AUGUST 11, 2010
Bakit ako umalis ng tambayan, yung totoo po?
Eto na,
naghesitate ako na sabihin sa inyo ito noon, thinking that you would not understand, pero i know that i owe all of you an explanation. lawakan po sana ang pag iisip, kung hindi, wag na lang pong basahin.
aside from having severe depression while trying to make all of you happy, ( severe as in, I had to seek medical attention and I pray it would not happen to any of you reading this blog ) ( it took me a lot of guts to finally admit to all of you that I went to a shrink! Palakpakan naman diyan! ) my contract in Abs-Cbn is preventing me to do a lot of projects outside the network. I love what I do, no question about that, pero sa trabaho kailangan din naman nating mag-grow diba? kaya nung pinatawag ako ng nakadiscover sa akin sa radyo naisip kong it’s payback time sa kanya, tatanawin ko ang utang na loob na yun sa isang tao na nagtiwala sa aking talent at kadaldalan.
For the last six years I have been loyal to all of you 101.9 listeners, I never asked anything from you, dasal lang para sa nanay ko. For the last five years, I was the same to my dzmm patrons.
Kung tatanungin niyo ako, ayaw ko sanang umalis ng Dzmm pero kailangan din pong bitawan dahil aside from switching radio stations at kasama ko na si Mr. Fu ngayon, I will also be moving to tv5. It is a career opportunity, opening some doors not only for me, but for those na maiiwan ko sa tambayan. I don’t want to grow old blaming myself sa mga bagay na hindi ko nagawa at pinalampas ko. Ayaw ko sa pagtanda kong may pagsisishan ako at magisip ng “what ifs”.., “that should’ve been me..” etc.
Isipin niyo nang wala akong utang na loob at mukha akong pera, pero kung maipapa-gamot ko ba naman ang nanay ko at ikagiginhawa ng pamilya ko yun, putting not only food on the table but also savings in the bank for the future.. eh di sige po .. tawagin niyo na akong sobrang masama, sukdulan, saksakan, at gahaman at lahat lahat na. My decision to move is not just for career opportunities it’s also for my family. Una pamilya bago lahat para sa akin. my mom is very important to me, noon inalagaan niya kami noong bata pa kami, ngayon, kami naman.
Ngayon Sana po naiintindihan niyo na ako. They gave me something that my mother network before can’t give. No matter how much I want to stay in my mother network, hindi naman po nila maibigay ang ibinibigay ng iba sa ‘kin ( hindi lang pera ha? ) hindi naman ako nagsasara ng pintuan ko, pero sa ngayon… sa iba po muna tayo kung saan malaya ako. I am happy to be a kapamilya and take pride in what I do. I have always acknowledged that Abs-Cbn played a big part on who I am now, I am forever grateful not only to Abs-Cbn kundi pati na rin sa yo na nagtiwala, natuwa, naaliw at napasaya ko. Salamat pos a anim na taon Kapamilya.
Yun nga lang, minsan talaga darting sa buhay mo na kailangan mo magdecide. At yun ang ginawa ko, nagdasal ako at humingi ng signs, it was all given to me by Mama Mary kaya I took the plunge and trusted in the will of the Lord for me. hindi ko ginagamit ang Diyos.. yun ang totong nangyari.
Ngayon po alam niyo na ang katotohanan.. sana nasagot ko na lahat ng mga katanungan mo. Maging payapa na po sana ang mga kalooban nating lahat. Yan ang totoo… ako po si Laila, nagpapakatoo lang.
Itutuloy natin ang ligaya… sa ibang istasyon nga lang. I will post where soon.
Thank you… for the love, support and prayers.
I always say, kahit na noong may pinagdadaanan akong matindi, na… ang mga taga-pakinig ko… you keep laila going inspite of the personal problems that I am encountering.
God bless you po =)
No Response to "Sa mga nagtatanong at nawindang kung bakit ako umalis.. eto na ang totoo."
Post a Comment