Tuesday, March 20, 2012 0 comments

Old Blog post


model-modelan!

JANUARY 27, 2008
hey there! its’a sunday! sana nakapagsimba na kayo. ako as usual sa tv nagsimba pero wala si father mario sobrejuanite ( one of my fave priest dahil magaling masermon sa studio 23.. 9am mass )  dahil may sakit daw ang kapatid niya. sana gumaling agad at it didnt stop me rin naman to hear mass.
kahapon i was on board for rnold rei dahil may nilakad siya. ngayon, eto at nakaboard pa din =) bisita ni jack si chad peralta kahapon at syempre dahil lagi kami magkasama noon sa pda.. kwentuhan gaolore pa rin kami to the highest level! = ) ayun nagtrip tuloy kami… kamusta naman ang picture namin?! pasado na bang model? .. nagpabango pa kami niyan ha? hahaha! joke! sabi niya he’s been attending workshops para mas bongga ang level niya sa acting =)
later on today i’ll be with bespren jack melo sa glorietta kasama na rin ang iba pang mga bonggang bonggang artista ng abs-cbn para sa aming caravan! hope to see you all there!
                        
i soooooh love this shirt na suot ko! it says… make beef taco not war! =) oh diba? imbis na mag away away tayong lahat eh gumawa na lang tayo ng taco at kainin natin ito ng bonggang bongga! =)  

enjoy na natin ang araw na ito kasi naman… bukas balik school, trabaho, at busy na naman ang mga level natin =) enjoy the rest of the day! =)

   
Posted by laila at 10:49 am | permalink | comments[2]

update =) … ulet!

JANUARY 26, 2008
 halu! dko na post ng maayos ang mga pics yesterday kaya eto po.. enjoy!
                                                          
                    
that’s my mom in the middle and sa far right si tita nilda, friend ng mom ko! sa next pic naman super haba ng pila talaga kaya nagpacute na lang ako sa picture para matnaggal ang pagkabato ko! =)

                

                

              

eto naman ang pic namin ni jobert sucaldito. kaming dalawa ang naghost ng one gr8 january 28 in 2008! nakita ko rin si voctor basa at si mareng bianca gonzales dun sa studio one. victor is doing a segment for asap while si mareng bianca naman is hosting for cinema one =) yung susunod na picture naman is with Maam Cory Vidanes ang senior vice president for entertainment. i was totally speechless when she told me na she always listens to my showbiz chikas at finally she saw me in person. at that point… parang ayaw tumigil ng tenga ko from clapping di ko alam kung ano nararamdaman ko.. nerbyos, kaba, falttered.. parang gusto kong mahimatay at buti nalang nasagot ko pa rin siya kahit papano ng it is my pleasure maam to see you in person as well. tapos niyakap niya ko… parang gusto ko nga siyang biruin eh… maam.. penge po ng tv show! hahahaha! kaya lang ayaw lumabas sa bibig ko.. parang bigla talagang natigilan ang dila ko. umurong eh.
  
Posted by laila at 4:27 pm | permalink | View this entry

keeping you updated =)

JANUARY 25, 2008
Weekend na naman!! Saan ba ang gimmick niyo ngayon? ako.. bahay lang siguro. May pasok kasi ako bukas imbis na day off ko dahil umabsent na ko nung Wednesday when we went to St. Jude Church to see Father Fernando Suarez! Grabe ang dami ng tao ha? 7:30 am pa lang andun na kami pero ang pila super haba na! tinyaga ko talaga ang pila dahil gustong gusto ng mommy ko na Makita si Fr. Fernando. Grabe parang artista si Fr. Fernando ha? ang tilian ng mga tao parang tinitilian sina sam at piolo! May mga maririnig ka.. Father dito, Father dito… may mga nakita naman ako na pumasok nang naka wheelchair pero paglabas nila ng simbahan sila na ang nagtutulak ng mga wheelchair nila. May himala pa rin talaga kahit moderno na ang panahon natin ngayon. I am hoping na maging ok na ang mom ko. Sana nga sa susunod niyang check up the doctor will say that she’s ok! Kitang kita mo naman sa mga mata ng nanay ko n ashes happy to see father Fernando kahit na nung paalis na kami tuwang tuwa siya and I am glad na dinala ko siya dun at nag day off ako. kahit ako nung nakaharap ko na si FatherFernando humagulhol talaga ko to the highest level! Hindi alam kung bakit pero parang hinigop kasi niya lahat ng sama ng loob ko pati na rin mga hinaing ko at deepest fears ko! Si Father Jerome naman of Saint Jude said na lagi niyang pinagdadasal ang mommy ko. May program kasi siya sa dzmm every Sundays pero id just like to clarify na hindi kami sumingit sa pila o kaya naman eh ginamit ang powers niya para makapasok sa simbahan! I am happy to say na tinyaga ko talaga ang pila kaya naman alas dos na kami ng tanghali natapos at mga alas tres y medya naman nang maglunch! Plakdang plakda ako sa kama pagdating naming ng bahay. Samantalang ang nanay ko naman eh parang di manlang napagod. =) it was really one unforgettable experience. 
Kanina naman naghost ako ng presscon ng one gr8 january 28 in 2008! Ito ang kick off ng 55th anniversary ng abs-cbn tatalong teleserye na bonggang bongga ninyong mapapanood sa loob ng isang araw! Tarrrrray diba? Kaya uwi aga on Monday ha? kaloka pa si Mareng Angel nang tinanong kung sino ang mas masarap humalik.. kung si Piolo ba o si Richard Gutierez eh syempre on the safe side naman siya kaya sabi nalang niya.. “naku wag nap o nating sukatin kung sino ang mas masarap humalik ang mahalaga po eh nahalikan ko sila pareho!”  oh diba? Kaloka!
At dahil mga celebs na rin lang ang pinag uusapan natin…happy birthday sa aking most loved na si Dra. Vicky Belo!More blessings, happiness, good health and stay beautiful! 

Posted by laila at 7:50 pm | permalink | comments[3]

let it snow, let it snow, let it snow!

JANUARY 21, 2008
Hello, hello! Kamusta naman? Ako eto.. bago matulog eh mag u-update muna ng blog ko! =) para naman may mabasa rin kayo before you sleep! Kanina katext ko si charice pempengco! You know the child wonder ng lil big star na ininvite ni ellen de generes sa show niya sa states? =) she said na nakabalik na nga daw siya form new york at happyng happy siya unang una dahil nakita niya ang statue of liberty, rockafeller center, times square at ang ground zero ng world trade center. Buti pa siya.. ako sa picture lang! =)  At second dahil nakahawak na siya for the very first time ng snow! Naalala ko tuloy yung snow experience ko sa England! Whats with snow nga ba at na-aamaze tayo ng bonggang bongga? I remember when I was still in England at nagkaroon ako ng first snow encounter.. para talaga kong batang tuwang tuwa at napaiyak pa nga ata ako sa sobrang joy when I saw the mountains na may snow cap! Napaka captivating talaga ng itsura kaya naman hindi ko maexplain ang pakiramdam! Dun sa England halos everyday umuulan.. parang dinidilig na ni Lord ang mga halaman para yung mga busy na tao na pupunta na sa mga trabaho nila need not worry to water their plants! =)
Ok back to topic… kinuwentuhan ako ni charice na babalik pa daw siya ulet dun sa early February pero I cant tell you guys why at baka naman magtampo sa akin ang bata! Basta abangan niyo na lang at ia-announce din naman niya kung bakit siya babalik dun! I remember telling her before na hangang-hanga ako sa kanya pati nga si sam milby galling na galling sa kanya kumanta! At sabi ko sa kanya na someday she will make it big at eto na nga nagkakatotoo na! sanamaging maganda at bonggang bongga ang career niya dahil sayang talaga ang talent ng batang ito if it would go to waste! =) and as a last reminder ko sa kanya.. wag lalaki ang ulo at mahalin ang mga bonggang bonggang fans! =) gudnyt po!    
Posted by laila at 11:23 pm | permalink | comments[1]

text tayo!

JANUARY 19, 2008
Textmates tayo ha? =)   type… 
   djlaila on
SEND TO 2366 FOR PHILIPPINE BASED TEXTERS
 OR  23661
FOR TFC SUBSCRIBERS!
hope to hear from you soon! =)
Posted by laila at 1:55 pm | permalink | comments[2]

meow!

 
halu! greetings comming form me and my mau-mau! =)sana ok tayong lahat habang binabasa niyo ang blog entry ko na ito! its a saturday and its my day off! actually maaga kong nagising today at kahapon dahil ewan ko ba kung sino sa mga kapitbahay namin ang may nuknukan ng napaka-ingay na alarm clock! grabe… para siyang fire drill ha?  At di siya hihinto unless papatayin siya ng may ari!alas singko palang ng madaling araw kahapon nagising na ko sa maingay na alarm clock na yun at kanina naman mga bandang alas syete y medya ayan na naman siya! kala ko pa naman mahaba ang tulog ko! .. sabi ko pa naman sa sarili ko before i went to sleep last night.. ‘hay salamat day off ko.. no dzmm at 7:20 and no boardwork… pwedeng pwede akong mag-commatose ng bonggang bongga! ( sleep ng matagal ) eh bigla nga umalarm si kapitbahay! kaya ayon.. mula kanina till now gising na ko! pero syempre i have siesta plans you know! hehe! ie-enjoy ko talaga ang day off ko!
ay nga pala.. please watch games uplate live mamaya sa channel 2! wala ang lola jaymee niyo kaya ako muna papalit sa byuti niya! =)
at dahil nagising ako ng maaga kaninang umaga.. pinakain ko ang pusa kong si alfred. he’s a siamese cat about two years old! moody and camera shy ang level niya and i call him mau for short! yun ang nickname niya! actually he’s nowhere to be found kaya nag alala ako baka naka-kawala! ( sa loob kc siya ng bahay lang.. never been to the outside world ang drama niya! ) infairness i found him naman under the sofa at pinagtataguan na naman ako ng mokong! ( told you he’s moody ) hay naku.. kung di lang siya cute at mataba… siguro asado na siya ngayon! hahaha joke! =) wala lang naishare ko lang sa inyo ang kwento ng pusa kong loko-loko!  
at eto nga habang ginagawa ko ang blog ko na ito.. napa away pa ko dahil sa pusa na ito! nilagay ko din kasi this same pic on my ktext at sinabi kong i just said hello to my cat dahil ilang araw ko na siyang dinededma and then i let it go kasi nga ayaw ko na hikain ako lalo. may texter ba naman na nagsabi na …   "f u dont want asthma attak stay away frm ur pet, or allow me to say, ‘get rid of it’. or get anodr kind. " alam niyo, hindi ako pala-patol na tao, pero kasi itong texter na ito eh may record na sa kin na kung ano ano ang nirereply tuwing magkktext ako kaya pinatulan ko for a change! … mega txt back ako sa kanya.. sabi ko… ang sakit mo naman magsalita! “get rid of it” is sucha harsh word to say.. para mo na rin sinabi na mamatay na ko now! kaya nga diba i sed "i just sed hello to the cat and i let it go coz i dont want may asthma to get worse?" pasensya na coz its not that easy to get rid of this cat. he is special to me!"yan may ganung factor! atribidang texter na ito!  eh kung siya nalang kaya ang i-get rid of ko? haha! =) naloka ko sa texter na un ha? actually it wasnt even the cat that gave me my recent asthma attack! yung pagod ko talaga at puyat ang nakapagpahika sa kin nito lang at malamang hindi naintindihan nung texter yun! kawawa naman tuloy ang walang malay kong moody na pusa! =) haha!  
Posted by laila at 1:37 pm | permalink | View this entry

im alive!

JANUARY 17, 2008
hey hey! magaling na ko! … ata! haha! im sorry kung medyo natagalan i was busy last week dahil wala kaming kasambahay at nagpupuyat ang lola niyo kaiipon ng tubig dahil more than a week kami na mawawaln ng tubig! .. hence due to pagpupuyat eh humina ang aking resistensya at bonggang bonggang nagkasakit ang lola ninyo! di ako nakapasok noong tuesday and just decided na kailangan ko talaga tong ihiga! =) i tried going to work kahapon pero di ko pa rin pala kaya! kaya lang nagkasubuan na eh! tapos nakauwi ako kanina alas tres na ng madaling araw dahil nagpunta pa kami sa ocyahan ng olivarez college! nahihiya naman akong di puntahan yun dahil matagal ko na silang ino-ohan! =) here are some pictures that di ko na post while i was busy ang sick =)
 
eto ang itsura ng mata kapag bangag sa "prescribed drugs" ang cute noh? ang liit at very tantalizing! =) haha!
 
isang beauty queen at isang byuti-ki! ang ganda ng eyes ni mareng riza noh? para siyang pusa. very seductive ang mata niya! parang sa tingin pa lang naakit na niya ang mga boys davah?
 
at kamusta naman ang pagpose naming dalawa? hay.. kinulang lang talaga ko sa height! kung siguro sagana ako sa katangkadan eh kinarir ko na din ang pumagent! tuloy miss earth-worm lang ang kaya kong salihan!
 
ang celebrity bigfour of pbbce2! from left to right papa will, mareng riza, papa riben na bonggang bongga! at si mareng gaby! gisadong giosado si will that day sa presscon dahil di siya tinantanan ng mga sex video questions! grabe.. parang umamin nga siyang di ko maintindihan! sumakit ulo ko sa sagot niya! =) si mareng gabby naman was being linked kay derek ramsey, onemig bondoc at diether ocampo!.. haba ng hair! =)
 
at to naman ang pic namin ni kian of callalilly! sa mga fans niya.. wawa naman ang lolo niyo.. he injured his left leg dahil sa basketball pero ok na daw naman siya kina-kaya naman niya! as for the danita paner issue… oh well… di pa din daw ata siya umuuwi! =)
Posted by laila at 4:17 pm | permalink | comments[2]

Nagiging bespren ko na ang treadmill

JANUARY 10, 2008
hallaaaaah! ( hellow yun na exag! hahaha! ) kamusta na? friday pa last blog entry ko kasi naman eh naging busy ako nung weekend sa pag iipon ng tubig dahil mawawlan daw kami ng tubig for one whole week! kinarir ko na ang paglalaba, pagdilig ng halaman at ang pag iipon ng tubig sa amin! napuno ko na ang mga timba, batya, drum, kaldero pati aquaruim! =) ngayon naman nasa puyat mode ako dahil madaling araw lang ang dating ng tubig sa min! good luck sa kin! =)
lately ina araw araw ko na rin ang pag gy gym para d naman kayo madissapoint pag nakita niyo ko sa sharon. ayun.. nagiging bespren ko na ang treadmill at galit na galit ako kapag tumatakbo dun! pero ang sarap talaga ng feeling kapag nararamdaman mo ang tagktak ng pawis mo! parang achievement ko yun dahil alam kong i burned some calories sa isang araw! =) before ako nagpunta sa gym nakita ko si mareng billet at si jm. theyre both form dream big productions na may hawak ng pbb at pda. nakipagchikahan ako sa kanila di ko tuloy na notice na kasama nila si ruben! sabi ko bet ko siya at kinongratulate ko sya! he deserves it! ( that is my personal opinion po ha? ) may i picture na rin ako sa kanya syempre at pasensya na po sa nalilimahid kong itsura dahil di pa ko naliligo sa pic na yan! going to the gym eh davah? =)
kanina sa programa namin ni bespren ricrider.. napag usapan ang crush na mag prof at teachers.. naalala ko tuloy ang crush kong prof noong highschool ako! haha! ambango kasi niya eh! =)
 
Posted by laila at 10:10 am | permalink | comments[2]

Thanks Dra. Vicky Belo, Thanks Belo medical Group!!!

JANUARY 5, 2008
halu halu halu! dito ako sa booth ngayon while doing this entry! kagagaling ko lang kanina sa presscon ng patayin sa sindak si barbara! they let us watch the first two episodes and im not telling you guys this dahil isa akong kapamilya kundi dahil maganda talaga! kung wala rin lang naman kayong sakit sa puso at mahilig kayo sa suspense dapat siyang panoorin! umpisa pa lang ng storya ang tarrray na! mabilis ang takbo ng storya and mind you.. three weeks lang ang duration nito sa tv kaya samantalahin niyo na! 
  
nagpa-picture na rin ako ng bonggang bonggang kay baby james! ang laki na na nyo? eight months na siya!
  
as for mareng teta.. she made chika na wala silang regalo para sa isat-isa ni papa james dahil nga ginastos na nila at itinodo sa kanilang bagong bonggang bahay!
 
before the presscon binisita ko si doc vicky belo sa clinic niya. binigyan ko siya ng gift at siya rin binigyan ako ng bonggang bonggang gift! sinimulan na ng belo clinic ang birthday gift nila sa kin! jinet peel nila ang kili-kili ko! hahaha! para mas maputi at mas flawless! para kili-kili palang pamatay na! hindi dahil sa putok ha? pamatay dahil masisilaw kayo sa puti! pinower peel din nila ang mukha ko kasi nga say ni elise, ang bonggang bonggang assistant ni doc vicky eh lalabas ako sa sharon kaya dapat fresh at maganda ang itsura ko! gosh! mahal talaga nila ko! doc vicky i love you talaga ng bonggang bongga!
 
irewind na rin natin yesterday… have you ever experienced riding on the mrt tapos literally para ka nang si garfield na nakadikit ang face niyo sa window o glass door? ganung ganun ako kahapon! and whats worse was.. may hair got stuck sa pintuan from boni avenue hanggang sa buendia since yung pintuan sa right side kapag pa southbound ka only opens at shaw, boni, buendia and pasay taft! kaloka diba? naisip ko naman hmmm magandang ipost ito sa blog at ktetx ko kaya kahit mukha akong shungaxxx eh picture, picture na rin!
 
ito naman iba pang  mga pics from kapamilya christmas caravan noong december 16! katabi ko si wenday at si mareng regine na bonggang winner naman sa be bench model search! kasama sila sa palos! nood kayo ha? post ko iba pang pics soon! =) happy weekend natixxxx! 
Posted by laila at 11:07 am | permalink | comments[121]

ano gawa mo?

JANUARY 2, 2008
happy new year! sana naging mapayapa ang pagsalubong niyo ng bagong taon at sana nag-polka dots kayo sabay talon! pero kung nagdamit kayo na puros rectangle….. sana di kayo tumalon dahil baka tumalbog ang mga cheke na papasok sa inyo this year! hehehe! joke! ano ba yan? second day palang ng enero ang corny corny ko na! what kept me from updating you? una noong bagong taon naging busy akong lumafang at alam niyo naman work as usual kami sa station kaya medyo naging busy kahapon pero ngayon eto na ulet ang beauty ko! sumakit ang ulo kaninang hapon.. siguro dahil sininghot ko na naman ang mag alikabok! =) i cleaned my cabinet around lunch time bago ko pumasok sa opisina at ang daming papel kong nakuha na wala nang silbi! ayun nasa kiluhan na nang mapakinabangan naman! totoo pala yun mga bespren kong natixxx na you can really turn trash into cash noh? so if i were you kung madaming papel sa bahay niyo o dyaryo at there's no use for it.. dalhin niyo sa junkshop and youll be amazed kung magkano ang ibabayad nila sa inyo! lalo na pag white ang papel! pero teka… bakit nga ba walang junkfood sa junkshop! wehe! ang corny ko talaga.. namumuro na ba ko? hahahahaha! =)
kahapon i was talking to mareng nicole eayala ng love radio. alam niyo ang stations lang naman namin ang competing pero ok naman kami as friends.. no friction or whatsoever sa amin. hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang isyu na hindi kami ok dahil as far as i remember.. wala talaga kaming pinag awayan =) dapat kasi mag gue-guest din siya sa sharon kaya lang eh may previous engagement na siyang nao-ohan kaya di siya matutuloy sa pag guest. sayanag nga eh… sabi ko pa naman sa kanya chance na namin yun na magkasama sa tv. hay.. baka mabigyan pa kami ng tv show together! imagine niyo kung gaano kabarubal yun! im sure riot sya ng bonggang bongga! =) hahaha! kulitan to the max yun im sure at puros tawa ang mangyayari! nakakaloka! 
eto nga habang tinatype ko itong entry ko na ito… nagtext sa kin si mareng lorie of abs-cbn corporate may presscon daw for lobo sa january nine! noted na sa calendar ko yan at sa friday naman booked na rin ako for a presscon para naman sa patayin sa sindak si barbara 12nn yun! =) hmmm busy busy busy!
bago ako pupunta ng presscon on friday bibisitahin ko muna si doc vicky belo at si mareng cristalle belo-henares at si mareng elise sa belo clinic in morato! excited na ang lola niyo!!! eto na yung bonggang bonggang gift na bibigay nila sa kin! will make kwento soon! for now.. keep on guessing kung ano ang gagawin nila sa kin! =) im so happy to be a part of the belo family. i trust doc vicky belo talaga when it comes to beauty! mahal talaga nila ako kaya naman binabalik ko ang love na binibigay nila sa kin! =) only belo touches my skin talaga.. i hope you let her touch yours too! =)
 at bago pa ko magdrama dito.. gugudnyt ko na kayo ng bonggang bongga at baka super sentimyento na ang mangyari sa kin! haha! sleep well natixxx and god bless us! =)    
Posted by laila at 11:18 pm | permalink | comments[2]

nakakaloka!

DECEMBER 31, 2007
hello! hows your saturday and sunday? ako eto nasa booth while doing this blog! bago ako fum-ly kwentuhan ko muna kayo ha? i was really feeling so depressed noong friday to the point na i broke down in tears sa sm southmall! mukha akong tanga na umiiyak sa bench mag-isa nang biglang may isang babae na may kargang baby na lumapit sa kin sabi niya.. "excuse me.. pwede pong magtanong?" 
sabi ko… "ano po yun?"
sagot niya.. "kamukha niyo po yung dj sa radyo… kayo po ba yun? napapanood ko po kasi kayo sa games uplate saka sa teleradyo! kayo po ba si laila?" 
i replied by saying "opo ako yun pero malungkot ako kasi ngayon.. bakit po?"
sabi niya sa kin.. "wala nagulat lang ako kasi umiiyak kayo.. parang di po bagay sa inyo.. bakit ate? loveless ka ba?"
kamusta naman ang tanong nyang yun? nakakaloka diba?
sabi ko "hindi po… malungkot lang ako talaga!" 
matagal tagal din siya na nakatabi sa kin. di niya ko iniwan until nagkita na sila ng kanyang kumare. sabi niya wag ka na umiyak. happy new year!
naloka talaga ako sa question niya.. but her prescence made me sorta ok. kahit na hindi ko siya gaanong kilala kinomfort niya ko in her own way! ewan ko ba… di ko naman ine-expect na marami na ang nakakamukha sa kin eh alam niyo naman ako nagpapaka-totoo lang. kung ano ang nararamdaman ko yun ang lumalabas sa facial expression ko! umuwi na rin ako ng bahay after ilang minutes nang pag-upo ko sa bench na yun.. ayaw ko kasing umuwi ng bahay namin na umiiyak. di ko pinapakita sa nanay ko na umiiyak ako kasi baka mamaya eh siya naman ang maapektuhan. i was feeling sad pa rin kahit na nung boardwork ko nung hapon pero bawi-bawi naman dahil ok ang mga callers ko at smooth sailing ang trabaho. to cap it off.. nawala talaga ang depression ko nang tinawagan ako ni carla… taga "sharon" siya. she asked me kung pwede akong lumabas sa taping ng sharon on january 14! syempre umo-o na ako agad diba? alam niyo once in my life eh sharonian talaga ako! noong bata ako.. hinding-hindi ako papayag nang hindi manonood ng pelikula ni megastar! maglulupasay talaga ako sa sahig para lang samahan ng mommy ko sa sinehan! may mga tape pa nga ako ni mega-star sa bahay at hahanapin ko ng bonggang bongga para mapapirmahan ko sa kanya! dahil sa phone call na yun.. nawala talaga lahat ng lungkot ko!
kahapon naman.. i was doing the year end countdown habang i was looking through my bag and i noticed that my coin purse was not there! naisip ko.. oh no.. di ko mabubukasan ang locker ko kasi nasa coinpurse ko ang bunch of keys ko! tawag ako agad sa bahay.. in a panicky mode.. sinabi ko sa mommy ko na naiwan ko susi ko… syempre mega panic din naman ang nanay ko… sabi niya hahanapin niya! natense talaga ako sa loob ng booth at habang nangangarag… bigla kong nakita ang headphones ko.. napaisip tuloy ako.. teka.. teka.. tekkkkaaaaaah! kung nagamit ko na ang headphones ko na nasa loob ng locker ko.. ibig sabihin… nabukasan ko na ang locker ko at ang susi ko at coin purse ko ay….. TAWAG AKO AGAD SA MOMMY KO.. SABI KO.. MA!.. WAG MO NA HANAPIN! KASI NAALALA KO, NASA KIN PALA YUNG SUSI NASA LOOB NG LOCKER KO KASI NASUOT KO NA ANG HEADPHONES KO EH! HAHAHAHAHAHA! syempre natawa sa kin ang nanay ko at sinabi niyang.. manang-mana ka sa pinagmanahan mo! kaloka talaga ako sa pagka ulianin minsan! siguro dapat mag laro ako more often ng memory game! watcha think?
after my boardwork kahapon diretso ang lola ninyo sa dasmarinas cavite para sa sun cellulars isun araw ng sun saya! last caravan show na namain yun at mamimiss ko ng bonggang bongga ang lahat ng nakasama ko dun! hindi ko nga ine-expect na bibigyan ako ng sun cellular ng regalo! nagulat talaga ako ha? guess niyo kung ano? at habang hinuhulaan niyo kung ano ang ibinigay sa akin ni sir jojo geslani at ni sir niel.. enjoy the pics! kasama ko kasi sina bodie, nel, charmel, kathlyn and ashley of 26k! =)
  
eto kami nina bodie at nel… since isang tumbling away lang ang subdivision ko sa subdivision nina bodie sabi niya after noche buena drop by daw kami sa bahay nila dahil andun si nel.. dun siya magnu-new year! nakakatuwa talaga tong dalawang ito! they really became friends because of pbb2! at kamusta naman si bodie sa picture na ito? sinabi ko na nga ba at hindi si gee-anne ang gusto niya eh! sabi ko na nga ba.. may HD ito sa kin eh! hahahaha!
 
eto naman ang wacky picture naming tatlo! im blessed to have lots of celebrity friends talaga! =)
 
at kamusta naman ang level ko dito? pasado na ba kong maging 26k o mukha ba kong yaya pag nakatabi ako sa kanila? =) from left to right… ashley, me, kathlyn and ang makamandag na si mareng charmel! kasing bakla ko pala ang mga ito.. kaya naman i got along with them agad! =)  

Posted by laila at 1:57 pm | permalink | comments[4]

ang cellphone number ko!…. bow!

DECEMBER 29, 2007
hellowerzzzz! how is how is mga bespren kong natixxxx? hope ok kayo at to the highest level ang arrrrrrive niyo today! mag a-alas dose na ng madaling araw pero hyper na hyper pa rin ako! baka naman kasi naka dalawang tart ako at isang brownie kaya ganun! shuxxx! calorieeees! dapat magbonggang bonggang walking ako bukas to burn the calories! =) katatapos ko pa lang na ireply at mag update ng ktext ko kaya ito namang blog ko ang ina-atupag ko! for those of you who wonder kung parehas lang ang nilalaman ng k-text at blog ko.. i try not to! para naman hindi madaya diba? =) eto nga at marami ang nagtatanong na mga ktexters ko ng totoo kong numero kaya naman nasabi ko sa kanila na i dont really give away my number hindi dahil may ere na ako kundi kasi natrauma na ang lola niyo dahil ang numero ko before ay nakarating na ng guam, states, rome, spain, canada, japan, hongkong, korea, u.k tapos bumalik dito sa pampangga, boracay, palawan at kumembot pa sa panggasinan! kaya nga sabi ko sa kanila sana maintindihan nila ako kung pinagdadamot ko ang numero ko. at buti pa nga talaga ang cellphone number ko nakarating na sa ibang bansa at sa bora samantalang ang katawang tao ko ni isang beses hindi pa nakaka-apak ng boracay! kaloka diba? masarap kaya sa bora?.. hmmmm…. = )
Posted by laila at 9:27 am | permalink | comments[1]

Nagrereply sa KText

DECEMBER 28, 2007
mega tanong din sila kung ako ba talaga ang sumasagot sa ktext ko kasi baka daw may mga ghost writters. ewan ko sa iba.. pero ako.. yezzz! ako talaga ang sumasagot kaya nga minsan eh may mga backlog dahil nagiging busy din naman ang lola ninyo! super hyper talaga ko ha? kanina naglinis ako ng kwarto ko! malapit na kasi ang bagong taon kaya hindi ko man afford ang bagong kwarto eh di bagong linis will do! =) naglipit ako ng mga papel papel.. na pwede ipakilo sa dyaryo bote, mga gamit na di na useful ikinahon ko na at ang mga damit na wala na sa uso..ikinahon ka na rin! see you sa next trend ng fashion! at dahil nga super sipag ang feeling ko kanina.. mega bunot pa ko ng sahig! hala-bira ang drama ko kanina! sarap!! para din akong nag work-out! feel na feel ko ang paglilinis ko! sana nga bukas sipagin pa ko para yung ibang parte naman ng bahay ang malinis ko! o kayo? baka madumi bahay niyo.. tulungan ko na kayo sa paglilinis! hahahaha! =) gudnyt natixxxx! =)    
Posted by laila at 7:31 pm | permalink | comments[1]

Salamat

DECEMBER 25, 2007
happy birthday to me.. happy birthday to me… happy birthday, happy
birthday… haaaaaaaapy biiiiirthdaaaaaaaay… toooooh meeeeh!
BABALA:
ang entry kong ito ay makabagbag damdamin.. maghanda po kayo ng tissue!!
medyo naging busy ang inyong lola… kinarir ko talaga ang pagawa ng
brownies, cookies at chocolates! di pa nga ako tapos pero pahinga muna
ako… salalalalalamat po sa lahat ng bumati sa akin sa aking special day.
halo ang nararamdaman ko today, masayang-malungkot. masaya dahil
naramdaman kong madami ang nagmamahal sa akin, marami ang naka-alala,
hindi ko man po kayo maisa-isa.. hindi ko man kayo personally kilala
maraming salalalalamat po! sa lahat ng nagmamahal sa kin, sa lahat ng
napasaya ko dito sa ating mundong ibabaw at sa mga nauna na sa atin…
salamat naman at nakapagbigay ako ng aliw.. importante sa akin na
napangiti ko kayo in the lowest point of your lives. masaya dahil itong
taon na ito.. I am blessed by God ng sobra sobra at bonggang bongga! kaya
naman I do my best to be a blessing to others dahil sobra-sobra sa
hiniling kong biyaya ang ibinigay niya. paano mo sasabihin kay God na God
bless you kung siya na nga si God?
 .. diba? ang gulo?? Thankyou Lord… ng
bonggang bongga sa ipinahiram mong talent sa akin. what more can i ask
for? wala na yata.. sana lang huwag siyang magsawa na magbigay ng biyaya.
masaya dahil nagkaroon ako ng career sa t.v. hindi ko ine-expect na
mapupunta ang beauty ko sa telebisyon. pero pangako ko sa inyo na hindi ko
naman iiwan ang radyo dahil kung hindi sa inyo wala ako ngayon sa
kinalalagyan ko.. kaya naman lubos lubos.. at bonggang bongga ang
pasasalalmat ko sa inyong lahat!
THANKYOU LORD!
mommy, kuya niqui, jude.. thankyou for understanding me. para sa inyo laht
ng ginagawa ko.
daddy.. sana wag ka nang umalis ulet ng bahay
to my extended family at itinuring na rin naman ako na tunay na anak at
kapatid… LAGAMAYO FAMILY tito danny, tita evelyn, tita lyn, daniel,
mike, peter, joey and jickie..
  di niyo man to nababasa ngayon… thankyou!
LAILANATICS and LAILARICIANS sa unconditional love, sa walang sawang
pagsuporta, sa laging pakikinig sa programa namin sa radyo, sa lahat lahat
na… i will not be here kung wala kayo!
GANUN NA RIN SA LAHT NG FANS NG MGA ARTISTA TULAD NGPOPSTERS, YENGSTERS,
TUESDAY REVO, CHURVRES, ERIK SANTOS FRIENDS ONLINE, ERIK SANTOS FANATICS
AT MGA SHINIANS, VINA FOREVER FRIENDS AT SHAINATICS, PATI NA RIN ANG
CUTIES NI MARENG MAJA SALVADOR!
salalalalamat radyo - sir peter musngi, sir eli, maam marah, sir angelo
palmones at syempre ang mga bespren ko sa radyo mga co dj's ko.. MARTIN,
BILLIE, TONI, R-NOLD, REGGIE, CHINE HEART, RIC RIDER AT JACK MELO!!
thankyou abs-cbn!!
sa mga naniniwala sa kakayanan ko.. salalalalalamat po sa inyo.. sir ted
failon to the highest level ka! mareng ate b., papa toni v!, miss
beautiful mareng karen davilla, papa vic brother, amy perez, sa lahat ng
taga dzmm,  tito boy abunda!
mae valle ceniza, weng sayat, rey jorca supranes, charlie nabartey.. mga
tunay ko kayong kaibigan! salamat po!
star records at star cinema.. di man ako magaling kumanta kerring keri
naman ang hosting powers! cynthia and david thankyou for being such
wonderful friends. roxy, mico, kuya jun vanessa at mosang thanks sa mga
raketships at salamat sa mga passes!     
asap synergy kuya ronald at mareng jen thanks!
abs-cbn ccm sir robert labayen, faith zambrano, miam, peewee, tiny, eric
po!
domileo espejo of abs cbn interactive and sir mike of endemolthankyou for
putting my face on tv!
sa mga nagmemake up sa kin sa abs-cbn at sa reyes haircutters.. salamat po
at pinagtyagaan niyo ang mukha ko!
abs-cbn corporate sir bong osorio, onnel, lorie, maam chris, kane, kathy
abs-cbn regional salamat po sa mga karaketan!
sa mga kaibigan ko at mga naktrabaho ko sa showbiz bonggang bonggang
pasasalamat at it is a pleasure to have worked with you.. forever kong
ichecherish ang mga sandaling nagkasama tayo sa stage.
 pag inisa-isa ko
kayong lahat at may nalimutan ako.. may magtatampo kaya para safe,
thankyou to all lalung-lalo na kay kokey! ( kurek-kurek-kurekuk! )
sa mga naniniwala sa kakayanan kong chikadora ako! salalalamat po! mj
felipe.. you are my best budd sa balat ng showbiz! tita julie bonifacio..
ang kasparring ko sa mga chika. thanks. tita ethel and chit ramos, nanay
cristy, jobert at ambet nabus.. mabuhay kayo!
pbb season 1 housemates.. thankyou! kumander nene and husband anthony,
mareng say, uma, bob, sam, jenny, cass, teacher racquel, jb, rico, franzen
at jayson plus direk laurenti dyogi!
sa mga tao outside abs-cbn na nagbigay at naniwala sa kakayanan kong
maghost at magpasaya ng mga tao… thankyou! jonnifer santos of hopewell
productions, direk toink, donito nose at jowawa, eli, dhon manuson of
wishcraft, scribbleworks, century tuna, argentina corned beef, jsu
corporation, globe, sun cellular, smart at talk n text, viva
entertainment, nitram at lahat ng recording companies na naging parte ng
buhay ko THANKYOU!
sa mga naging boss ko dati at mga napagtrabahunan bago ko naging dj,
salamat po sa training at sa mga memo.. hindi ako magiging ganito katatag
kung hindi dahil sa inyo.
dra vicky belo, mareng crystal and elise… thankyou for making my skin
makinis!
to my tita doc… dra. rose paguntalan and family, annalyn at mai-mai
alam niyo na yan!
BNY JEANS AND SHIRTS… through thick and thin mahal na mahal ko kayo!
Boss Daniel Villanueva, Bryan Lim at mareng marivic… salamat dahil
laging maganda ang tindig ko sa stage at sa camera dahil sa mga
bonggacious na damit niyo!
sa mga galit sa kin… salamat din.. matututunan niyo rin akong mahalin. =)
malungkot dahil isang taon na naman ang lumipas… nadagdagan na naman ang
edad ko. pero looking back at my achievements sa isang buong taon…. i am
95 percent happy and five percent sad! sad lang naman ako dahil nadagdagan
na naman ng isa ang bilang ng edad ko pero aside from that wala naman
akong ikinamumukmok dahil naging makulay ang buong 2007 ko despite the
trials na pinagdaanan ko. naging mahirap kasi ang pasok ng taon ko this
year pero super umariba naman siya noong kalagitnaan hanggang ngayon! at
lahat ng nabanggit ko pati ma rin kayo ay kasama at parte ng 2007 ko!
salalalalalalalalalalamat po ng marami! kayo ang award ko!! =) sana po
huwag kayong magsawa sa pagmamahal thankyou, thankyou, thankyou! =) at
merry christmas po bukas! mmmmmmmmmmmmmmwah! kung hinappy birthday niyo
ako.. i-happy birthday niyo din si JESUS ha? =)
Posted by laila at 4:48 pm | permalink | View this entry

Laila @ Game Ka N ba?

DECEMBER 22, 2007
   
Posted by laila at 11:37 am | permalink | comments[1]

Happy Birthday

DECEMBER 19, 2007



Posted by laila at 4:08 pm | permalink | comments[3]

miss me?

DECEMBER 17, 2007
hellower! miss niyo na ba ko? its been days and i apologize kung  hindi ako nakakapag update. busy, busy, busy! kala ko nga bibigay ako last week kasi sinusumpong ako ng hikhik! ( hika! ) buti nalang nadaan sa gamot! may hika pa rin ako ngayon! pero kaya naman ng powers ko! tumakbo pa nga ako sa run for life kaninang umaga! sarap ng feeling pag nakikita mo na yung finish line na papalapit na ng papalapit sa yo! pininish ko na!! hahaha! =) ako nga lang ang taga radyo na tumakbo! parang nachi-chicken na nga ako kaya lang i said to myself na this is not just for charity.. this is also my run! as in… takbo ko to para sa sarili ko! nung kabataan ko kasi as in highschool days ko.. ako si miss fun run! kinakareer ko yan mga natixxx! so naisip ko ngayong umedad na ko… kaya ko pa kaya? kinaya ko pa naman pero kulang sa practice! happy na rin ako dahil di ako nagback out at masarap ang feeling kapag binibigyan ka ng certificate na natapos mo ang race! wohoooo! two thumbs up for me! at sa lahat ng tumakbo thumbs up tayong lahat! nung friday i was in a christmas party! naghost ako sa richmond hotel sa ortigas and sarah geronimo was there! charmee kasi yung christmas party at si mareng sarah ang endorser! after ng christmas party… i went to tycoon building in ortigas din at nagrecord ng voice over for mother lilly's bahay kubo starring miss maricel soriano! madaling araw na ko nakauwi…mga alas dos na! pagkatapos nun natulog na ko at alam kong gigising pa ko for taping ng game ka na ba? alas syete y medya ng umaga ang call time! nagising naman ako! for charity ang laro namin ng gknb! napaiyak naman ako sa benificiary ko. sabi ko kailangan makalusot ang powers ko! buti na lang kinaya! haha! =)  hulaan niyo kung magkano naibigay ko sa beneficiary ko? nood kayo sa wednesday! im sure mukha na naman akong mataba dun! ewan ko ba mukha akong dabyana kapag nasa tv! kasama ko naglaro sina bespren arnold rei, bespren billie, si dylan na naghohost din ng cable show sa jack tv!, si glen garci at karenderya ng yesfm, si sexyterry at papa jack ng love radio atlast nagkita na rin kami! si chris at jhonny z from max and hit fm i think! pagka taping go na ko sa greenhills! finally mga bespren kong natixxx!! nabili ko na ang mommy ko ng gustong gusto niyang regalo! yehey! palakapakan! yahoo! yahoo! =) bukas darating siya sa bahay namin! surprise siya kaya di niya alam na padating na pala ang kanyang bago at bonggang bonggang…….  saka ko na sasabihin sa inyo pag nasa bahay na namin!  baka ichika niyo pa sa nanay ko! hahahaha! =) gabi na rin ako naka uwi form greenhills! mga 10:30 natulog na ko kasi maaga na naman ang gising ko today! 4:45 ako bumangon! 5:30 nasa Quirino grandstand na ko for run for life! =) ngayon habang may i write this blog…  nakaboard ako… after boardwork.. i will be in glorieta makati for mas christmas sa abs-cbn mall tour! enjoy the pictures! =) nga pala i forgot to make you kwento… may isang bonggang bonggang tao na yumakap sa kin noong friday! will make kwento soon! hava blessed sunday! =)
 
game ka na ba? taping.. oh diba? game din si daddy edu? kamusta naman ang kissing scene namin? =)
  
sarah geronimo sa christmas party ng charmee, doctor p, prokids eq, at caress!
  
eto ang tree of hope na katumbas naman ng  alam mo na yan! run for life namin! dahil sa mga nagdo-donate sa sm malls at nagsasabit ng mga  christmas balls  at  tumakbo sa run for life! … makakapag patayo na po tayo ng mga classrooms para sa mga kapamilya nating mga aeta sa lopez, quezon! thankyou and god bless you!! =)
  
went to greenhills last saturday… hmmmmm… do you know who i'm with? =) hehehehe! =)


Posted by laila at 7:04 pm | permalink | View this entry

mano mano presscon!

DECEMBER 11, 2007
hi!! kamusta naman ang araw ng mga bespren kong mga natixx? bago ko matulog kukwentuhan ko muna kayo ng laila bedtime story! galing ako sa mano-mano presscon sa belismo resto ni papa cesar montano at ni mareng sunshine cruz! its in tomas morato cor scout castor! =) nice place, cozy at artsy ang dating! may mga exhibits din at you can buy kuya bubuys paintings na naka display! sooooh talented tlaga ang lolo ninyo! malapit na ang finals ng mano-mano! sa saturday na sa the arena sa san juan! free entrance siya but you have to have tickets na maukukuha niyo naman sa audience entrance ng channel 2 on wednesday between 1 to 5 pm! sina rico robles of pbb celebrity season1 ang maglalaban opposite or jordan herrera! good luck guys! sana kung sino man manalo sa inyo pasakayin naman ako sa chikot niyo! =) at pabalato naman from the 500 thousand pesos na reward! imagine mo.. nagpa suntok ka lang may 500 thousand ka na pag ikaw nanalo! may kotse pa!! kaloka! =) 
maikuwento rin sa kin ni kuya bubuy na si mareng shine eh simple lang ang hinihingi this christmas.. isang bonggang bonggang concealer na galing ng japan! kaya sabi ko kay kuya bubuy.. samahan na niya ng isa box ng lip-stick.. na galing din ng japan! hahaha!! pero itong si kuya bubuy ha? ang gustong gift ngayong pasko from mareng shine eh baby boy!! kasi ala pa silang boy na anak davah? pero mukha nga daw imposible this or next year dahil nagfafamily planning ang lolo't lola niyo!! oh well i hope its soon na diba?
while i was on board.. binisita ako ni elise at ni crystal na anak ni doc vicky belo! they will be giving me a bonggang bonggang regalo daw on my bday! wow!! i cant wait!! extra boobs ba ito? hahaha! shucks parang ang panget no?? if you have three boobs! hahahaha! =) hmmm ano kaya ang gift na yun? =) 
bukas sa presscon naman ni mr. pure energy ang go ko!! kaya kukwentuhan ko din kayo pero for now.. sleep na tayo! good night mga natixxx! mwah! =) 
 
   
eto ang pic namin ni kuya bubuy! i just love making nguso and pretending to kiss the stars!! and mind you.. they love it too! say nga ni kuya bubuy.. sana sinabi mo na naka umang na yang nguso mo nang binigyan din kita ng cinematic kiss! para may kilig factor!! reply ko naman..  naku ha?  wala akong balak na majombag ni mareng shine ha?? haha! =) 
Posted by laila at 8:35 am | permalink | comments[4]

Mas Christmas sa ABS-CBN

DECEMBER 10, 2007
kamusta?? wala na kong boses! paos na paos na ko! good luck talaga sa boses ko! penge nga ng salalalalalalabat dyan!! =)
kanina galing ako sa isang mallshow marathon!! daming abs artists ang nagpunta sa mas christmas sa abs-cbn sa trinoma! wow!! jampacked na jampacked!! si miss minchin sheryl cruz!, roxanne guinoo, iya villania,  mickey and saicy, jon james, jay-r siaboc, irish fullerton, yeng constantino, maja salvador, charlene san pedro and the cast of  princess sarah ang munting prinsesa, makisig morales, jairus aquino, katherene bernardo, kc aboloc,  raph slazar, joshua cadelina pati si kokey!! hinihingal ako kata-type ah!! haha! masaya naman, 1:30 kami nagstart natapos kami ng almost six pm pagkatapos nun naglibot libot kami sa trinoma and its nice to hear kapag may mga taong naa-aprreciate ang ginagawa mo mapa radyo man or tv! ginagaya pa nga nila ang aking sayaw sa games uplate live! =) haha! sa lahat ng  nagmamahal sa 'kin thanks ha? di ko man ma-isa isa ang mga pangalan niyo… love ko rin kayo kaya nga kahit gaga-gaga ako sa radyo at tv.. that is my way of saying thankyou dahil alam kong natutuwa kayo sa kalokohan ko! =)
at kahit na paos na ko.. tuloy pa rin ang programa mamaya 9am ha? sunday bigtime pinoy! at pagkatapos raketship ako sa pampangga.. robinson san fernando 4pm with matt, melissa, sarah geronimo at ronnie liang!! see you see you! oh baka may o-order sa inyo ng parol sabihin niyo lang ha? haha! =) gooooood nyt!!!
harruh josko!! enjoy the pictures! =) eto nga kasamah kho si jhimboy or si rhap salazar ng kokey!
at eto naman ang wacky pic namin ni mareng maja kaloka diba? ok na siya.. trying to be happy kahit wala ang daddy niya.. sabi niya kasi alam nilang magkakapatid na ayaw ng daddy nilang sad sila kaya tinaggap na lang nila ng maluwang sa kanilang kalooban ang pagkawala ng dad niya. kaya eto.. gaga-gaga kaming dalawa sa pic na to! close talaga kami ni maja… parehas kasi kaming kikay! mas maganda nga lang siya ng di hamak sa kin! =)
eto ang munting prinsesa na si charlene san pedro or si princess sarah! at ako naman ang yaya niya for today!! haha! =)
Posted by laila at 9:22 am | permalink | comments[1]

kakatamad naman ang panahon…. hay!!

DECEMBER 6, 2007
hellower!! kamusta na po mga natixxx? marami na ang lumalapzzz ( lumalafffang ) habang ginagawa ko ang entry ko na ito. im sherrr!! ( sure )
kwento kwento lang ako dito habang baliw baliwan ako sa mga words ko okey?  wala pa kong two hours na naka upo sa harap ng computer.. sinagot ko mga ktext subscribers ko at nag update ng ktext ko ng biglang may nag offer sa kin ng raket!! saloob loob ko lang.. ayosss! pambili ng materials ko sa mga gagawin kong borownies itech!! magrewind tayo… kahapon after my boardwork.. i saw luis manzano.. chika chika ng konti sabay sabi ko.. hey luis.. can u help me with my ktext?? sabay tawa ang lolo mo.. sabi niya ng pabiro..ikaw ha?? manggagamit ka ha?? pero sherrr!! picture, picture kami kaya lang blurred eh nagmamadali ako, nagmamadali din siya kaya we both let go of each other na!! tapos nun nag gym ako para naman kahit malamig panahon eh natatagtag ang mga taba ko!! after gym si mareng valerie naman ang nakita ko sa elj building ng abs.. siyempre ayaw ko na magpa picture kasi naman ampanget na ng itsura ko from working out noh!! ang lola valerie niyo.. gusto pa bumeso sabi ko "no na.. im baho na!!" ( nakks.. sosyalan itooooh! ) konting chikahan lang tapos umalis na rin ako.. nagpa masahe ang lola niyo.. nilubos ko na ang isang araw na maaga ako natapos sa boardwork ko!! after ng spa…. zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz ako til 7am at nagshowbiz ako for sir ted… sabi ng katawan ko.. tulog pa tayo!! kaya after umagang kay ganda… zzzzzzzzz na naman ako til 10:15 am… nagreport na ko ng showbiz ko for dzmm alas dose at umupo na nga sa harap ng computer habang tuldok system akong nagta-type may nagtext sa kin ng raketship.. alam niyo naman ako.. basta hindi naghuhubad at the price is reasonable… go lng ako ng go! pambili rin to ng mga materials ko sa brownies na balak kong ipang regalo sa mga kaibbigan ko!! habang sinesend ko ang first ktext entry ko.. nagring na ang celphone ko.. its my sparring partner sa hosting at besbesbespren na si mj felipe of the buzz.. kinunfirm nya kung kami nga ang magkasama at so, sabi ko… "confirmed!!" nagpalitan na rin kami ng chika… chinika ko sa kanya si rayver cruz, shaina magdayao, at dianne medina love triangle?? knowings niyo ba na hindi naman talaga si dianne ang dahilan ng pagstop ni rayver sa panliligaw kay mareng shaina? hidi mag on si reyver at dianne according to my bonggang bonggang source dahil ag ka on ni mareng dainne ngayon ay si………. uuuy inaantay!! close kay rayver ang boylet na to.. yun lang ang masasabi ko!! siyempre siya rin chumika about manay lolit, sam and piolo. ( read niyo ktext ko para malaman niyo kung anu yun!! hahaha! ) pagkatapos nun tinext ko na agad ang chika na yun sa ktext ko!! 
imagine sa loob ng less than two hours naging makulay agad ang mundo ko?? dami nang aksyon ni hindi pa ko nakakamumuog! hahaha! anu ba yan? makaluto na ng lafffang ko! oh kayo din kain na ha?? maya kwento ako ulet!!    

No Response to "Old Blog post"

Post a Comment