Hello mga natixxx!!! Sobrang pasensya na po kayo at ngayon lang… naging busy lang talaga ang lola niyo kaya po hindi ako nakapag update…, iv’e been having personal problems lately pero hindi naman po tungkol sa love life…, it’s something that I’d rather not discuss kasi po baka hindi niyo rin maintindihan… ang dami ko nang utang sa inyo kaya eto po at ngakaipon-ipon na!! pasensya na po talaga. =) nga pala.. paa”laila” lang po… sa Saturday at Sunday morning hindi niyo po ako maririnig…, sa heart to heart po ( 8pm to 12mn ) tayong magka-rinigan kasi kailangn ko pong kumayod. Nasa market market po ako for the century tuna cullinary meet year 4. hope to see you all there dahil maraming ipamimigay na pa-premyo at madaming pa-games. I will be with tito boy abunda on Saturday at papa edu manzano naman on Sunday kaya see you there ha?? =)as for two Sundays. Ago.. yes that’s true.. may nagmura sa kin via 2366… so I said on air na ako na lang wag na ang nanay ko dahil it’s unfair for her.. she is turning sevnty one this year and I think that she deserves to be respected. Maraming pinag daanan ang nanay ko. At sa lahat ng handang makipag-away para lang sa lola laila…( liam shane and jocas, pati na rin ang mga kawal ni kumander nene at siyempre pa.. sina tita lolit at fans ni erik santos!! Salute, salute!! What will I do with out you guys?? ) maraming salamat po. Pero mas maganda siguro kung ipagdasal na lang natin sila na ma-realize nilang nagkamali sila. Thank you for deffending me. Maraming salamat po. =) I really appreciate it. =) I think it’s about time na linawin ko ang lahat at malaman niyo ang buong storya kung bakit mahal na mahal ko ang nanay ko. Sana ay wag kayong ma-turn off sa mga mababasa ninyo dahil nag-papakatotoo lang naman ako. Hay.. it’s a pang maala-ala mo kaya story…..Mayaman ang nanay ko…, sa kanilang dalawa ng tatay ko.. mas may kaya si mother. My mom had a first family… doon I have three siblings one girl, two guys. Yung unang asawa ng nanay ko.. niloko siya… nambabae at binahay ang girlaloo. To cut the story short.. nahuli ng mom ko ang asawa niya kasi hindi magaling magtago.., nakakita siya ng resibo sa pantalon. Resibo ng garden set complete with the delivery address kaya agad naman itong pinuntahan ng mommy ko.. to her surprise pag door bell niya…, ang nagbukas ng pinto ay ang kanyang asawa!!! ( shet.. ang sakit diba?? ) so nabuking kung saan nakatira. Naging on the rocks ang relationship nilang mag-asawa hanggang sa yung driver ng nanay ko.., took advantage of her one night. Because they live in pasig, pinuwersang dalhin sa motel nung driver yung mommy ko…, she was raped. At dahil doon hindi yun matanggap ng lola at lolo ko ( kasi naman alam niyo naman nung mga late 60’s.., hindi pa liberated mag-isip ang mga thunders ) itinakwil nila ang nanay ko. With no where else to go and dahil nga naloko na sa babae niya yung asawa niya.. she opted to go nalang with the driver sa bicol at naiwan sa pangangalaga ng lola at auntie ko yung mga kapatid ko. Yung driver na yun…, siya ang tatay ko. They lived together and had two children.., ako at ang kuya ko. I was around two years old nang muling tanggapin ng mga grandparents ko ang mommy ko. Sinundo siya ng mga uncle at auntie ko sa Bicol at unti-unti din nilang tinatanggap na nagyari yun sa nanay ko. Pero, may kundisyon pala ito… na hindi niya pwedeng kunin ang mga kapatid ko at mananatili sila sa poder ng lola at lolo ko. ( ngayon alam niyo na kung bakit naging matandang dalaga yun isa kong auntie.. kasi siya ang nagpalaki sa mga kapatid ko. ) masakit man.., pumayag na rin siya kesa naman sa nasa Bicol siya tapos ni hindi manlang niya makita at makasama ang mga anak niya sa una diba?? In fairness sa mommy ko… pinalaki niya kaming limang magkakapatid na parang magkakapatid na buo at hindi magkaiba ang tatay kaya naman close ako sa mga kapatid ko sa nanay. Malaki ang age gap ng mommy at daddy ko my mom is turning seventy one this year and my dad is fifty six.. ( kayo nalang po ang mag math. ) kaya naman siguro, eh may generation gap silang tinatawag. Ang tatay ko.. groovyng groovy noong nasa grade school ako.. siya pa nga ang bumibili ng mga latest hits imbis na kami ng kuya ko. Minsann nga nahihiya ako dahil mas “in” pa siya kesa sa min ng kuya ko. At dahil nga mayaman ang angkan ng nanay ko.. my kuya ang I were sent to good schools. Binigyan din ng lola ko at mga auntie ko ang mommy ko ng konting halaga para makapag simula ng negosyo na napalago naman ng tatay ko. My father was one of the known legal loggers in the country ( pero was na ha?? At uulitin ko… LEAGAL po. ) kaya naman tlagang ang dami naming pera.. pero siyempre kailangan ding bayaran ang mga utang. Naaalala ko pa noon na hindi kami sa gorcery namimili ng mga pagkain kundi sa cash and carry ( noong hindi pa siya nasusunog ) gulay at boboy sa palengke pero shampoo…., lahat imported from head to toe.. lahat ng comforts sa buhay natikman ko.., I even drove my own car to school noong college at naka scooter ako pagpasok sa school noong highscool. pero I was never a SPOILED BRAT and I am thankfull kasi siguro yan ang naituro sa akin ng pagiging BEDAN ko. Madalas kaming nag a-outreach programs kaya alam ko ang hirap ng buhay outside my comfort zone. We were doing really well until etong 2000. according to my father.. yung aming hardware ay pinag-nanakawan ng mga tauhan niya. Kaya pinauwi niya ako from England at nagbantay sa tindahan. After coming back and looking after the store.., bigla niya akong tinanggal at nilagay niya yung kuya ko. Sumama ang loob ng lola niyo siyempre kaya naghanap ako ng ibag trabaho.. proving to my dad na kaya ko mabuhay nang hindi nagtatrabaho sa hardware niya. Nagbenta ko ng coupons, naging customer service reprentative ako ng isang cellphone shop sa greenhills, nagbenta ng sandwhich sa terminals etc. lahat ng pride ko.. nilunok ko kahit na alam kong marami kaming pera… tiniis kong mapagalitan, mabulyawan ng sandamukal na customers at mura-murahin kahit wala akong kasalanan. Tiniis ko ang below minimum wage na sweldo…, kasi naisip ko.. I’ve got no money.. yaman yun ng nanay ko.., ng pamilya niya.., hindi ko pera yun kaya I have to make it on my own, my mom was supportive naman of me… basta raw hindi ako mapapahamak.. go, go, go! Natuto talaga ako maging independent. Kahit anong trabaho papasukin ko kasi nga desperado. Hanggang sa naisip kong i-fulfill na lang ang pangarap kong maging dj.Ngayon i-fast forward na natin ng konti.. eto na ako… ang lola laila niyo. Dahil nga madaming nakawan ang nangyari sa hardware namin… nalugi lahat ng tatlong branches namin kaya eventually we had to close all three. Since my borther works for the hardware.. he got jobless and left me as the head of the family… as the breadwinner. Last year.. bigla nalang nawala ang tatay ko nang walang pasabi.., after a month he came back at may sakit. Pag galing niya he told my mom na mangutang ng pera sa auntie ko kasi mag-nenegosyo daw siya sa Bicol…, my mom thought na what he was doing is for the family kaya nangutang naman ang nanay ko. Nalugi ang negosyo, nagutang ulet to start a new.. wala pa ring nangyari. I know how it feels to be frustrated kaya sabi ko sa daddy ko.. since he’s nearing fifty.. at hikain pa…, hayaan na niya ang pagtatrabaho sa akin kasi hindi naman ako nagre-reklamo. Masaya na ako na nakikita ko sila ng nanay ko sa bahay nang mag-kasama at hindi nag-aaway. In between ng paglalayas ng tatay ko at ang pag-pirmi niya sa bahay namin.. a lot of different cell phone numbers kept on texting my mom saying kung anu-ano. Pag tinatawagan naman niya.., nakapatay. Dahil din sa krisis namin, sinangla ng tatay at nanay ko ang bahay namin.., and early this year.., we received a letter saying na kailangan na naming bayaran or else we’ll be kicked out of our own house. Sabi ng daddy ko ____ hundred thousand ang kailangan plus forty thousand under the table para mapabilis maproseso ang documnets at para mas mag-mura ang babayaran namin. Sumama ang loob ko kasi naisip ko na ako, i work my butt off at hindi ako nanggugulang ng kahit sino and I earn an honest living sabay sila ganun-ganun nalang kukunin ang pianghirapan kong pera at yung inutang ( na naman namin sa tiyahin at mg akapatid ko sa nanay! ) . I was really pissed off kaya sa harapan ng tatay ko tinawagan ko si maam karen davilla dahil gusot kong ipa-xxx ang bangkong pinagkaka-utangan namin. Pinigil ako ng tatay ko.. so I smelled something fishy.., I told my mom na kapag magbabayad ng utang ang tatay ko sumama siya at siya ang maghawak ng forty thousand…, wag niya ibibigay sa ka-transaksyon nila until they ask for it.. guess what?? Walang under the table na hiningi… meaning.. under the table kuno lang at yung tatay ko lang ang may kailangan ng forty thousand pesos. ( ang tigas ng mukha diba?? ) dinedma namin yun.. that was around end of march.. kaya naisip ko.. baka wala siyang pang-enroll sa mga anak niya sa other woman niya. We’ve been having speculations that my dad has another family pero di namin mapatunayan.. hangang sa isang araw… noong abril.. nawala na naman siya na parang bula at hindi man lang nagpaalam. Hindi na namin siya hinanap kahit sa mga kamag anak niya dahil pagod na rin kami sa mga kalokohan ng tatay ko at sa mg apagtatakip na ginagawa ng fatherside ko. Masyado na niyang sinaktan ang nanay ko at mga kamag-anak ko sa mom side na ginatasan lang niya. Kaya pala niya ina-sawa ang nanay ko eh para maka-ahon sa hirap ang mga kapatid niya at ang sarili niya. Masakit diba?? Kaya pala nalugi ang tindahan ay di dahil sa mga tauhan namin na nagnnakaw kundi dahil siya mismo ang nag-nanakaw para ipakain niya sa second family niya. At kaya pala niya ako tinanggal sa hardware namin as bantay ay para hindi ko siya mabuking na tuwing hapon ay pinupuntahan niya ang second family niya. Pati yung mga delivery trucks namin naibenta na pala niya nang hindi namin nalalaman para lang may maipakain siya sa pangalawang pamiliya niya. May nakakita pa sa tatay ko at sa babae niya… ipinagsho-shopping pa daw sa landmark…, mas bata pa daw sa akin ang babae at may dalwang bata silang kasama… malamang anak niya yun dun. Hindi na ko umaasang babalik pa ang tatay ko.. nag-move on na kami ng mommy ko. Masakit man.. tinaggap na namin at tinanggap ko na talaga sa sarili ko na kailangan kong kumayod para sa pamilya ko. May mga gabi pa rin na tinatanong ako ng nanay ko kung bakit yun nagawa ng tatay ko sa amin…, ang sabi ko sa kanya…, the more you think about it.., the more you wouldn’t find the answer.., sometimes… when you stop asking, it’s when life goes on. I told her na everything happens for a purpose at hindi man kami gumanti o maghiganti eh my dad will get a taste of his own medicine. Naniniwala talaga ako sa karma. Evrey night I pray na sana my mom would be healed of the emotional wounds that my father has caused. Ngayon… siguro naiintindihan niyo na kung bakit mahal na mahal ko ang nanay ko. My mom doesn’t deserve to be heartbroken at her age… and for the second time around. Kaya mahal na mahal ko ang nanay ko. I thankyou. Bow.Sabi ko sa inyo pang mmk ang storyang ito eh. Sana po ipagdasal niyo rin ang nanay ko na sana magheal na ang kanyang wounds at maniwala siya na kahat ay according to God’s will.Maraming slamat po.
Sen. Kiko Pangilinan
Above pic with Sen. Kiko Pangilinan taken at the 80’s party ng DZMM sa Crowne Plaza, Aug. 4This was taken during the DZMM 20th anniversary concert noong July 29, 2006 busy si Ate Kuring kaya hiniram ko muna si papa mar at nagpa-picture. =)
Black Eyed Peas concert July 27, 2006 Thursday
Some of the highlights of the b.e.p. concert.. I also have some videos check them out.. medyo sabog nga lang ang speakers.. sorry!! =)
Inday Rampadora ng DZMM
This is my gayfriend stry… also known as…, INDAY RAMPADORA ng DZMM. I love this gay so much…., kasi naman he never ceases to put a smile in my face kapag sad ako. =) hay.. ma-mi-miss ko siya kasi hanggang end of august na lang siya sa abs. Stry my friend… mami-miss ka ng lola!! =)
With Danilo nginiiig Barios and Princess Ryan
With Say Alonzo
Star Magic turns 14 kaya naman naki-party ako with them and with skechers ofcourse!! Tingnan niyo naman how slim mareng say is…, nagmukha akong dabyana katabi niya. =) sm manila july 23
with two of star magic’s batch thirteen =)… princess ryan and carlo agassi’s youger brother. August 5, 2006 at smsan lazaro.. hindi ako nakapag-papicture kay rica.. she was in a hurry kasi mega promote din siya ng album niya entitled bollywood. =)
Posted on August 10, 2006
No Response to "Senti Laila shares her story…."
Post a Comment