niyo ang pilot episode ng banana split! oct 11 na! =)
in loving memory
SEPTEMBER 24, 2008
last friday, my dog connie, who i have been spending most of my time with passed away.
i know some of you might not relate and say that its just a dog but im sure there would also be some who would symphatize and remember the loss of not just a dog but a pet! hindi lang naman tayong mga pinoy.. lahat ata ng tao sa isang punto ng buhay nila napamahal sa isang alaga, tulad ko…. ive been with my dog for the last ten years at kahit na mag iisang linggo palang siyang gone, naaalala ko pa rin siya. i find it hard to move on lalo na kapag nakakakita ako ng aso at amo tandem! apart form my parents and siblings.. i guess the relationship with my dog is one of the longgest that ive ever had! pag umuuwi ako sa gabi.. nami-miss ko ang pagsalubong niya sa kin. up until now,. i can imagine hearing her footsteps kapag binubuksan ko ang gate namin kapag umuuwi ako sa gabi! at ngayon wala na siya, wala na ding nagki-kiss goodbye sa kin pagka-sara ko ng gate namin pag paalis na ko ng bahay namin kaya ako na lang ang pumupunta sa may puntod niya to say goodbye! ( nilibing namin siya sa may gilid ng bahay namin. ) i treat her as if she was still alive! i say goodbye but ofcourse, minus the kiss! i may sound a bit looney but i’ll get over this.. i guess this is just part of my grieving stage kaya pagbigyan niyo na ang topak ko. minsan nga naisip ko.. paano pa kapag tao na ang namatay?…. siguro mas lalo na!
there are lots of stories that i can fondly share with you when it comes to my pet connie! bunso siya at last batch of litter ng nanay niya na aso ko din na si sarah ( shes gone na din ) we used to have lots of dalmatians pero yung iba binenta, yung iba pinamigay na. siya na lang ang natira.
aside from shes very playful.. she mumbles as if she speaks! madalas pag umuuwi ako ng bahay.. para siyang may sinusumbong sa kin on a happy note! she’s always glad to see me!
madalas na kapag nama-malengke ako sa talipapa namin kasama ko siya! at kapag nakasakay na ko sa tricycle dahil madami na akong bitbit.. siya din naka-sakay na sa tricycle! pag di naman niya feel jumoy ride.. she’d run along the trycycle not losing sight of her master! kapag namalengke ako.. siya rin may napa-palengke dahil sa sobrang tuwa ng matadero sa kanya, binigiyan siya ng buto! konting pa-charming lang..konting pacute.. solve na agad si connie! =)
wala siyang kyeme paliguan. very behaved! pero pag tapos na.. habulan kayo kasi ayaw niya magpatuyo ng tuwalya!
kapag umuulan.. she’d scratch our wooden door kasi gusto niya dun siya sa dirty kitchen namin mag s-stay! at isang beses nung new year… nakita namin siya sa likod ng luma naming pick up truck! how she got there.. we really dont know! sa sobrang takot siguro sa mga paputok napa talon siya ng bonggang bongga!
she’s really selosa and she doesnt want me attending to other pets! kapag nakikita niya na may kinu-kuyangyang akong pusa.. tatahol siya ng tatahol as a sign of protest. minsan naman hindi siya kakain kasi nga nagtatampo! nakakaloka talaga ang aso ko!
before i left for work that day, i told her na wag munang bumigay kasi uuwi pa ko tapos aalagaan ko siya but i guess hindi na talaga niya kaya. pero kwento nga ng kuya ko kahit na naghihingalo na siya.. lumalaban pa rin… grasping for air.. maybe because she remembered what i told her.. na hintayin ako.. and as gruesome as it may sound and to imagine.. she died with her eyes open… probably because she was waiting for me! nung dumating ako ng bahay namin.. siya ang una kong pinutahan.. naka-sako na siya and my “in denial self” told her to wake up kasi nga andito na ko! I AM JUST SO SAD! kaya lang ganun talaga, nothing is permanent in this world diba? maigi na rin siguro yun para tapos na ang paghihirap niya!
so as the rain falls on the roof tonight, while some of you are sound asleep…, i type this blog with sadness, pain and tears just like the rain dropping from the deep, heavy, dark sky. i am sad.. but i will recover! promise.
in loving memory..
a loyal pet,
a good companinon,
you shall be missed =(
pasensya na madrama!
campus tour!
my bespren ric rider and i pati na rin ang ep namin na si raymond have been places lately! campuses to be excat! baka naman feel niyo kaming imbitahin! may papagawa kami sa inyo! ….. =)
with st pauls students! =) may bago kaming pakulo sa programang soundtrip kaya abangan niyo yan!
we also went to plm! post ko pics soon! =)
abs-cbn tours office!
i went to abs cbn tours office a few weeks back to reserve some seats for wowowee at infairness ang ganda ng mga nakasabit sa mga walls nila ngayon ha? mga hands ng celebs together with their pictures on the actual day nung ginawa nila ang handprint sa frame ng plaster of paris! bongga! look!…
divine diva zsazsa padilla and miss kris aquino!
mareng juday and daddy pj’s handprints!
mareng bea alonzo at miss charlene gonzales mulach!
handprints ng dyosa, mareng anne curtis! pinatong ko, hands ko baka sakaling nahawahan niya ko ng kagandahan! =) si gerlad anderson andyan din =)
handprints ng mga taong masisispag =) maam charo santos, tito dolphy, mr. aga mulach, mr. pure energy gary v. and the diamond star miss maricel soriano! may i put ko nga ang hands ko sa ibabaw ng frame ni maam charo.. . tiningnan ko lang kung fit ba ang hands ko to be a leader! what do you think? =)
ecomoda
kung may betty la fea fever kayo.. eto ang ecomoda!
alam niyo naman kung kaninong office to davah? =)
ang pogi talaga ng lolo niyo =)
feeling secretary =) hahaha!
eto si domileo espejo of abs-cbn interactive! siya rin ang ep ng games uplate live =)
at eto ang mga gigantic paint brushes na makikita niyo sa entrance ng ecomoda! ang cute diba? pwede nang pang pintura ng bahay! =)
ink and prints and belo!
SEPTEMBER 19, 2008
i recieved a text from my friend kc macapagal! siya din ang owner ng ink and prints na ine-endorse ko.. may office na daw siya sa manila! may bago na kong tatambayan =) hahaha!
kahapon i went to belo after the presscon. syempre kahit puyat, pagod, ngarag dapata beautiful pa rin diba? =) nagpa backcial ako! ( parang cleaning ng likod.. face.. facial.. back.. backcial ) tawa ako ng tawa kasi nakikiliti ako kapag tinatanggalan nila ko ng blackheads sa may bewang at tagliran.. malakas kasi talaga kiliti ko dun eh =) sa sobrang lakas ng tawa ko feeling ko nadididnig na kami sa second floor ng clinic ni doc vicky! naisip ko tuloy baka isipin ng ibang pasyente kung ano ang ginagawa namin sa loob ng room! hahaha! may mga linya pa kasi akong teka, teka.. di pako ready.. masakit ata yan.. wag, wag, waaaaaaag! ahahahahahahahahahahahahahaha! sabay tawa na din ang attendant! kaloka! sabi ko pa.. pwede ko bang tigasan! haaaaaaaaah! ( yung muscles ko sa gilid para di ko masyadong mafeel yung kiliti! ) sabi ko sa inyo eh.. kung narinig niyo lang ang mga tawa at tili ko… kung anu ano na siguro ang naisip niyo. =) nga pala you may contact belo clinic at 373-3355 for inquiries po. magbelo essentials na din kayo para pare parehas na tayo =)
at kung gsuto niyo namang yumaman… magfranchise na kayo ng ink and prints… kumikitang kabuhayan to mga bespren!,,, call or text 0922-talk-2-us =) look for kc macapagal! 2 pesos lang ang print ng wallet sa kanila =)
my girl fever!
tagal ko na naman di nagblog. lately ive been a caregiver to the highest level sa aso kong si connie ( dalmatian siya ) medyo umeedad na kay nagkasakit. ilang gabi na din akong puyat at pagod kanu-nurse sa aso ko kasi nararamdaman kong gusto pa niyang mabuhay kaya pinagtya-tyagaan ko siyang subuan ng food =) grabe nagdasal na ko kay san roque at kay st francis of assisi para mabuhay siya… pati tubig na galing sa well ni mama mary sa holyland pina inom ko na sa kanya just to extend the life of my dog. ang darama ko ba? mahilig kasi talaga ko sa mga hayop eh. kaya love na love ko yung aso ko. hay… sana gumaling pa siya. para rin akong may alagang tao kasi naglalambing siya. ayaw kumain pag hindi ako. pero bawi ako sa inyo.. eto na ang mag pics
if you cant get enough of my girl.. eto ang last installment ng pics ko para sa inyo form the mall show! =) sa robinson manila yan.. daming tao. =)
at habang kumakanta si enchong sa labas…
nagkukulitan naman kami sa backstage at nagpipicturan! kamusta naman ang mga pose namin dyan? =)
parang ang sagwa tingnan ng pose ko.. parang may samting na nagyari! hahaha!
namaster ko na talaga ang pagpout ng lips =) hahaha!
mas kikay si alex kay toni… but i love them both! =)
habang nagdo don romantiko naman si gerald sa stage….
tuloy pa din ang kulitan backstage! di ko nga alam kung ano tong pose na to namin ni enchong eh.. mag nanay ba kami o magjowa diyan? =) hahaha!
o eto parang multo lang kami parehas.. blurred kasi!
me and kim. =) wala si nina at david that day kaya di ko sila napicturan =) watch out for my only hope yun ang bago nilang show tuwing sundays sa abs-cbn =)
pics
here are some more pics taken last week! nainterview ko si rico blanco. i told him how herat broken i was nung umalis siya sa rivermaya he said had he known na magkakaganun pati ang mga ex bandmates niya.. he wouldve done it a bit differently. he said na matagal na siyang nagpapa alam sa banda alam daw nila yun. sa mga hindi nakakaintindi, maiintindihan niyo din daw ang mga pinag daanan niya someday.
masaya naman ang lolo mo! =) may jowa na non showbiz =)
si bespren arnold rei! busog na busog ang level nung naglunch out ang buong team last week! =)
raymond, jacque and sir eli =) si jacque commute buddy ko yan pag uwian na. sabay kami nag e mrt =) walang humpay na daldalan hanggang ayala station =)
cosplay
nasubukan niyo na bang magcosplay? enjoy! lalo na kung lahat ng mga andun naka-costume din ng favorite nilang anime character! naghost ako ng animania! its a cosplay event for a cause ng miriam college last saturday sa galeria! second time ko na maghost ng cosplay at enjoy ako lagi kahit hindi ko ma-memo-memorize ang mga characters na suot nila! i guess im still stuck in the voltes five and daimos era! isama niyo pa sina mazinger z at mekanda robot! hahahaha! aminin.. di niyo kilala yung iba! =) ay, trip ko rin si astroboy!
kamusta naman si joker? nung biniro ko siya napikon! sabi ko kasi joker.. medyo ina-agnas na ang make up mo saka lipstick mo lagpas =) and dont ask me who i am supposed to be kasi confused na anime character ako nung mga panahon na yun eh =) ahaha!
kamusta naman ang hairdo niya? at tingnan niyo yun isang nasa likod! very natural ang costume niya! parang gurad lang diba? ay.. gurad pala talaga siya! di pala siya kasama sa cosplay talaga! haha =)
o ayan.. kinonan ko ng picture si conan the barbarian! =)
may samahan pa pala ang mga cosplayers na ito? as in kinakareer nila ang mga event na ganito =)
miss l.t. and pda!
kahit busy eto.. attend pa rin ng presscons! kahapon kasama ko ang mga scholars at si miss lorna tolentino!
with van
with the grand star dreamer laarni! sabi niya naalala daw niya ko nung nanalo siya. ang pangaral kong wag lalaki ang ulo. =) touched naman ako. bago kasi sila puamsok sa academy noong mga potential scholars pa lang sila ako ang naka unang interview sa kanila. yun ang pinagawang task sa kin ng pda =) sana nga lahat sila will be well grounded pa rin. =)
si mareng cris na chinika sa kin na break na sila ng jowa niya pagkalabas niya ng pda. uyyy.. may pag asa na si sen! hahaha! pero say niya career muna! =) ganda ni cris noh? she looks like a much prettier version of amanda page! uy ha? di ako tibo! i just know how to appreciate beauty. =) si lizel at miguel busy magpa interview kaya hindi na ko nang istorbo na magpapicture.. magkikita panaman kami ng mga yan and thats for sure! =)
kamusta naman ang pose namin ni bugoy! grabe ang kanta niya! consistent number one sa daily countdown namin! =) im sure pasok na din siya sa top 40 ni martin. =) sabi niya sa kin hindi siya bading! jolly lang talaga siya at ganun kumilos kasi gitna siya sa mga magkakapatid na babae! hindi na daw niya pagsasakahin ang pamilya niya! ililipat na daw niya ng manila ang family niya =) at gusto niyang magcomedy kung bibigyan ng chance =)
with miss lorna tolentino =) matagal na kaming textmates ni miss lt pero kahapon lang kami nagkita ng face to face =) i have always considered her as one of my idols pag dating sa pagcocompose ng sarili in times of discouragements. i dont know how she does it pero hangang hanga ako sa tapang niya. may inspirational album siya under star records.. abangan niyo yan!
ang utang ko!
SEPTEMBER 12, 2008
here are the pictures that i owe you! i recieved an i phone for free and i am sooo thankful! =) at si miguel nga ang buena manong celebrity na napicturan ko!
nagpunta siya sa booth last friday to plug their album =) si bespren china heart nag interview sa kanya!
cutie si miguel lalo na in person =)
si bespren martin d at si raymond ang nasa likod ni china heart!
mabait ang tadhana sa kin that day dahil nakita ko pa sina lloydy at bea! naku… mas mahal ko na ata si john lloyd ngayon! kini-kiss na niya ko everytime na magkasalubong kami!
with mareng bea! nice bag noh? ka-kulay ng peso sign sa shirt ko! =)
with daddy luis manzano! di daw siya sasama sa states with dad edu manzano! may taping siya ng dyosa! =)
GUSTO NIYO BA MAG-TOUR SA BOOTH NAMIN? TARA!…
CHADA!.. HERE’S MY PARTNER SA SOUNDTRIP! SI BESPREN RIC RIDER!
MAHIYAIN YAN KAYA SUPER IWAS SA CAMERA! =)
ETO SI RAYMOND ANG ASSOCIATE PRODUCER NAMIN! =) THAT’S OUR OFFICE! =)
SI BESPREN REGIE VALDEZ WITH RAYMOND BAGO MAGBOARDWORK =)
AT YAN ANG MGA LOCKER NAMIN… NAKITA NIYO NA KUNG SAAN ANG AKIN, KAY REGIE AT KAY JACK! GUESS NIYO KUNG SAAN KAY MARTIN? =)
i took a picture of gerald while we were at ever recto! =)
with david chua! =)
at si enchong! pang model diba? =)
with regine and nina! =)
may mga ipopost pa ko! =) aayusin pa lang ulet! thanks to webmaster jp! =)
galing ako sa pictorial ni mareng toni at vhong kanina! saka ko na ichichika sa inyo! bukas i’ll be hosting animania at robinsons galeria! see you guys at 1pm =) sa sunday nasa sm marilao naman ako 4pm with mareng aiza seguerra! see you!
promises promises!
SEPTEMBER 10, 2008
i failed to fulfill my promise to you guys! im sorry! sa tingin ko kailangan na natin ng tulong ni webmaster jp! =) siya na po ang magpo post ng pics kasi may kailngan gawing mga conversion kyeme, kyeme! =) im really not a whiz on these things.. di talaga pang computer ang power ko kaya papagawa ko sa mas matalino sa kin! hahahaha! =)
mamimiss ko sina kim at gerald pati na rin si alex, nina, regine, enchong at david! last mallshow na kasi namin ng my girl nung sunday. =) raraket ako sa iba naman ngayon =) o kaya baka pahinga muna hanggat wala pang offer =) monday galing ako sa blessing ng newly opened ink and prints franchise sa edsa central! bongga bongga ang level nito kaya kung ume-mrt kayo at need niyo pa print dun na kayo paprint ha? dun nga nabuo ang sampung ketongin clan! sa bible daw kasi sabi nung pastor na nagbless ng stall may sampung ketongin at isa dun ay gumaling! yung isang yun kahit na gumaling siya never siyang nagtanim ng galit kay lord at in return nagpasalamat pa siya dahil gumaling siya! dapat daw ganun din tayo.. magpasalamat sa lahat ng biyaya at pagsubok na dumarating sa atin! AMEN to that at tamang tama naman na sampu kaming andun sa blessing kaya naging sampung ketongin clan kami! hahaha! may iba pa nga palang branches ang ink and prints ha? like lotus mall in imus, st francis square, sa divisoria mall, araneta square, victory mall at marami pang iba! =) kung feel niyo magfranchise.. call 0922-talk-2-us po =) look for bonggang bonggang kc macapagal
kahapon kasama ko sina echo at carmen soo pati na rin si christine reyes! nagpresscon ang kahit isang saglit, september 15 na po siya ipapalabas sa primetime bida! umescape pa nga si christine sa mga tanong ng press tungkol kay daddy dennis trillo at si echo naman ibang iba ang aura niya kahit na puyat siya and all! he’s still the same nice guy na nakilala ko a few years back and i really dont get it kung bakit sinasabi ng iba na yumabang na siya! nice pa din siya whether i am a showbiz reporter o hindi. nakikita ko na good natured si echo =) magbibirthday na siya sa sept 22! chika naman ni carmen soo…… sooooooooooooooh famous si echo sa malaysia! as in… nakakaloka ang powers ni echo ha? wala siiyang plane ticket pero the stewardess let him board the plane! face value lang ang ginamit ni echo! at dinudumog si echo ng mga malaysian fans niya nung dun sila nagshoot! pero pagkatapos nga daw magpapicture ng mga gelays kay daddy echo eh nili-leave alone na nila ang lolo niyo to tape his scenes =)
mag aalas dose na ako naka uwi ng bahay namin dito sa las pinas! nakakaloka naman kasi ang ulan! hay at ang forcast for today eh magiging rainy kaya bring umbrella ela, ela! =) last trip na yung nasakyan ko at hindi na siya taga pasoda ( yung shutel na sinasakyan ko! ) kaya naging tour guide pa ako ng driver =) ako ang co pilot niya dahil sa bf paranaque siya regular na bumabyahe! enjoy naman ako!
nga pala maraming salamat sa bati ni mareng jaymee sa kin the other day… i really apreciate it =) chinichika nga niya on air na ako ang official karelyebo niya at nag good morning siya sa kin on air whether gising ako or not. =) alam niyo yung ibang tao lang naman po talaga ang pinagsasabong kami eh. were pretty much ok…. as in! =) wala kaming friction ni jaymee. at ang pinakang main goal naming dalawa ay ang mapasaya kayong mga kapamilya namin =)
hay sakit ng ulo ko siguro nga dahil sa weird ng panahon! nga pala… nacu-cutan ako sa name ng bagyo… MAR-CE! i wonder who from pagasa ever thought of that name? baka naman hindi sila aware na mar-ce or marse, marsey ang bading term for mare! =) hahahaha! o baka naman… ba–ng yung …. hahahahahaha! joke lang po! sana naman wag akong kidlatan!
matutulog na nga ako kung anu-ano na namang kalokohan ang pumapasok sa isip ko patulog na lang ako eh!
good night! = )
anong gawa niyo?
SEPTEMBER 6, 2008
i promise bukas magpopost akong pics! somebody gave me a bonggang bonggang celphone as a gift at mas matalino pa siya sa kin kaya dinedecipher pa ng braincells ko kung paano ko ipo-post ang mga pics! bukas nakapost na yan PROMISE! =) infairness sa celphone na ito… buena manong celebrity na napicturan niya si miguel mendoza ng pda 2! dumalaw siya sa booth kanina para magplug ng album nila! after that si bea at lloydy naman ang nakunan ng camera ng bago kong phone! at hindi pa nagtapos dun dahil pati si luis manzano naki picture! tarray ha? nakikisama ang phone.. mamaya nga sususbukan ko siya ulet kina kim, gerald, regine, david, alex, nina at enchong! alam niyo all of them are really nice kids.. mamimiss ko sila pag natapos na ang mga mallshow namin! mamaya nasa ever recto kami 4pm at sa sunday nasa robinsons place malate naman kami 6pm! =) im sure ma mimiss niyo rin sila sa my girl dahil nagtapos na kanina! dont miss them too much coz theyre cooking something for all you loyal my girl teen fans out there!
nood din kayo ng i love betty la fea ha? im sure matatawa kayo! naku may utang pa nga pala kong pics sa inyo ng ecomoda.. kailangan post ko na din yun bago mag monday para sneak peak kayo sa office nila betty! =) atleast sa mga pics ko.. hindi kayo masisisgawan ni mareng daniela ( ruffa gutierez ) ng … GET OUT!…. NOW! =)
for now.. sleep muna ang lola niyo bukas may pics na to promise!
and thank you nga pala webmaster jp…. ang ganda naman ng ginawa mong pics! mwah! =)
when you’re bored while on board
AUGUST 21, 2008
hey!
absent ako sa pagb-blog kahapon at nung isang araw ah! sorry naman dahil busy lang ang katawang lupa ko! =) ric rider was absent kasi nung isang araw sa radyo kaya busy busyhan ang level ko! at dahil nga mag isa ako… silipin niyo ang mga pinag gaga-gawa namin while i was on board that day! kahit naman alone ang level ko.. it didnt stop me from having fun!
left to right: our EP raymond, me.. ( nagnonovena!), ang bago naming dj na si cha-cha, medyo blurred nga lang!, si china heart, at ang naka koreanong pose na si jack melo!
o ngayon dalwa na silang pose koreano!
kamusta naman ang pictorial namin sa may bintana? diba para lang kaming super heroes? that or mga model ng sapatos at tsinelas pang 168 or divisoria, tutuban! =) tingnan niyo si kuya guard sa labas! naguguluhan na siya sa amin!
jack and his camera! pag dala talaga ni bespren jack ang camera niya kung anu-anong kalokohan ang nangyayari! =)
mga disk jocks na kamukha ko na nagbabasa ng blog na to… have you ever tried going on board na ganito ang position? try niyo! it’s very challenging! number one, you have to balance your weight on your chair, number two, how do you turn on your microphone? number three is your voice clear enough for your listeners? laugh trip siya kasi.. hindi mo alam kung mahuhulog ka sa silya mo while adlibbing! hahaha! try niyo! tingnan niyo si china heart.. iniisip niya may sapi na naman ako! hahahaha! this is also one way of smelling your own fart without anybody suspecting that you are! hahaha! nga pala… kids.. dont try this at home! =)
nagsawa na si china heart sa panonood sa kin so he just carried on with his work.. sometimes its healthy for me to make an ass out of myself! atleast diba? i dont make an ass out of others! =) ganyan ako mag unwind minsan. try niyo rin! well not excatly yung ganyan ha? what i mean is.. try niyo rin na tawanan ang sarili ninyo! dont be so hard on yourself! hava good laugh every now and then!
today… were off to st pauls manila! kung gusto niyo kaming pumunta sa campus niyo feel free to drop by the comments section of this blog! =)
bukas.. magpapahinga ko.. its a family day for me and im taking the whole family to tagaytay! wala muna trabaho!
sunday after board i’ll see you guys at sta lucia east kc and richard’s gonna be there for their movie for the first time! 6pm!
monday.. i will be on leave but will still work via hosting sa ever gotesco ortigas extension kasama ko ang fresh from vacation na my girl teens!
happy loooooooooong weekend!
stay safe
and as one of my good friend deegee would say…
STAY FABULOUS!
God bless!
No Response to "September to October 2009 Blog"
Post a Comment