Tuesday, March 20, 2012 0 comments

October 2008 to February 2009 Blog



gala night!

FEBRUARY 9, 2009
ibahin natin ang sabado sa gul para d naman kayo magsawa ng bonggang bongga sa mga suot ko na tshirt at dahil february ngayon uso ang mga js prom… gawin nating gala night ang saturdays ng gul! =) kamusta naman ang paru-parung bukid gown, black crow at ang red ribbon gown ko? nice diba? it was made by my friend enrico! magaling talaga siya gumawa ng mga gowns at siya din ang nagbibihis kay mareng karylle at marian rivera =)si cris naman ang tumitira ng muk up ko every saturdays! =) check their multiply enricarado.multiply and macjoyosa.multiply =)
     
 
  
actually kahit nga puyat puyat work work work pa din! after my program sa fm, tawid ako sa am for laugh out loud kahapon. after that kumain lang saglit tapos fly naman papunta ng sm sucat for sheryn regis mallshow! tapos nun pinamper ko naman ang sarili ko kasi kawawa naman ang buhok ko.. mas stressed pa ata kesa sa katawang lupa ko kaya nagpatreatment ako sabay palinis na din ng kuko! at dahil valentines day is fast aproaching.. red pink ang kulay ng nailsung ko! =)

after the parlor nagsimba naman ang lola niyo kaya lang slightly naloka ako sa pari.. ang bilis niya magsalita! parang naka plus two sa fast forward ang dila ni father! nangingiti tuloy ako magisa ko kasi naisip ko.. si father may lakad pa ata kaya in a hurry na matapos! parang kalahi ni gloc nine ang dating ng dila niya =) nga pala…, ano ang feel na feel mong song kapag nagsisimba o yung song na strikes you most? me?… yung Our Father. its the total prayer na kinanta! pero alam niyo ba hindi ko mabuo buo yun! i always break into tears! ninanamnam ko kasi yung kantang yun lagi eh! noong mga panahong tag hirap pa ang lola niyo.. sa parteng give us this day our daily bread naiiyak na ko dun kasi being a bread isnt really easy. lagi kong sinasabi na siya na ang bahala sa pang araw araw namin. ngayon naman na-surpass ko na ang linyang yan pero pag give us this day our daily bread na.. ipinagdadasal ko lahat ng mga nawalan ng trabaho at mga pamilyang walang makain, you know why? kasi naisip ko na nung mga panahon na hindi ko alam kung saan kukuha ng means para buhayin ang pamilya ko.. im sure someone out there is praying for people like me na distressed in terms of daily bread kaya binabalik ko lang. pero alam niyo hindi ko pa rin natatapos ang our father nang hindi umiiyak. ngayon sa parte naman ng forgive us our sins as we forgive those who tresspass against us.. thats for my dad na iniwan kami.  im trying my best to forgive him pero hindi pala parang noodles na instant yun.. it really takes time. iba yung tanggap mo nang hindi siya babalik dahil may pamilya na siyang iba sa papatawarin mo siya ng bonggang bongga! hindi naman ako masamang tao pero masisisi niyo ba ko kung hindi ko siya agad mapapatawad? iniwan niya kasi kami ng walang paalam pagkatapos ako lahat ang umako ng responsibilidad. yung nanay ko nagkasakit dahil sa kanya at kami pa ding magkakapatid ang nag-alaga. ni anino niya di man lang namin nasilayan noong hirap na hirap kami habang siya.. nagpapakasaya sa piling ng iba.. sigh.. nagyon siguro alam niyo na rin kung bakit ganun ko na lang kamahal ang nanay ko.

OK ENOUGH NA ANG EMO!……
balik sa kwento =)
we ate at banapple after just to unwind myself =) had some pesto and back ribs at ang bonggang fudgy mudgy cake nila! ok .. hindi unwind.. pig out! =) mamaya woworkout ako promise! =)
Posted by laila at 3:23 am | permalink | comments[9]

first installment ng utang ko sa inyo.

JANUARY 15, 2009
palakpakan niyo naman ako! =) kasi ngayon lang ulet ako nakapag blog! haha! sorrrrrrry ng bonggang bongga! eto po mga pics… medyo outdated pero wag kayong mag alala…darating tayo sa punto na parang pldt lang… ZERO BACKLOG na! been busy with a lot of things, raket at kung anu-ano.. hindi ko rin pinapabayaan ang aking health kaya ive been hooking up (in a very professional way ) with my doctor =) at hindi po ito mental health ha? alam niyo namang normal ko ang pagiging abnormal diba? =)
  
oha? dalagang Pilipina diba? minsan na may procedure na ginawa sa mom ko ng gabi.. ipinasyal ko siya sa abs-cbn. i took this picture of her a few days before christmas. our mother-daughter relationship is not perfect.., may mga away moments din naman kami but i try my best to be a good anak. im making up for lost time kasi. lalo na nung mga panahon na lagi akong naglalakwatsa saka gumigimik ng bonggang bongga! ngayon ang priority ko.. ginhawa ng pamilya =) ( naks! good girl ba? ) i always pray na sana pahabain pa ni Lord ang buhay niya kasi hindi ko pa naibibigay ang mga pinapangarap niya. gosh.. nasenti na naman daw ako!
  
new year celebration namin sa loob ng booth! yung iba bilog bilog suot pero ako.. talagang pesos made of gold para bongga! haha! =) me, jack melo, pretty trizza and mareng rr enriquez!
   
nagbago din ang linggo sa mundo ng radyo.. tuwing linggo kasi kasama ko ang pda scholars! ilang sundays din yun! =) may concert nga pala sila.. its called status.. feb 13 sa ratsky’s tomas morato, 9pm =)
  
korean! =)
 
once miguel really got senti… so i gave him an advice.. when you fall inlove with someone.., make sure na maiintindihan ka niya at naiintindihan niya ang linya ng trabaho mo at mamahalin ka niya kahit pa busy ng bonggang bongga ang schedule mo. kapag natutunan niyo ang sistema ng bigayan.. magmamahalan kayo ng matagal =)
 
feel ko ang hair niya kapag direcho! cool diba?
 
sabi ni laarni.. ngek! =)  
 
pero eto serious na siya! ako naman ang napahanga sa boses niya =)
 
love me again mall toyr namin sa trinoma! daming tao!
 
dimples romana and hubby boyet! =) para nila kong panganay! haha!
 
mukha na naman akong peklat sa mga katabi ko! mareng angel and dimples!
 
at kahit inaantok pa ko nung araw na yun.. kinapalan ko na ang mukha kong magpapicture kay arnel pineda na bongga ang level! =)

dami pang susunod…, aayusin ko lang po ang mga pics! =)
Posted by laila at 3:18 am | permalink | comments[4]

i am delayed!

JANUARY 13, 2009
no i am not pregnant! i am delayed.. meaning… Long time no blog!
It’s not becuase i have not much to say but because i really dont know where to start.
I recieved the best birthday gift ever!
Para kong nanalo sa beauty pageant, lotto, casino, sakla, pekwa, patintero at piko!
I didnt ask for it, yet it was given..
Siguro dahil na rin sa panalangin ko.
I never really ask anything specific from the Lord but this is what I always tell Him..  He knows my heart’s desires, but He will give me NOT what i want but what I desreve.
 
December 7, 2008 was the pilot episode of laugh out loud! A weekly radio show in dzmm that i share with the l.o.l. grand winner onse. So far so good! Weve been laughing for a month now! Join na din kayo sa pagtawa! Tuwing linggo po yan 1pm til 2pm sa dzmm 630! Kung may teleradyo kayo.. better! See you channel 26 sa sky cable!
 
December 17 while i was making my give away christmas chocolates… Domi Espejo of Games Uplate Live called me on my cellphone. He told me that jaymee would no longger renew her contract due to personal concerns. Being the pinch hitter of the show, i inherited it from her.
One probable reason why i didnt blog for quite a while is because i am being fan sensitive. sensitive sa mga iisipin ng ibang tao at ng mga fans ni mareng jaymee. Honestly, halo ang naramdaman ko noong sinasabi ni principal domi sa kin yun. Wala naman kaming clash ni Jaymee ever since dahil alam ko kung saan ako lulugar at alam ko kung ano ako sa gul. I even spoke to her and asked her the reason why she’s leaving the show and she has her valid reasons that i repsect. I even convinced her to stay kasi tatak na niya ang pagiging “kabagang.”
Oo, masaya ako na may minana ako na programa pero mas malungkot ako dahil mag isa na lang ako. ( at mamatay na ko ngayon kung iniisip niyong plastikado ako! ) she’s always welcome to come back.. anytime, any day.
Sana napanood niyo ang last episode ng season five last december 20. it was a day to remeber dahil sabay kaming naghost ni jaymee. Ang kulet naming dalawa sa set! Parang nakachongkie! Hahaha! Masayang malungkot kasi nagpaalam na din siya formally.
isang linggo na din ako sa gul 6, maraming salamat po sa pagtangkilik ninyo. Sana wag kayong mag-sawa. Download lang kayo ng download as a sign of support sa show.  At wag kayong mag alala. Madami pa kaming mga surprise for you solid gul fanatics! Malay niyo hindi lang ako ang makita niyo sa tv… malay niyo… comming soon on a tv screen near you… dumami pa kami bigla! =) gamewise.. may mga madadagdag din kaya abangan niyo po yan!
 
Bago pa man matapos ang taon thankful na ako kay Lord kasi nga may mga bagay na dumating sa buhay ko na hindi ko ine-expect. Sana hindi siya magsawa sa pagbibigay ng biyaya sa ting lahat!
 
God is Good!
God is great!
All the time!

 
Posted by laila at 4:15 am | permalink | comments[7]

the newest member of the family!

DECEMBER 16, 2008
nakakatawa man pero pagkatapos ng forty days ni connie dog ko… ( my dalmatian who passed away ) i decided to look for a dog not to replace connie ( just like beyonce’s song.. irreplacable siya! ) pero para maging newest member ng pamilya i came upon an ad in the net and from there i bought milo! happyng happy nga siya nung dinalaw ko siya sa bahay ng dati niyang owner! i was just about to bend over to say hello to him bigla na kong dinamba at dinilaan sa mukha! nagpacharming siya ng bonggang bongga sa kin and i fell for it! cute naman talaga siya! may mga kalokohan nga lang! nung inuwi ko siya sa bahay tinabuhan ko pa siya sa garahe kasi na home sick bigla! he kept on howling kaya sinamahan ko.. grabe.. pinapak ako ng lamok at naglalakad kami ng alas tres ng madaling araw sa kalsada!
 
ngayon sanay na siya sa bahay namin.. masyado nga lang comfortable kasi lahat ng makita ngianngatngat niya! kaya yung mga tsinelas we make sure na di naiiwan sa labas or else… MYLO THE ENERGY DOG WILL DESTROY IT! =) minsan may bitibit siyang textbook… magbabasa ata at eto.. mahilig din siyang mag walis ng bahay namin! 
 
kakaloka minsan ang aso na to lalo na kapag bitin siya sa kinain niyang dog food.. kinakaladkad niya ang kainan niya sa paligid ng bahay namin!
 
this is sylvester.. a stray cat that i adopted. =) friends naman sila!
tinatali ko si mylo kapag bad siya para matuto and i think he understands naman.. i think! =) 
sorry nakalawit ang lipstick niya! -) thats his fave towel. bagong ligo siya niyan!
kapag nakatali siya.. bait baitan ang level pero kapag nakawala.. get ready to rumble! haha! =)
and if everythings ok…. ( pwera usog! ) here’s to ten years and over of companionship!    
Posted by laila at 1:32 am | permalink | comments[11]

malapit na ang birthday ko!

its been almost a month na hindi ako naka-kablog! pasensya na po.. busy lang… alam niyo naman tuwing panahon ng disyembre mabenta ang lola niyo.. kinakarir ko na ang pag hohost ng christmas party! =) a few weeks back nagpictorial na kami para sa website namin! abangan niyo yan! post ko din dito para masaya. satisfied naman ako sa itsura ko sa pics kasi.. i guess i lost some pounds! aside from attending presscons.., nalaunch na din ang sunday bigtime pinoy with the pda scholars! ( tuwing linggo po yun 12nn til 1 pm sa 101.9 for life! ) aside from that nai-launch na rin two sundays ago ang programa sa dzmm na laugh out loud! hindi siya seryosong balitaktakan considering sa dzmm siya napapakinggan at sa teleradyo napapanood pero seryoso naman kami sa pagpapatawa ni onse! ( ang grand champion ng lol ) kaya maghanda na kayong kabagan ng bonggang bongga!
two days ago..,  sunday, naitayo ko na ang christmas tree sa bahay namin! it was actually a surprise for my mom kasi all these years.. all we have is a christmas plant and since i am dedicating my spare time with my mom dahil bukod sa may sakit nga siya eh umeedad na din…, bino-bongga ko na lahat to the highest level at isa nga dun eh yung bilhan ko siya ng christmas tree na bongga! in fairness nasurprise talaga siya at nagustuhan niya. isang WOW!! lang ang nabitawan niya! =) nakitulong pa nga siya sa pagsabit ng christmas balls at kanina pagdating ko galing station, binilhan ko siya ng puto bumbong. nagising siya nung dumating ako kaya kinain niya agad ang pasalubong ko sabay kwento ng.. kanina sinindihan namin yang puno ni vi ( kasambahay namin ) ang ganda kasi eh! hay.. kaya naman kahit may kamahalan ang puno.. sulit naman kasi na-apreciate niya! madalas akong nakapikit kapag namimili ng mga gamit kasi naisip ko basta maligaya nanay ko.. go lang ng go! bait ko no? sana wag ako munang kunin ni Lord! =) haha!
malapit na ang birthday ko…, ive been spending the last 8 days of my 32 years lamenting, thinking, and most of all,  stressing myself! ewan ko ba.. ugali ko talaga yan kapag malapit na kong magpalit ng age! haha! =) ina-asses ko din kasi ang mga happenings sa buhay ko kaya ganun! i have a lot to be thankful for sa nagdaang taon at san.. mas madami akong pasalamatan kapag 33 na ko! =) 

laarni and bugoy habang nagdudueat ng christmas song
bugoy seriously sings paano na kaya!
eto naman ang birit ni laarni ng bakit nga ba mahal kita! =)
me, laarni, bugoy and teacher monet =)
       
madami na naman ang nainggit sa pic namin ni van! haha! =) 
chris singing alone! =)
 
leizel and bugoy singing no air! =)
kuya benjie our technician, regie valdez, chris, me, bugoy, leizel, and teacher monet =) ang tangakad talaga ni teacher monet noh? =)   
Posted by laila at 12:44 am | permalink | comments[33]

micheal learns to rock visits alalalalam mo na yan!

NOVEMBER 22, 2008
dumalaw ang micheal learns to rock sa amin! bongga! heres the interview inside the booth with bespren china heart!
to think na galing pa kaming palengke parehas niyan ni china heart nung day na yan ha? pampapawi ng pagod ang pagdalaw nila! =)
after his interview with the group ako naman ang naginterview sa kanila! =) i asked bakit micheal learns to rock eh ala namang nagngangalang micheal sa kanila!  sabi nila.. it was derived from micheal jackson the king of pop na sikat na sika nung 80’s and he learned to rock! =)
ngayong gabi ang concert nila sa araneta they said na babalik sila ulet because pinoys are such music fanatics =) at mabuti na nga ganun tayong mga pinoy otherwise.. wala akong trabaho =)     
 
Posted by laila at 10:25 am | permalink | comments[7]

petit monde

went to the photo shoot ng petit monde! tarray ng lola carmen soo mo dami nang raket sa pilipinas ha? =) at habangnagshoo shoot sila… shinoot ko naman sarili ko! pantanggal bagot at bato! =) tingnan niyo yung mga nasa likod ko.. bored nadin sila! =)
ang tungaw…. bow! =)
emphasize the cheekbone! =)
i actually like myself more without make up! ganda mag-diamond peel ni doc vicky no? ang clear ng skin ko kaya kahit na no nothing… bongga ang dating =) 
ang ganda pa rin ni cheska.. di daw niya pinaplano ang baby.. darating na lang daw yun bigla! =) 
nagandahan si mareng carmen sa shirt ko! sabi niya.. i should have one of those kaya sabi ko papadala ko sa kanya =)
at kung natipuhan niyo rin ang shirt ko.. its available sa lahat ng kultura shops in all sm department stores nationwide! look formy philippines lifestyle shirts or you can visit thier website atwww.mynationalshirt.com = )


     

Posted by laila at 1:23 am | permalink | comments[14]

its 33 days to go bago magpasko!

just a peek on what the abs-cbn building in manila has to offer! =) 
sorry malabo! nagpapalit palit ang kulay ng buiding ng abs pati broadcast building sosyal =) from bluegreen…
to orange…
to royal blue…
       
pati violet! =) madami kulay niyan kada tatlong segundo ata nagpapalit!
they even plan to do the same sa rockwell center makati eh =)
try niyo gumo sa mrt quezon avenue stationng gabi.. ang ganda ng view from there! 
Posted by laila at 1:16 am | permalink | comments[2]

spooftacular and regine presscon =)

manood na kayo!
i wento regine velasquez album launching sa universal builiding last friday! =) 
my bespren mj felipe interviewing regine 
tapos buy na din kayo ng bagong album nimiss regine velasquez!
she asked me why i cut my hair short! sabi ko.. hamo na.. tutubo din yan =)
ang executive producer kong si raymond pernada! buti na lang madalas gumu-go siya sa presscon atleast may kasama ako.. di ako nababagot =) 
ang cute noh? eto si george ang pet shitzu ni mareng regine! si jaya daw nagbigay sa kanya niyan =) 
may sarili pa siyang yaya ha? ang swerte rin ng asong to  =) binubulong kaya sa kanya ng dog angels niyang celebrtiy na bonggang bongga ang master niya? =)
gumalaw eh =)     

Posted by laila at 1:07 am | permalink | comments[62]

belo!

eto ang isa ko pang ina-appreciate! belo loves me so much!   talaga na cristalle ( doc vickys daughter  who’s incharge of belo essentials ) went out of her way just to write me a note! dinalaw pa niya ko sa booth! nakakatouch talaga! just like belo touching my skin =) kaya naman love ko din sila! =) 
 
along with the note are their new line of belo essentials being endorsed by mareng bea alonzo at mareng claudine barretto!
even went to their presscon =)   
Posted by laila at 1:02 am | permalink | comments[11]

walk of fame

have you guys ever been to libis? iappreciate niyo naman ang walk of fame! =)  went there a couple of sundays ago.. nagchill lang =)  
from tito dolphy to nestor de villa, nida blanca, gloria romero, joseph estrada at marami pang iba! =) 
she is one of my idols! =) sayang talaga what happend to her! i am a super solid fan of john and marsha puruntong! =) 
at ang bonggang bonggang star ni mareng juday at ni pacman! =) 
    
at ang isa sa mga hinahangaang veteran actresses of today! =) 

       
Posted by laila at 12:49 am | permalink | comments[3]

pieta presscon and tayong dalawa pictorial

just updating! here are some pics taken from the presscon of pieta and pictorial of tayong dalawa! dapat niyong abangan yun malapit na starring kim, gerlad and jake cuenca!
me and daddy ryan! he said na hindi siya under kay juday but hed like to think that he is para mabait effect daw =)
me and joross! may gagwin siyang indie film and eva fonda abangan niyo din! =)
such an honor to be posing with ms. cherie gil! i feel like a second rate trying hard copy cat! =)
gerald and me!
jake looks really good in a military outfit! abangan niyo ang role niya sa tayong dalawa!    
kahit na panget anggulo ko dyan, ok lang! si anita linda ata yan! =) kinuwento ko pa nga sa kanya na nakikita ko siya namimili sa rustans noong bata pa ako eh! she used to wear big bubuyog glasses nun saka nakabandana para hindi siya makilala kaya lang alam niyo naman ang nanay ko.. malakas ang radar! =)
she really deserves her star sa walk of fame sa eastwood!
     

        
Posted by laila at 12:36 am | permalink | comments[3]

modern day bahay kubo

you wanna know what my moms upto lately? eto ineenjoy niya ang   modern day bahay concreto! =) naa-aliw siya lately sa pagtatanim ng mga gulay saka gardening =) 
my mom and ksambahay.. ate vi!
ayan ang tanim niyang ampalaya sa gilid ng bahay namin =) di na nga kami masyadong namimili ng gulay kasi pinipitas na lang namin sa tabi-tabi =) 
 
oh diba nanay ko nga siya? same ol pouty lips davah? =) 
achievement niya yan kapag anihan na… job well done! =)
  
eto naman ang harap ng bahay namin. =) may ampalaya, pechay, mga sitaw at  tubo plus mga flowers nung nagpunta kami ng tagaytay.
baka di pa kayo nakakakita ng itsura ng puno ng sitaw =)  
ang okra!…. bow  =) ganda ng flower niya no?
parang ang sarap gawing laing ano? =)


       
  
Posted by laila at 12:22 am | permalink | comments[6]

what a way to die!

NOVEMBER 11, 2008
touchdown!
i just got home! 2nd to the last train na ng mrt ang nasakyan ko pauwi! kala ko nga di na ko aabot. mag isa pa rin kasi ako until now, naka indefinite leave pa rin ang partner ko na si ric rider ( he’s in ilocos taking care of his dad. please pray for him.. illuminado sapla ) kaya i had to do things all by myself. medyo hirap pero ok lang naman. yun nga lang yung showbiz ko after boardwork ko na talaga nagagawa kasi busyng busy talaga kaya ang hobby ko ngayon after nine pm is makipaghabulan sa tren =) 
pagdating ko sa bahay kinulit pa ako ng aso kong si mylo kaya naharang pa ko bago makapasok ng bahay! pag pasok ko naman sa bahay, nasamid ako ng bonggang bongga while drinking water! kala ko katapusan ko na kasi hindi ako makahinga! kahit na umuubo ako hindi talaga ko makahinga, parang may bumara s baga ko kaya hindi makalabas yung hangin! na alarm yung kuya ko… ( buti na lang gising pa! ) 
lumapit siya sa kin ‘pinagtatawanan pa ko nung una kasi nga sobrang samid ko daw! pagharap ko sa kanya.. i can feel na kulay violet na ko kasi nga i really couldnt breath anymore! dumayalog pa nga ako sa kanya ng…
laila: ( almost wala nang boses and grasping for air! ) i cant breathe! ubo, ubo, ubo!
kuya: hahahaha! tubig lang nasamid pa! hahahahaha!
laila: i really cant breathe! haaaaah… haaaaaah… ( grasping for air! ) 
kuya: huy! ok ka lang ba? totoo ba yan?
laila: ( wala nang dialouge! puros grasping for air na lang! )haaaaaaah!…. haaaaaaah! ( sabay kumakampay ang kamay ko for help sa kuya ko!  )
kuya: ay *(*(&)&^$%%^&*)#@%! totoo nga! ( sabay binear hug ako or what you call the heimlich manouver! ) 
AYUN! PAGKATAPOS NUN… ISANG SOBRANG MALAKAS NA UBO TAPOS LUMABAS NA LAHAT NG TUBIG NA NAIWAN SA BAGA KO OR WHEREVER IT WENT! 
at mabuti na lang nasa may lababo kami nung nangyari yun otherwise magkakalat ako sa floor ng bonggang bongga! 
pagkatapos nun.. sabi ng kuya ko..
kuya: totoo pala yun ano? pati yung manouver totoo din pala! ang galing! ayan kasi sa sobrang daldal mo sa radyo hindi na ata synchronized ang paghinga mo kaya ka nagkaganyan!

sisihin pa ko? feeling ko nga may naka-alala sa kin ng bonggang bongga kaya ganun! sana lang nung naalala niya ko project ito at hindi dahil sa uber galit! hahahaha! 

ang pangit kung nagkataon na sa samid lang ako natepok noh?  what a way to die! 
Posted by laila at 1:01 am | permalink | comments[4]

a sunday excursion!

weekend… the most awaited day of the week for most of us! tama?
tama! kasi naman kadalasan sabado ang day off mo or linggo o kaya naman kung maswerte ka.. para ka lang high school o grade school student dahil you have two days off to spend for family or self or lakwatcha! 
me… i spent my saturday cleaning my moms room and the library! not to mentoin washing the clothes as well! translation… chu-momok!, katuts na all around ng bonggang bongga! but i dont really mind coz i was really in the mood  kaya kinarir ko na siya! di na nga ako naka attend ng birthday party ng inaanak kong si yuwi! ( anak ni bespren ric rider yun! ) sa qc kasi ang party and im in las pinas, dusting, sweeping and moving things around! natapos ako mag aalas onse ng gabi! nakaligo na ko ng umaga pero sa lagkit ko.. i really had to take a shower before i doze off into deep slumber and deep slumber it was! ayun sa sobrang pagod nga ata nalate tuloy ako ng gising! haha! nalate din ako ng five minutes sa boardwork ko! =) 
aside from being late… it was a typical sunday morning for me…, i was watching tv mass while on board,
doing my showbiz for the next day,
drinking coffee and being hyper!

a typical sunday morning with a not so typical sunday afternoon!
around 1:30 pm kahit na kasagsagan ng ulan… go ako sa baliwag bus station at sumakay sa bus! i went to cabanatuan to visit my dearly departeds! hindi ko kasi sila nadalaw nung undas, yung mga nasa maynila lang ang nadalaw ko kaya baka magtampo at ako ang dalawin nila! sa totoo lang.. kapag sumasakay ako ng bus.. afraid talaga ko kasi nga praning ang lola niyo na baka ma-aksidente or something.. pero infairness sa nasakyan kong bus bongga ha? at to even take my mind of my silly paranoia.. kamusta naman ang kundoktor at pinalabas ang a very special love? oha? eh di kinlig-kilig naman daw ako sa bus! dumating ako sa sementeryo… malapit nang mag 6 pm… literal na palubog na ang araw or shall i say lubog na nga kasi umuulan din sa nueva ecija. its a bit creepy to go there lalo na kung ikaw na lang mag isa sa sementeryo… some of the museleos were even lit kaya parang mas creepy! habang naglalakad ako… pumapatak patak pa ang ambon sa tshirt ko at naririnig ko pa ang mga palakang bukid na kumokokak kokak pati na rin ang mga kuliglig at crickets! ( bongga ang welcoming committee ko davah? ) sabi ko nga sa sarili ko… sana naman huwag akong makakita ng sam-thing kasi alam niyo naman ako … tumithird eye at times! at mabtui naman hindi! when i reached the puntod.. may kandila na nakasindi.. it was originally a tall candle pero nung dumating ako.. paubos na ung flame.. naka-lock na din un museleo kaya sa labas na lang ako nagdasal! infairness to the candle… it seems like it was waiting for me before the flames die down.. or was it?
was it really waiting for me? o baka naman……. the spirits had something to do with it!
HALAAAAAAH!
pagkatapos kong magdasal i went to my lolo’s house then off to church and heard mass tapos bumalik na ko ulet ng maynila! mas matagal pa nga byahe ko kesa sa ini-stay ko dun =)
WEEKEND is such a cute word for me… we always look forward to it… but when the weekend.. ENDS… we dont want it to! think about it! =)       
Posted by laila at 12:28 am | permalink | comments[1]

ups and downs

NOVEMBER 5, 2008
long time no blog na naman!
lately kasi masyado kong dinidibdib ang kalagayan ng mommy ko. alam niyo kasi basta usaping nanay nagiging sensitive ako dyan eh. lalo na kapag kalusugan na niya ang concerned. sa mga bagong readers just for recap my mom has cardiomyopathy.. its a heart condition where in the heart size is way beyond normal at mabagal na po tumibok ang kanyang puso.. but dont get me wrong, able pa naman siya.
lately kasi nagcocomplain siya na lagi mabigat ang dibdib niya, saka parang nagpapalpitate siya kaya nung nagpatingin siya sa doctor a couple of weeks back.. may mga series of tests na ginawa sa kanya. results show na mataas ang creatinine level niya indicating some signs that maybe.., her kidneys are not functioning well. her cardiologist suggested she seeks medical attention via nephrologist. nagpatingin naman ang nanay ko. pero sa mga sandali na hindi pa nalalaman ang totoong dahilan.. sobrang kabado ako… what is a daughter to do? i cant help but be paranoid na baka mamaya kung ano na yun diba? eh nanay ko na yang pinag uusapan. those where one of the darker days in my life.. lalo na nung sinabi nung cardio that there is a chance na baka nagsisismula nang hindi magfunction ng maigi ang kanyang kidneys! when i first heard that… para akong nanlambot kasi ang una kong inisip renal failure! pinaglalaruan ako ng utak ko na baka mamaya complication ng sakit niya yun at yun ang ikawala niya sa mundo. iyak talaga ko ng iyak pero siympre isinasantabi ko kapag nagpoprograma ako sa radyo. hindi naman sa plastic ako pero diba? yun ang purpose ko.. ang magentertain. ( at yan nga ang tawag sa kin ng mga kasamahan ko.. the ever professional laila! )
mahirap pala magpanggap lalo pa at hindi naman talaga ako plastic na tao! usually kasi what you see is what you get in me pero sa puntong iyon, i have to keep my composure kahit pa may dinaramdam akong mabigat sa akin. lagi akong super pray noon kay lord at sabi ko nga sa kanya na siya na ang bahala. alam ko, na kung ano man ang mangyari, he is totally in control of the situation! kaya isinusuko ko lahat ng hurt, kapraningan at fears ko sa kanya. alam ko, he will catch me even if i fall ten stories high. talagang nagtiwala ako sa kanya ng bonggang bongga!
ilang araw din yun sa bahay… hindi ko pinapahalata sa nanay ko na hurting ako for her situation.. minsan nga naisip ko kung ganito ang nararamdaman ko para sa kanya… siguro MAS yung may katawan diba? kaya hidni ko na pinahahalata sa kanya na nasasaktan din ako.. alam ko kasi na ako ang pinaghuhugutan ng lakas ng mommy ko. pag-aalis na ko papunta sa trabaho lalo na pag nakasakay na ko sa jeep.. i cant help but be emo! tumutulong kusa ang mga luha ko kaya dasal na naman ang lola niyo ng…. Lord i completely trust in you. at kapag nagkakaroon ako ng doubts…, paulit ulit kong pinapatugtog ang take me out of the dark ni mr. pure energy gary valenciano just to remind me of the lines… I JUST FORGET…. YOU WONT GIVE ME WHAT I CANT BEAR. halos ilang araw ko rin syang naging anthem… playing it over and over again kahit pa gasgas na gasgas na siya sa iphone ko. yun kasi ang pang comfort ko sa sarili ko at ang promise ni Lord na hindi niya tayong lahat papabayaan. kaya i always tell myself that it is a SIMPLE MATTER OF TRUSTING THE LORD! 
after a few days of dwelling in my depression… nung friday habang pauwi na sa mrt and as i was doing my usual routine na nagpapatugtog ng take me out of the dark… nakatabi ko ang isang madre! lalo ako napaluha, nagmano ako sa kanya sabay dialouge ng… alam niyo po sister, tuwing may iniinda akong problema o masama ang loob ko…, kadalasan talaga, may nakakatabi akong gaya niyo o kaya naman nakakakilala ako ng pari at minsan nakakakita ako ng rainbow. its just like the Lord saying na kahit hindi ko siya nakikita.. he sends his representatives to remind me na andyan lang siya sa paligid ko at di niya ko iniiwan and to not lose hope at wag bibitaw. the nun smiled at me and said hindi naman talaga niya tayo bibigyan ng pasanin na hindi natin kaya. and i replied opo… alam ko po yun sister… its just a simple matter of putting all your trust in Him! Amen to that!
alam niyo ba pagkatapos nun bigla na lang talaga nawala lahat ng fears ko for my mom. nakampante na ko at nung Lunes nga nagpaultrasound ang mom ko just to see if her kidneys are doing fine. were still waiting for the results.
although im ok na.. i am still asking for your sincerest prayers na sana naman hindi siya malala.. i love my mom so much kaya if you love me too.. sana naman po maipagdasal niyo man lang kahit saglit ang nagbigay ng buhay sa bespren niyo sa radyo, her name is Norma R. Asis. salamat po in advance.  and God bless you po!            
Posted by laila at 8:15 am | permalink | comments[2]

malapit na ang pasko!

OCTOBER 21, 2008
today is tuesday, 0ct 21… habang nasa-sanay na ko sa sorta short hair ko at nag eenjoy na rin ako sa mga ibat ibang styles ng buhok ko…. its 65 days to go bago magpasko! ang bilis naman talaga ng araw! malapit na kong maglista ng mga bibigyan ko ng regalo! =) alam niyo ba di pa ko natutulog mula kahapon? kasi naman nag oversleep ako yesterday! after my showbiz report kay sir ted failon ng 7:30 am i dozed off to sleep again! sarap ng tulog ko! nagising nga lang ako nang may tumatawag na sa kin eh! oh diba kaloka? =) pag gising ko.. its 1:39 pm! nyeeeh! i had 7 unread text messages, one of them comming form miam saying no yellows, no blues no greens for our station id shoot today! another text from peewee sayingsee u at std 8 4pm 4 stn id shoot! KABANG!!! bigla nagising diwa ko! naisip ko, tuloy pala sid shoot namin! natural nagmadali daw ako! wala nang kain-kain! ligo agad tapos go sa trinoma para mamili ng damit na hindi yellow, green o blue! 3:30 na ko natapos kaya nagmadali rin ako na sumakay sa taxi.. qurter to 4 andun na ko sa abs at minake upan! kaloka! pero masaya! guess niyo kung sino ang ka-eksena ko?
CHADA!!!
me and waki! it took us around 30 mins to shoot our part kasi nung una naming kuha… tinamaan ako ng notes ni waki! humapas siya sa mukha ko! kaya nakapagtake two.. nung take 2 na… mali ng anggulo si waki, and so on and so forth! di ko na kukwento kung ano ang ginawa o pinagawa sa amin… abangan niyo na lang mga bespren comming soon sa abs-cbn! star studed ito ha? si miss ai-ai, megastar sharon, megadaughter kc, maricel soriano, mariel, pokey, valerie, miss korina sanchez at marami pang iba!
   
see the green background? yan ang chroma! mukhang wala lang pero pag dating sa final na ipapalabas sa tv magkakaroon yan ng scenery o background. its not gonna be plain green! ganyan din kami ni jaymee sa uplate! =) at dahil malakas kayo sa kin.. heres a sneak peak ng ginawa namin ni waki! =)
 
habang inaayos ni tiny si waki! tinuturuan din kung paano gumalaw! =)
papose pose lang! =) buti na lang andyan si ep raymomd to take some shots! =)  tnx raymond! =)

waki, waki.. tingnan mo tong gagawin ko ha? =)
inayos ulet ni tiny si waki! =) sabay tanong ko sa kanya kung ayos lang ba siya! mahirap ata ang buhay mascot! mabilis mainitan yung tao na nasa loob ng mascot! =) baka mahimatay!
 waki, pasko na! yeheeeeey! =)
lets celebrate! =) sayaw tayo bespren waki! wooohooo!
ang saya-saya naman ng pasko natin! tingan mo yun oh! =)

abangan niyo to ha?  =)  
Posted by laila at 8:15 am | permalink | comments[5]

tagaytay wedding!

after my gul last sat madaling araw dumirecho na ko sa tagaytay! dun na ko natulog kasi ikakasal ang barkada ko noong college na si mareng pat! halos 6am na ko nakarating sa hotle na tututluyan ko kaya ilang oras lang ang borlogs ko! 1050am awake na ko at kahit na mahapdi pa ang mga mata ligo na agad! =) alas dose nasa taal vista hotel na ko para sa briefing at kung anu ano pa! i was excited kasi makikita ko ulet ang dati kong kaklase pero nagulat ako kasi hindi na pala patpatin si pat! nagkalaman na ang lola mo! well sa bagay its been years since i last saw her and im also hoping to see my other classmates! kaya lang.. alam niyo naman ang mga doktor.. lahat naka duty kaya dalawa lang kami out of 12 na magbabarkadas na dumating! =) i remeber in college ka cheatmate ko tong si pat at si mareng dj! ( naka purple! ) at kahit na nga 2 lang kami nagpunta.. im still gald na nakita ko si dj! she’s got 3 kids now! =)
here’s the newly weds! pat and obey! =) 
     
heres the newly weds.. habang hinahalikan ko ang groom!tingnan niyo naman ang firend kong si pat! tawa pa ng tawa! sabagay… alam naman niyang gaga lang ako at harmless! =) hahaha!
siyempre di mawawala ang signiture pout ko! =)
and then theres us again! medyo madilim nga lang at mga pagoda stage na ko niyan! =) mukha lang akong yaya nung bagong kasal ano? =)
after the reception was done and over with…, i hurried back to my hotel.. packed my stuff, said hello to my mom in las pinas tapos fly ulet pa qc for uplate =)  
Posted by laila at 8:05 am | permalink | comments[1]

nalimot ko si mo!

PAGKALIPAS NG ILANG ARAW…. THURSDAY.. i hosted gary valenciano’s presscon for his concert on november 14 and 15 at the araneta colesium! tarray! dami siyang bisita pati mga kids niya magpe-perform =) he said that the rivalry between him and mr mad man martin nieverra was sooooo ages ago.. wala na daw yun! mga fans nga daw ni martin ngayon eh naonood na ng concert niya and vice versa! one thing that surprised me more was when he said.. you know.. i dont really know how you can do it! you know, like talk and talk spontaneously and not repeating a single word! ang galing! NAGULAT AKO! when he said he watches games uplate live! nun nga daw nag guest si jaymee sa asap sinabi din niya yun sa lola niyo eh! nakakaflatter naman siya! pumalakpak tenga ko nung narinig ko yun at para na rin akong miss universe sa haba ng hair! isang sincere thankyou naman ang sinagot ko sa kanya and i added.. i also dunno how you do it! as in.. sing and dance with all your heart at the same time! me.. i just talk a lot but you?…. you are mr. pure energy! =) nagkwento pa nga siya na madalas.., kapag nag eedit siy ang mga sings niya sa bahay when he gets a bit tired.. he’d open the tv and watch jaymee or me sa uplate! nakakatouch naman yun dahil sa dinami-dami ng ibang cable channels… si GARY V ha? opted to watch games uplate! parang ang sarap ilagay sa resume ko diba? =) sensya na po ha? naishare ko lang.. masarap lang kasi ang feeling eh! =)
     
kaya tinganan niyo.. hanggang langit ngiti ko! =)
some of the gary v memorabillas that was placed in the dolphy theater while the presscon was ongoing! =)
ok let me rephrase that.. its not some.. its a whole lot! =)
one of his bonggang bonggang get ups nung early nineties! =)
paolo valenciano and me! =)  
Posted by laila at 7:43 am | permalink | comments[1]

updated!

    
ang kulet talaga ni daddy vhong! kinuwento sa amin ni meynard na si spencer is in england.. naggursing pala siya and hes staying there na! pero ang nakakatuwa eh hindi pa din niya nalilimot ang pagka dancer niya dahil aside from nursing.. he teaches little kids to dance there!  ang cute noh? =)
me and the boys! i remember noong mga nineties nakikita ko pa tong mga to sa mcdo greenbelt dun sila nag aantayn para magrehearse =) 
  
kamusta naman si tita pilar mateo diyan?? parang inaamoy lang niya si vhong na parang bagong pitas na bulaklak! haha! =) oh eto pa isa!

after the presscon, sa elj building sine set up na nila ang mga christmas trees.. hmmm. iiiiiits.. beggining to look a lot like christmas!
kahit na blurred ang pic na to… nilagay ko pa rin kasi yung guy who happened to pass by was luis manzano!
my day was to exciting! dinalaw ako ng bloomfields at ininterview ko sila! =) see the guy na naka gray na katabi ko? that’s pepe! tuwang tuwa ako sa kanya kasi kahit anong asar gawin ko sa kanya.. tawa lang siya ng tawa! i guess he’s really a happy PEPE! gets? hahaha! 
abangan niyo sa sunday bogtime idol soon ang interview ko sa kanila! =

No Response to "October 2008 to February 2009 Blog"

Post a Comment