Tuesday, March 20, 2012 0 comments

2008 Blog


HAPPY EARTH DAY!

APRIL 23, 2008
hello! just came from dzmm and bantay kalikasan’s event TURN TRASH INTO CASH CAMPAIGN! naghost ako dun with mr. ariel ureta! madami akong natutunan ha? aside from the reduce, re-use at recyle na madalas nating naririnig… kailangan talaga na mahalin natin ang mother earth! ito ang tirahan natin, kung patuloy nating aabusuhin ang kalikasan tulad ng pagtatapon ng basura ng walang pakundangan sa kung saan-saan, ang pag-sisisga ng basura, pagdadynamite fishing at maduming tambucho ng mga sasakyan alam niyo ba na if we continue doing all these things at hindi natin nirere-place ang mga punong pinuputol.. pwera biro.. SAMPUNG TAON NA LANG ANG ITATAGAL NG ATING PLANETA! nakakatakot mga bespren.. pero totoo!  bigla tuloy ako napa-isp… aanhin ko pa ang perang pinaghirapan ko kung wala na rin naman ang mundo? saan na magsho-shopping at magbabakasyon  ang lola ninyo? paano na ang mga anak at apo natin kung ganun na kalala ang pollution sa earth? gosh.. nakakapraning at nakakalowka diba? madalas nating naririrnig at minsan nga sinasabi pa… LET US DO OUR SHARE TO SAVE THE ENVIRONMENT pero ang tanong… DO YOU REALLY MEAN WHAT YOU SAY? DO YOU TAKE ACTION ON WHAT YOU HEAR? O WALA LANG.., FEEL LANG NATING SABIHIN DAHIL MASARAP PAKINGGAN! KAMUSTA NAMAN ANG SERMON KONG YAN?   
maraming mga bagay na pwede tayong gawin…, isa na dito ang paghihiwalay ng mga basura natin into degradable ang non-degradable wastes, kahit nga ang balat ng candy na ilagay mo na lang sa bag mo imbis ba sa kalsada na itapon share mo pa rin yun for a cleaner environment at hello? may maguilty kaya sa inyo dito?… yung mga ticket ng tollgate na pagkatapos magbayad eh tinatapon na lang agad sa bintana o kaya naman ang ticket ng bus na may i throw away sa labas ng bintana pagkatapos ng inspection! (  pwede pang pambalot sa nginuyang bubblegum yan bespren! ) lagay niyo na lang sa mga bag ninyo o bulsa niyo tapos pagdating sa bahay or office saka niyo itapon sa basurahan!  small things that really make a BIG DIFFERENCE! think about it!
do your share to save our environment! ( ang this time around mean it! )
pagkatapos kumanta tayong lahat sabay sabay ng …. ( to  the tune of happy birthday! )
HAPPY EARTH DAY TO YOU!! =)
Posted by laila at 10:53 am | permalink | comments[4]

sunday with pj!

APRIL 21, 2008
just got home… =) at bago ako matulog chikahin ko lang kayo for a while!
i was with piolo yesterday sa moa, daming tao! super tili ang level at naka-payong sila kahit na naka-upo sa mga silya just to see him! kalowka ang crowd at naloka din naman ako sa sm dahil mag-english daw ako. pinagbigyan ko naman sila… baka kasi sabihin i dunno how to speak the language! kaya lang di mo naman maiiwasan na magtagalog kasi masa naman si babe piolo. =) nung tapos na siyang mumini-concert at autograph signing na… may isang lola na wineelchair sa gilid ng stage para daw di na siya pumila. nilapitan ko ang lola para interviewhin at fan na fan talaga pala siya ni pj. it caught his attention and knowing how bait pj is… nilapitan niya ang lola. he sat there for about five mins just talking to the lola at kitang kita mo naman ang ngiti sa mukha ng granny! …. mula east to west! sa sobrang tuwa nga nung lola mega tili din siya at hinahampas hampas pa ang hita ni babe! =) ang cute nila tingnan. nakipag kwentuhan si pj sa lola then he signed more than a hundred albums! sana naman 4x platinum na! =) di ko na nga napicturan ang lolo mo kasi busy talaga kaming lahat! =) soweeeeeee!
kanina naman sa boardwork namin ni ric rider.. ang topic namin eh tungkol sa walang kamatayang rice shortage! kaliwa o kanan namin ano ang mas feel mo? kumain ng madami 2x a day  o in small amounts pero mayat maya ang kain! if you ask me…, id take the second option! =) actually hindi pa man rice shortage, i already started doing my share! di na ko nagkakanin ngayon, twice a week na lang kasi nga diet, diet, diet ang lola ninyo! saturday and sunday ang indulgence day ko pero mon to fri ko tinapay, noodles, oatmeal at cornflakes ang kinakain ko! =) nakakalungkot lang kasi kawawa naman ang iba nating mga kapwa pinoy na mahirap na nga, wala pang makain na kanin. hay…. ayaw ko na lang maglitanya pero ako hindi ako naniniwala na may shortage tayo ng bigas! otherwise.. wala sananag nare-raid na mga bodega na hanggang langit ang mga sako ng bigas! mabagsakan sana ng mga bigas na tinatago nila ang mga hoarder na yan! =) at sana naman pag nahuli sila di lang kulong ang parusa.. sana ipakain sa kanila ang mga bigas na tinatago nila sa tao nang HILAW ha? =) kaloka! =)    
ikaw bespren? do you believe na may rice shortage tayo? nga pala… bukas earth day! let us do our share to love mother earth! baka magalit si CAPTAIN PLANET! =)
gnyt! =)  
Posted by laila at 11:37 pm | permalink | comments[1]

standby!

APRIL 19, 2008
saturday ngayon…
three something na ko nakauwi kaninang madaling araw.. biglaan kasi akong umupo for mareng jaymee sa games uplate kanina kasi di pa tapos ang taping niya para sa…….. secret! =) siya na lang magsasabi sa inyo =) kaya eto sleepy pa ko =) bukas sana you can listen to my program sunday bigtime pinoy dahil nainterview ko si mr. pure energy gary v at si mareng anne curtis! 
and as promised eto na ang mga utang kong pictures sa inyo =)
ang ganda pa rin ni claudine! =) nilinaw din niya ang issue na wala silang friction ni mareng judy anne santos! tao lang daw ang gumagawa ng mga chika na yan! as for diether happy siya at balik tambalan sila ulet ni mareng clau! at wag na nating pag-usapan ang tungkol kina mareng kristine at oyo boy kasi say nga ni diet.. it’s irrelevant! =) 
 
eto naman ang pics ng cover boys!
did you know na ayaw sabihin ni zanjoe na sila na ni mareng mariel pero definitely eh may something nga daw sila! at kung may salita pa na mas hihigit pa sa salitang i love you.. yun ang ibig sabihin ni mariel sa buhay niya! kiliiiiiiiiiiiiiig! =) 

eto naman si jake.. di ko sila maintindihan ni mareng roxanne kung ano na ba talaga sila? parang gusto ko nang kumanta ng.. what do we mean to each other are we friends are we lovers? is it over now?…. pero dineny niya na sa sobrang kalasingan one time na nagpunta siya sa embassy eh hinalikan daw niya ng over bongga ang isa niyang kasama na girl!
 
at ang pinaka matindi.. kamusta naman ang level ni rafael rossel when he said na he almost got parang possesed dahil sa kwintas na props niya sa maligno? par daw kasi na nagiging devilish na din siya kaya nag gym siya swimming etc.etc…
 
and the rest of the guys… wala lang mukha lang ako nilang yaya diba?
 
Posted by laila at 2:16 pm | permalink | comments[1]

maligno! awooh!

APRIL 17, 2008
thursday today..
i went to the maligno presscon last night.. i hate to say this at sorry sa mga fans ni mareng teta, magaling din namang siyang umarte, pero parang mas maganda para sa kin ang maligno ni mareng claudine barretto! ( opinion ko lang yun ha? ) grabe yung rape scene ni clau at ni raphael rosel! at sa sobrang lakas ng impact ng maligno sa kin.. nagka bad dreams pa ko! kaloka diba? bihira sa kin mangyari yun!
kanina naman kasama ko ang cover boys! i went to their presscon dahil may concert sila sa music nuseum! kwentuhan ko kayo and will post pictures soon =) dami kong nalaman sa coverboys.. juicy chika ni zanjoe at ang mga kwento ni jake bukas ulet chika sa inyo yun parang mas maganda kasi kung may pictures eh! =
Posted by laila at 6:47 pm | permalink | comments[3]

Bespren.. GKNB?

hello! kahit may pagka-busy pinilt kong i-update you today! baka kasi mapanis na ang thoughts ko!
nagtaping ako for game knb! kalowka! friday pa lang alam ko nang may taping pero hindi ko alam kung bakit over bonggang kaba talaga nararamadman ko mula sabado hanggang linggo at pati nung taping day mismo! nagdasal pa nga ako sa kamuning church sabi ko.. Lord tanggalin mo naman ang kaba ko! =) nung dumating ako sa set nalaman ko na ang mga makakalaban ko eh mga comedians pala! naloka ko sa game ha? pingatulungan nila ko pero it was a nice game at i gained new friends =) naka abot ako sa jackpot round at kahit isa lang ang nahulaan kong letra eh nai-uwi ko pa rin ang showcase! naku manood kayo dahil nakakaloka ang ginawa ko sa pagbunot ng letrang yun! pati nga sina chairman papable edu nagulat sa kin! =)
                                                           
tuesday steady lang ako.. wala masyadong happening kahapon! overwhelemed at di pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari sa gknb taping =) lutang pa ko!
                                                    
 
today wednesday… medyo busy… umattend ako ng presscon ng kapitan boom! katuwa talaga sina jay-r at maja! ang kukulet! si jon avilla naman ang pogi-pogi! nakakaines! =) alam niyo naawa ako kay jay-r nung iniinterview ko sa siya kanina kasi damang dama ko yung hurt niya lalo na nung ginigisa na siya ng press na may bading benefactor siya! mangiyak ngiyak na nga ang lolo niyo at nararamdaman ko ang pain na nafi-feel niya. wala naman daw talaga siyang bading benefactor at hindi niya kinahihiya ang mga ginawa niya dati noong di pa siya artista! parte yun ng buhay niya kaya hindi niya binubura! 
 
                                                    
ito namang si jon avilla.. haaaaaay! ang yummy! juice ko! ang pogi talaga! after ng interview… sabi ko sa kanya.. hey jon lets pose for a pic! eh di nagpicture picture naman daw kami noh? sabi ko after.. good luck and i can fell that there would be more projects for you! ngiti naman siya sabi bigal ba naman niyang sinabing.. PA-KISS NGA! naku buti na lang di ko siya tinorrid! hahahaha! kiniss niya ko sa cheek! gusto ko nga biruin eh.. uyyy! may crush ka sa kin! ahahahaha! =)     
 
 
                                                           
after kapitan boom i interviewed callalilly for my sunday program! ang babait ng mga boylets na toh! hindi sila mayabang at nakasayad pa rin sa lupa ang feet nila kahit na may pangalan nang maituturing!
                                     
mamaya may maligno presscon pa kong aattendan and then im going to jobert sucaldito’s birthday party! will update you soon! 
 
ingats lagi! mmmmmmmmwwaaaah! ( yan ha? i shared you jon avilla’s smack on my cheek! ) =) 
Posted by laila at 8:32 am | permalink | comments[1]

update =)

APRIL 13, 2008
hello mga bespren kong natixxx! how is how is? hope your sunday is as lazy and relaxed as mine! kwentuhan ko lang kayo ng happenings at pasensya na po kung nagiging weekly habit ko na ata for now ang pag gawa ng journal may pagkabusy ang lola niyo and i dont wanna complain dahil mas madami akong ginagawa, mas masaya ako dahil atleast hindi lang ako nakatunganga sa isang tabi at nagsa-self pity dahil im useless o unproductive! from monday’s concert ng swing out sister, angtuesday ko…. oh anong sayaaaah! ( parang song ni rj jimnenez ah! ) kahit puyat puyat ako go pa rin ako ng maaga sa station dahil may meeting kami tapos went opn board na from 5pm til 9!
wednesday…
go ako sa presscon ni mr. pure energy gary v sa la mesa trinoma! he’s got a new album callled rebirth at anniversary din niya kaya he’s cooking up a concert kung saan kasama naman niya ang mga boys niya na si gab and paolo! tarrraay diba? kwento pa nga niya.. there are a lot of times na he holds back his tears kapag nakikita niyang nagpeperfom ang mga bagets niya… proud na proud daddy talaga si mr. pure energy! will post some pics soon!
thursday…
presscon naman ng dzmm teleradyo pero bago ako gumo dun nagpa-kaskas muna ako mga bespren ng kili-kili ko kay doc vicky belo! oo inaamin ko… mas pinapa-puti ko pa ang kili-kili ko! gusto ko talaga yung nakakasilaw para pag pumara ako ng taxi at naka-sleeveless ako.. ang tarrray ng eliks ko!
at the teleradyo presscon, nalaman ko na ikakasal na pala si mareng ate b, mareng nina corpuz, si ateng sheryl cosim at magrerenew ng vows si sir ted failon! =) pero ang sobrang mahal ng press that day ay si mam korina sanchez! grabe sobrang daming questions sa kanya regarding senator mar, ang lovelife niya, at kung anu-ano pa! at dahil chance ko na rin yun.. nagpa picture na ko sa matagal ko nang hinahangaan! =) alam niyo ba kapag nakikita ko sa dzmm si mam korina nahihiya ako lumapit! feeling ko minsan i am not worthy.. that i am just a mere stone at isa siyang boulder! =) pero that day i conquered my fear and realized that a boulder like miss korina sanchez, can also relate naman pala to a tiny stone lilke me. =)    

  
thursday pa rin…. after the dzmm teleradyo…, biglang  nagsalita nang malakas si bespren china heart! si anne curtis, si anne! ang ganda ng likod… woooow! ( super crush niya yun! ) so i went outside the booth at chinika ko siya! nalaman ko tuloy na may upcomming na soap ang lola niyo pero… HINDI SI SAM ANG KAPAREHAS NIYA! but don’t be sad.. may isa pa siyang project with daddy sam milby! kaya abangan niyo rin yan soon! at nood na din kayo ng when love begins niya with daddy aga mulach naman! 



friday…
i went to circulan’s presscon sa annabelles resto sa tomas morato! =) galing naman ni tita annabelle rama! siya ang isa sa mga endorsers ng circulan! si senator chiz naman at wifey christine ang dalawa pa niyang kasama sa pag eendorse ng brand! ang cute ng commercial niya sa tv abangan niyo yun! =) madami rin siyang sinagot na questions at botong boto siya kay kc ang ganda-ganda daw kasi at sana nga si richard na at si mareng kc! kwento din siya about her film na monster mom with mareng ruffa! nood kayo nun pag palabas na sa sine! tatawa kayo ng tatawa! 
nakasama ko din sa same presscon ang ever respected na si mr. ricky lo! idol ko to sa pagsususlat! =)

after my presscon sa tomas morato..namilipt naman kami ng mga dila ng mga bespren namin sa kalsada…. we have a new segment sa soundrip! abangan niyo yan!  at pagkatapos naman ng programa ko sa radyo.. nagpahinga lang ako ng konti at nag games uplate live naman! bumo-bora pa kasi ang level ng mareng jaymee ko kaya ako muna ang pumalit!
saturday!….
after games uplate umuwi ako sa min sa las pinas.. eh nagutom ako!.. masarap pala yung angels footlong cheesedog noh? mura pa!
dahil day off ng bakla…, tulog ako buong sabado… sarap na sarap sa kutchon yung likod ko! =) di ko na nga nanotice na mainit na pala! sabado around ten fly na ko pabalik ng qc kasi games uplate ulet ako! nanghihinayang talaga ko sa 40,000 na premyo kaninang madaling araw hind nakuha nung caller namin! isang letra nalang sumablay pa… shuxxx! sayang! talaga! =) tuesday ng madaling araw si mareng jaymee na ulet!

at eto naman ako ngayon patype-type lang habang nanonood ng pda dream minute sa web! bukas bagong araw na naman!… may taping ako sa Pilipinas game ka na ba? bukas ng 9am wish me luck ha? =)

at dyan na po nagtatapos ang update! bow!! =)  
Posted by laila at 3:30 pm | permalink | comments[1]

break out!

APRIL 9, 2008
hello mga bespren natixxx! last week was really a hectic sched! tuesday i went to the opening of mareng tintin bersola-babao’s grand summer fiesta bazaaar sa rockwell, makati. nakilala ko dun ang may ari ng marcella at naka-rubbing elbows ko din si daddy geary barias of the PNP! bongga diba? nung hapon ding yun bumisita si daddy gabby concepcion sa booth ng dzmm and i really needed to interview him! grabe dinumog siya ng girls of all ages pero siyempre di ako papatalo at ako lang ang pumose ng signature pose ko with him! ang nguso look! hahaha!   akala ko hindi ako makaka-lapit sa kanya dahil sa sobra ng daming girls na nagkakandarapa sa lolo mo kaya nakuntento na lang ako sa malayuang sulyap pero wagi pa rin ako!… patience is a virtue talaga at nakausap ko rin si tita rose flaminano ang kanyang manager for my very needed interview with daddy gabby! board naman ako with bespren ric rider ng 5pm til 9 at nung gabi ng tuesday na yan i had to fill in for mareng jaymee joaquin sa games uplate live dahil biglaan siyang naisugod sa ospital! kaya yung mahabang araw ko umextend pa sa kinabukasan! ( wednesday )
                                

                                       
nakatulog ako ng alas tres ng madaling araw, nagising ako ng alas syete for my report with sir ted failon, after that direcho ligo na ang lola niyo dahil may final taping naman kami ng pda dream minute ng 9 am kaya dapat mga 8 or 8:30 andun na ko sa dressing room for make up! maghapon kami nagtaping at pagtapos nun boardwork pa ko sa alalalalalam mo na yan! nalate pa nga ako ng thirty minutes sa boardwork ko buti na lang hindi nabadtrip si bespren ric sa kin! sa may newsroom while getting my hourly news… nakita ko ang lolo ted niyo at since nakamuk-ap naman ako eh nagpapicture na ko sa kanya! o diba? ang laking gwapong lalaki ng lolo niyo?! hay soooh antok at pagod ako pero kailangan ko ulet mag uplate dahil di pa magaling masyado ang kumareng jaymee ko… todo na to mga bespren karirin ang energy level kahit pagod kinaya talaga siya ng powers ko! clap, clap, clap!  =)
                                 
nakapag-pahinga ako ng konti ng thursday pero dahil puyat nga ang luluey niyo di tuloy ako nakapag gym! =) pumasok na si jaymee sa games uplate kaya balik normal na ang tulog ko.. yun ang akala ko! comming from last weeks sched na madaling araw shift ako at nag uplate pa ng two days… my eyes found it really hard na mag adjust. =) haha! owl na ako!!

                                     
sa dressing room ng abs-cbn taken ito nung sunday! =) di bale nang blurred ako.. ang importante ang mareng corrine ko! =)
friday at saturday was ok at pinaghandaan ko naman ang linggo dahil may invasion Philippines vs the world coverage kami! lalao na ako dahil sa kin talaga mag fa-fall under ang bakbakan! i did a blow by blow update na nakakaloka! pero kung nanood kayo sa tv ang tarrrrray ng mga boxers natin diba? isama mo pa ang big time idol kong si mareng maja at bigtime pinoy kong si daddy gabby! jampacked na jampacked ang linggo ko. then si corinne drewery of swing out sister visited asap 08 at being a huge bonggang bonggang fan aside ng swing out sister… naisip kong i needed to interview her for sir ted’s showbiz on monday! so i asked mommy ellen of universal records kung pwede mainterview at pumayag naman sila pero tyagaan ha? sabi ko naman sa inyo patience is really a virtue!  nung una ayaw na nila sa kin magpa interview kasi nga nalate ako ng ilang minutes pero i waited till she was done sa asap at pumayag naman na magpainterview after! after my interview with her .. naikwento ko na napatira ako sa u.k for a while then i started to make kwento tapos i dunno.. siguro natuwa siya kasi bigala niyang sinabi sa kin in her brirtish accent.. " you know i like you, are you going to watch the concert tomorrow night? is it alright if i put you on my guest list so that you can watch? "haaaaaaaaaaaaaaah! para kong nanalo sa lotto ng 200 milion pesos! palakpak tenga at gusto ko magcartwheel nung narinig ko yun tapos naging speechless ako i replied… " that will be so awesome and wicked!" yes i will be there to watch your concert!" di ko naman masabi sa kanya ng harapan naYAHOOOO! YEHHHHEEEEEEY! WOOOOOOOOHHHHHHHHOOOOOH! at gusto ko rin nga sabihin sa kanya na.. yes id like to watch ng bonggang bongga! its an honor to be personally invited by you! as in FIRST HONOR, NORA HONOR, LALA HONOR AT TERRI HONOR! GOOOOOOOSHHHHH! naloka talaga kaya ako sa kanya! at ayun nanood nga kao ng concert niya nung monday! sa kotse pa lang nagpapapractice na ko ng mga swing out hits! at infairness sa lola mo ha? all access ang I.D. ko! kaya naman before the concert began.. naibigay ko pa ang aking token of thanks ko sa kanya! pina-baunan ko siya ng dried mangoes dahil she said na paborito niya ang manga! =) she gave me a big hug and a kiss tapos nun i left the dressing room na to give her time to prepare! alam niyo… that was one hell of an amazing experience at ang bait bait niya talaga! haaaaay floating pa rin ako till now! the concert also gave me the chance to reunite with friends that i seldom see! si faith cuneta andun .. siya ang nagfront act at nag update kami with each other! nung nasa love pa kasi ako kachika ko siya eh! =) at ngayon back to reality na naman ako! at sana bespren… you can watch games uplate live on sat and sun madaling araw dahil ako ang uupo for mareng jaymee. mag bo-bora ang lola mo! =)        
                                                     
 eto naman sa araneta nung pagkatapos ng concert! =)  eto yung sinasabi niyang her own version of the barong! kasi she asked her fashion designer na gawan siya ng barong as in… pinilt niya!
Posted by laila at 12:00 am | permalink | comments[1]

on a coma!

MARCH 30, 2008
kamusta naman? grabe, kahapon after my madaling araw boardwork pag uwi ko sa las pinas mga 8am na ko nakatulog! nagising ako ng alas syete ng gabi! super comatose ang lola ninyo! kahapon lang kasi ako nakatulog ng mahaaaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbaaaaaaaaaa! kasi nung mga nakakaraang araw kahit na pang madaling araw ako i havent had enough sleep din! siguro number one dahil di naman sanay ang katawan ko na maging call center agent! number two kailangan kong mag report ng lalalalala-live kay sir ted failon ng 7:20am, at pangatlo uma-attend pa din ako ng mga presscon sa tanghali at hapon! =) kaya kahapon… nagbonding kami ng kutchon ko! kala ko nga di na ko aantukin ulet eh. pero wag ka.. maloka ka dahil alas onse pa lang ng gabi tulog na ko ulet at ang gising ko alas syete na ulet ng umaga kanina! grabe… sobrang comatose ako talaga kahapon di niyo ko mapapakinabangan! pag gisng ko nga 21 messages recieved na ko! at ngayon ko lang silang lahat nireply! =) hahahahaha! o ngayon gising na ko! kulitan na tyo ulet at special ang sunday bigtime pinoy ko ngayon dahil si apol de ap of black eyed peas nainterview ko at si jay-r siaboc! kaya sana nakiki-alalalalalalalam mo na yan kayo! =)     
Posted by laila at 9:44 am | permalink | comments[1]

a rather looooooong day!

MARCH 26, 2008
good morning! gising ka pa ba sa oras na to? mag a-alas four am na and i am on board while doing this entry! wala si jack kaya isang buong linggo akong pang madaling araw! kamusta naman ang mga powers niyo? ako i had a loooooong day kahapon! after my boardwork yesterday madaling araw, parang installment ang tulog ko! nagising ako ulet ng alas syete dahil live ang showbiz report ko kay sir ted failon sa dzmm! tulog ako ulet after ng report ko, gumising ako ng quarter to one at pagka shower ko nga.. i recieved a text message form nanay cristy fermin. nanlambot ako at nasad sa balita na nagka-miscarriage si kris aquino. kahit na labag sa kalooban ko na ako ang magbibigay ng sad news on air, wala naman akong choice kasi yun ang trabaho ko. tumawag ako sa dzmm at ibinalita ko ang nangyari.
pagkatapos nun go na ko sa abs dahil may scheduled interview ako kay mr allan pineda aka apol de ap! hantarrrrrrray ng powers ko davah? =) nagkulitan kami at natuwa naman siya sa kin… para lang daw akong "pterodactyl" so sabi ko sa kanya! i’ll take that as a compliment! =) mga past two na kami natapos, nung bumibili ako ng lunch ko i bumped into a friend of mine at nasabi nga niya sa kin na may pictorial sina jon avila sa studio ten so dinedma ko muna si lunch at takbo na ko dun para mainterview ko naman siya! di pa ko nakaka-pasok ng booth i saw naman direk toto natividad at nagkachikahan kami! may bago siyang project with abs! tarrray! nakita ko din si funnyman erik! taping daw sila ng wowowee for two weeks ata! teka…balik tayo sa poging pogi na celebrity housemate ni kuya na si jon! omaygad!.. ang gwapo niya huh? mahal ko na ata siya! hahaha!
may teleserye na ang lolo niyo! at bida na rin si jay-r siaboc! kapitan boom by mars ravelo ang project nila at si maja naman ang leading lady ng dalawa! si jay r is the human counterpart ni jon avila na superhero… kapitan boom! pero ito ang super hero na sablay kaya im sure mag eenjoy kayo sa panonood nito! funny! natapos kami ng interview mga five thirty na! kumain lng ako ng quick lunch tapos go ako at ang ep ko na si mike sa 13th floor ng elj bldg dito din sa abs kasi sisislipin namin ang pictorial ni mareng carmen soon! shes a malaysian actress at mape pair siya kay echo sa isang bonggang teleserye! ngayon sila magpipirmahan ng kontrata! two months taping dito at two months taping sa malaysia! bongga diba? yun nga lang di kasama si heart sa teleserye na to. medyo sad rin!
 i wen t to shangrila dahil may ka dinner ako then eto… boradwork na naman! kulang pa ko sa tulog pero kerri pa naman ng powers ko ang mangulet! enjoy the pics! =)

 
medyo malabo! ….halata bang puyat ang lola niyo? =) mas like daw ni apol de ap ang mga asian women over kana! in his words.. i like bebots better! =) sabi nga nila nung nagpose ako ng ganito… naku baka mamaya sabihin na youre the girlfriend! uyyy chismis yan ah! =)

 
tinganan mo naman tong si maja!  kaloka talaga diba? kahit na nagpapa-panget siya maganda pa rin! life is sooo unfair talaga! =) hahaha! kikay na kikay talaga tong bata na toh! pero alam niyo ba na despite her level in showbiz ang paa ng lola niyo still nakasayad sa lupa! bait talaga si maja! =) si jay r din! pogi na mabait pa! =)
 
aminin!! ang cute namin ni papa jon dito diba? grabe ang amo ng mukha niya. parang little boy santito! bagay sa kanay ang costume niya diba? papasa siyang si superman! =) pogiiiiiiiiiih! =) pati nga yung ibang guys sa loob ng studio sinasabi na ang pogi niya!  haaaaaay!! he even kissed me kaya naman lalo akong kinilig! ganda ng mukha ko ngayon noh? belo yan! kahit puyat-puyat blooming pa rin! buti na lang mahal ako ni doc vicky!
 
i was a bit curious on how it feels like to fit in a superhero’s get-up! kaya eto sinuot ko ang isa pang costume ni jon na hindi pa niya nasu-suot! hahaha! d ata bagay kasi ang LAKI ng brief ko!
Posted by laila at 3:37 am | permalink | comments[205]

HAPPY EASTER

MARCH 23, 2008
HAPPY EASTER! naging meaningful ba ang holy week niyo? sana naman kahit papano nagreflect kayo sa passion and death of jesus christ.
today is easter sunday at eto ang muling pagkabuhay ni jesus! importante na magsimba tayo today not because today is a day of obligation kundi ito ang re-enactment kung ano ang nangyari sa kanya more than 2000 years ago! mag-saya tayo mga bespren dahil pagkatapos niyang mamatay para sa ating mga kasalanan ay nabuhay siyang muli.
alam niyo ba noong bata pa ako.. takot na takot ako pagka good friday kasi alam ko na patay si jesus! over bonggang praning ako kasi baka mamaya kung ano ang mangyari. baka lumabas ang mga demons at mga devils tapos kukunin nila lahat ng masasamang tao. tapos maghahari ang kasamaan over good! at a very young age naiisip ko na yun nang walang nagsusulsol sa kin ha? imagine niyo kung gaano ko ini-istress ang sarili ko? grabe dasal ako ng dasal na sana naman wag mangyari yung mga ganung klaseng scenario noong bata pa ako. kaya naman pag easter sunday na tuwang tuwa ako kasi alam kong nabuhay na ulet si jesus!
hanggang ngayon natatakot pa din ako tuwing good friday pero kahit papano di na ko ganun kapraning! dahil may assurance ako na on sunday eh mabubuhay muli si jesus christ at looking forward ako. natutuwa ako sa mga bata na nagsisismba at sa mga mura nilang edad eh uhaw na uhaw sila for gods words… sana lahat ng kids ganun. may mga iba kasi na walang paki, wa care magsimba puros laro, cellphone, computer, at videogames ang alam at nako-cornihan magsimba… grabe.. diba? ako nga hanggang ngayon sa tanda kong to hinahabol ko pa ang pari sa simbahan para lang magbless!
mas nakakalungkot ang ibang umedad na eh ganun pa rin. ( bato-bato sa langit… ang tamaan…, tatamaan talaga sapul pa! ) once i told someone that we should always put jesus in the center of our lives. siya muna bago everything else. magpasalamat tayo sa lahat ng biyaya. pag nagdasal tayo sa kanya gawin nating personal, kausapin natin siya na parang kaibigan para mas intimate ang relationship niyo. pag may matinding nangyari sa buhay natin.. siya lang ang makakapitan natin ng bonggang bongga!
this is me… despite my kulit antics on air and on tv…
despite my cheerfulness and energy.. this is me.. 
religious at mahal ang diyos…
take it or leave it maniwala man kayo o hindi!
walang plastikan eto talaga ako! 
minsan lang to mga bespren kaya pag pasensyahan niyo na ko! =) 
HAPPY EASTER AND MAY YOU FIND WHO JESUS REALLY IS IN YOUR LIFE! =)
GOD BLESS! =)      
Posted by laila at 10:54 am | permalink | comments[2]

HOLY TUESDAY WITH DOC VICKY!

halu! musta naman kayo? nagpunta ako kay doc vicky kanina! nagpajet peel ako ng kili-kili ko para pag tinaas ko ang eliks ko.. masisilaw kayong lahat! hahaha! =) parang l.e.d sa puti! ahahaha! nagpatanggal din ako ng syringoma ko! ewan ko kung tama ang spelling .. hehe! eto yung parang nasa balat ninyong mga white heads na hindi matanggal tanggal kahit na tirisin niyo. pina-laser ko siya! hay mahal na mahal talaga ko ni doc vicky belo at ng kanyang daughter na si mareng crystal! at thankyou na rin kay dra. red dahil siya ang nag laser ng mga chuva ko sa mukha.  
habang nagpipicturan at kulitan nga kami ni mareng valerie at ni mura eh namamaga pa ang mukha ko at sunog sunog ang ibang prtions ng skin ko.. para kong may bulutong at pwede mo i-connect the dots at kala mo may blush on ang mukha ng lola niyo pero ang totoo dahil sa laser yan! nung nagpipicture taking kami nito.. manhid pa mukha ko dahil sa anesthesia kahit sampalin, kurutin at jombagin niyo ko sa face wala akong nararamdaman! haha! pero ilang araw lang naman yun kaya kinarir ko na besides ala naman akong balak na mag out of town at sa bahay lang ako this holy week magninilay-nilay!
sana maging makabuluhan ang holy week ninyo mga bespren!

 

     
  
eto naman iba pa naming pics ni rj sa mga mall shows namin sa sm sta rosa at sm bacoor! galing yan sa website ni rj.. hiniram ko with consent of tuesday revos di ko alam kung ano nasabi ko kay rj jan sa baba at parang tuwang tuwa siya. =)  
 
  
Posted by laila at 10:17 am | permalink | comments[1]

defending gretchen barretto

MARCH 16, 2008
ey! katatapos ko lang gumawa ng showbiz ko. after typing my report naisip kong silipin ang ktext ko. nashock ako…. this person really must hate gretchen barretto! kasama ko kasi siya noong saturday sa sm sta rosa and i shared sa ktext ko na hindi naman pala siya diva-divahan. she’s nice naman pala. may nag-comment na may nakarinig daw sa kin na bumabark habang may i autograph si gretchen sa stage… at nagmamaka-awa ako na bilhin ang cd niya at kung five hundred ang pera nila eh di dalwa na ang bilhin. kasi nga daw eh flop si greta at kung anu-ano pang paninira ang sinasabi sa text. in deffense to miss gretchen barretto kahit na may image siyang diva-divahan sa showbiz.. i found her nice naman pati sa mga fans niya. pati mga naka-wheelchair kinakausap niya. i replied my ktexter.. inaadmit ko na i was asking the people to buy two or even four albums… sa marketing that is what we call suggestive selling. its just like when you go to mcdo tapos all you ordered was mc chicken pero pansinin niyo… susundutin kayo ni kahera ng "would you like some sundae to go with that sir o some fries mam?" ganun lang yun! sa kin naman kahit sino ang kasama kong artist kahit saan ako magpunta ginagawa ko yun kasi ako ang host di ka naman dapat lelembot lembot na just because tapos na trabaho mo sa stage sitting pretty ka na.. after the show bonggang bark ka pa rin to invite peolpe to buy the album. siyempre ayaw ko din naman na walang benta si artist kasi in my part i also feel like a failure. di ko naman sila pinipilit o hinaharass na bumili, parte lang ng tarabaho ko ang mang-enganyo na bumili ang mga tao pero di naman sapilitan! at infairness kay greta that day we sold 68 copies at hindi niya hila yun! taliwas sa sinasabi ni texter na di bumenta ang album kaya ako nagmamaka-awang bumili. nung dumating kami ng sta rosa.. may 30 na agad na benta. i even replied her by saying give her a break…, the woman is trying to change. di ko man siya kilala ng bonggang bongga makikita mo naman sa mga mata ng isang tao kung gusto na niyang magbago at umeeffort naman siya. that day i didint see any ( pardon the word ) bitchiness in her.. in the mood pa nga kumanta ang lola mo eh! and i even saw her making a sign of the cross sa backstage bago kami nagsimula! in this event i would like to borrow melanie marquez’ qoute … do not judge janina…. ( san miguel.. bb pilipinas world 08 ) she is not a book!
funny man mga bespren, pero ang point ko lang is paano mo makikilala ang isang tao kung may bias ka na agad? kung sa itsura pa lang o sa mga hearsay pa lang laglag na siya sa yo? diba pag ume-ebs naman tayong lahat naka-upo? ( pag nakatayo ka na ume-ebs.. gosh.. talented ka! ) do not pass judgement on others.. tandaan niyo…. YOU GET WHAT YOU GIVE…. something to reflect on this holy week! and may all of us have a blessed one too!     
Posted by laila at 7:32 pm | permalink | comments[5]

sowi!

hello y’all! sorry for the supeeeeeeeer tgaaaaaaal na di pag u-update! was very busy the last few weeks! dami nang nangyari sa buhay ko lately. from sypmosiums, prescons, uplate pinchitting at ang inaalagaan kong amazing tres sa radyo plus mall shows with rj jimnenez and gretchen barretto at pagte-taping =) di pa ako artista.. parang lang! hahaha! secret pa.. hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo kung ano yung taping na yun kasi sa MAY pa siya ipapalabas! grabe narealize ko na hindi pala biro ang ginagawa ng mga artista pag nagte taping. mukhang madali lang pero di pala. i have more respect now sa mga celebrity friends ko. =) as for me… nag enjoy ako!  yan ang dahilan kung bakit di ako nakakapag update. kaya sana you forgive me.. and i know you will dahil palm sunday na ngayon! =)        
               
 with mareng kim noong presscon two fridays ago! super happy siya noong sinurprise namin siya na siya ang lead role sa pinoy version ng my girl! si gerald anderson ang kalove team niya siyempre!
 
me and mareng melissa. nakasalubong ko siya sa corridor sabay bati sa kanya ng belated happy birhday. kagagaling lang niya ng hongkong niyan at super refreshed nga siya. she went to hongkong with kim and gerald. dapata nga kasama si mareng kitkat and jodie kaya lang something came up kaya hindi na sila nagkasama. =)
 
eto ang pics noong nagpunta ako sa uplb. kamusta naman ang mga uplb babes? =) nagsalita ako sa symposium ng devcom dept nila =) sana madaming napulot ang mga estudyante sa kin.. mapa-aral at kalokohan. =) nag enjoy ako. till nest tym mga isko at isak =) 
   
kamusta naman ang pose ko dyan sorry mga isko at iska ha? natuwa lang talaga ako sa oblation =)  
Posted by laila at 11:50 am | permalink | comments[3]

UPLB Sympo

FEBRUARY 26, 2008
Totoo lang, nainspire talga ako sau.  Ur 1 of d nicest person i’ve met in my life. Walang halong kaplastikan,ah! Thank you 4 inspiring me talga..hinding hindi po kita makakalimutan..thank you!!!: )
—-CHEL: )
Posted by laila at 5:12 pm | permalink | comments[1]

FROM MY KTEXT ( kaya barok barok ang spelling )

FEBRUARY 17, 2008
share ko lang sa inyo ang nilgay kong entry today sa ktext ko. dahil inspired na inspired ako sa nangyaring team building namin =)
a blessed sunday s u bspren! ilang arw dn akong silent mode. nagrreflect ksi ako d lng sa buhay k kndi pti n rin ang tingn ng ibang tao at mga ktrabaho k sa kin. =) pti sila actually ngreflect. ngteambldg kmi. kailngn nmin yun e pra sigurdo n buong buo pa ang team nmn. mrming rvalations n ngunfold pra s kn at hgit s lhat nlmn k na ndi lng kmi bsta isang team kndi sang buong pamilya! share k s u ang FAMILY PICTURE ng alalalm mo na yan 101.9 for life! mnsan lng to mngyari na buong buo kmi at complete attendance! eto ang mga tao na nrrnig at d nyo nrrnig pero kung wala sila ndi kumpleto ang pamilya at ndi mbbuo ang team na narirnig nyo at tnatawag n bespren s radyo! I am so proud to b a part of this team and I am thankful na nging kapamilya ako dhl dito k tlga ntgpuan ang tunay n meaning ng Family outside of my own! Sna ikw dn bsprn msaya s mga taong ksama mo s trabaho o kya nmn sa skul! =) 
andami namin ano? =) si ric rider yung naka red na katabi ko. =) sa likod niya si mareng toni, china heart, billie, jim robin, sir mars, mam meam, sir peter ( the voice behind abs-cbn ) rnold-rei, sir ray, raymond, maricor, jacque, miss may, rey, sir eli, and adam =)



do ko na nga pala kayo nabati ng happy valentines day! belated! =)
 
eto ang ginawa nila sa akin noong inultra sound nila ako. =) they found three stones on my kidneys. kailangan mag buko juice! =)  
   
Posted by laila at 12:08 pm | permalink | comments[2]

test… mike test

FEBRUARY 11, 2008
halu! hope ok kayo while checking on my blog! bukas wala ako sa radyo sa am lang upon request na rin ni sir ted failon. pero pagtapos nun i will be undergoing a series of tests. i have been experienceing high blood pressures lately and i dont know why! yesterday sunday… hilong hilo ang lola niyo sa sobrang hilo ko pa nga, i threw up twice at nanghina ng bonggang bongga! tumaas sa 140 over one hundred ang bp ko! bago yun sa kin dahil normal naman lagi ang blood pressure ko! palaisipan talaga kung ano nangyayari sa katwan ko! yun ang aalamain ng mga test ko bukas. please pray for me na sana hindi naman grabe. =) tnx! will tell you the results soon!
hmmm baka naman magiging lobo lang rin ako gaya ni angel locsin. =) hehehe!  
Posted by laila at 8:51 pm | permalink | comments[1]

waah-hyah!

FEBRUARY 10, 2008
kamusta naman ang weekend ninyo? i went to the 12th hot air ballon fiesta yesterday at nakasama ko sina chocoleit, mareng ara mina at ang bonggang bonggang kung-fu kids! =) here are just two of the pics. will update soon. may topak po ang pc =)
 
ang cute tlaga ni chubby! tingnan niyo ang hairdo niya.. walis hairdo daw yan sabi niya! at si lembot siyempre cute din! malayo na talaga ang narating ni jairus! = ) at ako din malayo na ang narating.. imagine sa pampangga ako nakarating! hehehe!  
  
 
si moira na bonggang bongga! crush ng bayan ang lola mo! =) waaahya! =) 
si paul salas ang cute dn ng batang toh manag mana pa sa tatay magsayaw! =)
  
me and chocoleit! sana daw manood kayo lagi ng prinsesa ng banyera at volta!
 
i was accompanied by syril, kat and kiko mga hosts sila for tv ng abs-cbn ch 46 pampangga! =)
sensya na nga pala sa quality ng pics.. may pagka madlilim kasi eh =)
Posted by laila at 12:21 pm | permalink | comments[1]

hota hottaaah!

FEBRUARY 8, 2008
halu! been very busy and a bit sick! =) wanna know why? eto…
enjoy the pics = ) see you na rin sa hot air ballon foesta bukas kasama ko mga cast ng kung fu kids, maging sino ka man book two at prinsesa ng banyera =) 4pm po yan sa calrk open field pampangga!  
dumalaw si mareng mau marcelo sa station. syempre pose tayo dyan =)  siya ay isang diva ako naman ay isang oh.. diva! =)
was at tito boys bonggang bonggang album launch! miss na daw niya ko at looking forward na naman siya for this year’s century tuna culinary meet! ako din! =) bili kayo ng album niya ha? love life! maganda! promise! =) 
nagmamadali ako nung thursday kasi bago ko mag board i had to do my routinary voice over for the filipino channel’s kapamilya channel! ngarag na ngraga ako biglang dumating si babe pj sa loob ng recording room where i was also doing my v.o. sabi niya.. relax…. baka kung mapano ka! hambait talaga nitong taong to! kaya sabi ko.. ok stop a while at picture tayo for my ktext! =) haha! ayun.. muntik na kong malate sa radio! hahaha! pero alam niyo lahat ng pagod at stress ko… tinanggal talaga lahat ni babe pj. naku ang sarap dambahin talaga nito! hahaha! kung di lang kami friends!.. actually sanay na sana y na nga siya sa panghaharass ko sa kanya… harmless naman ako noh! hanggang porma lang! naku.. binabasa na naman ni babe piolo tong blog ko im sure! =) hi babe! =) hahaha!
  
eto naman ang picture namin ni dr. jesse caguioa, hes the youngest elected president of the philippine college of optometrist, kasama ko din ang executive producer ng show ko tuwing sundays si mike na dati ring jock namin.. siya si jim robin dati at syempre was also with kian kazemi na bongga ang level =)   

ngayon magtataka pa ba kayo kung abkit na highblood ako sa sobrang pagod stress at puyat? =)
Posted by laila at 9:50 pm | permalink | comments[3]

count your blessings! =)

FEBRUARY 3, 2008
hellower natixxx! sorry for the super late update! =) my mom got sick at sinugod namin siya sa ospital noong wednesday night. ok na siya ngayon… salamat po sa mga panalangin ninyo! God bless you po! =)
aside from taking care of my mom…  noong day off ko kahapon… i went to alabang market sa bong n oma fruitstand na laging nakikinig sa amin! always malaks ang radyo! bumisita ko dun at kahit na nga di pa ko naliligo eh picture taking galore kami =) nahiya din naman ako kasi parang naistorbo ko ang kanilang pagta-trabaho. binigyan pa nga nila ako ng mangga at oranges na ang tamis-tamis. siyempre sabi ko sa kanila ang bigay nila sa kin ishe-share ko naman sa partner ko sa radyo na si ric rider! =) di naman sa makapal ang mukha noh.. actually kahit na harbatera ako sa radyo… naririnig niyo ko na nanghihingi ng kung anu-ano kung kani-kanino.. yun eh joke lang..sa totoong buhay hindi ako palahinging tao. pag may gusto ako tapos di ko kayang bilihin… tutulo na lang at tutulo ang laway ko hanggang sa finally i give up on that thing na gusto ko o kaya naman eh mapag-iipunan ko talaga siya ng bonggang bongga at bibilihin ko! =) ang ugali ko kasi if i see something na gusto ko.. di ko muna siya bibilihin… i sleep on it at pagka-gising ko the next morning gusto ko pa siya.. i sleep on it again.. pagka isang linggo na and my system still says na gusto ko yung bagay na yun.. pag-iipunan ko siya. pag di talaga kaya ng budget eh di manigas na lang. =) when you hear me asking for things on air.. lambing ko lang yun sa mga listeners namin…. hindi naman po yun required =) kung may nagpapadala talaga.. pinasasalamatan ko naman ng bonggang bongga! minsan nga kahit hindi ako nanghihingi may biyaya pa din tulad na lang ni tita edna of lailyns catering mahal na mahal ako nun madalas may ulam akong uwi for the family dahil sa kanya =) sa mga damit ko naman di na ko namomroblema dahil sagot na ko ng bny. masuwerte rin ako dahil napapaligiran ako ng mga taong mahal na mahal ako! yung pag g-gym ko sa bodyworks libre din yun not because hinarbat ko sila but because sila na rin ang nag-offer. pati na rin si doc vicky belo love na love ako… in fairness alam niyo.. countless ang mga biyaya na natatanggap ko.. =) and i am happy! 
alam ko na magkakaiba tayo ng mga biyaya na natatanggap maaring mas bongga yung akin kesa sa inyo but the bottom line is always say thankyou sa lahat ng natatanggap ninyo! =) at dont forget to thank the Lord for the people who have been a blessing to you! God sent these people to become blessings for others like you and me kaya naman also pray to God na sana i-bless pa niya lalo ang mga taong ito para naman hindi lang sila maging blessing sa inyo kundi sa madami pang iba also… pray na sana kayo din ay i-bless niya para maging blessing ka rin sa iba. you dont have to have lots of money to be a blessing to others.. minsan the most simple things that you do to a person is considered a blessing na. oh ano? kinaya niyo ba ang sermon ko? parang hindi na naman ako noh? kaya stop na tayo diyan alam ko naman na you get na the point =) here are some pics from yesterday! meet my family na rin and some pics with doc vicky’s daughter na si mareng crystalle and staff of belo essentials =)      
 
ayan ang picture namin sa bonggang bonggang palengke ng alabang kahapon is alang yan sa marami =) parang nakakatakam yung pakwan sa tabi namin noh? =)
  
meet my family!  from right to left… my mom, jude, niqui, me, the family dog connie and my kuya na kumuha ng picture na to! hehehe  =)
 
 
ang compressed picture namin ni crystalle, me and kuya edgar! this was taken during the ol 4 love presscon sa metro bar noong january 11 =) i hosted the presscon at dumalaw naman sina crystalle at namigay ng bonggang bonggang belo essentials!  she looks like doc vicky diba? ang mantika ko na pala dyan sa pic na yan! =)
 
kamusta naman ang pose ko dyan? yan ang spoofed version ng only belo touches my skin =) pero kinabog ako ni elise sa kanyang mala cleopatra pose! =) yakkk! handumi pala ng shoes ko! malinis nga mamaya pag dating ng bahay!
Posted by laila at 11:19 am | permalink | View this entry

LOLA NA KO!

JANUARY 30, 2008
HEY, HEY! Busy Busyhan ang lola niyo lately! Lola na kasi ako eh! As in..Yung stray cat ko nanganak kaya Lola na ko! Hahaha! O Baka may gusto sa inyo maging ninang at ninong dyan! =)  KAKALOKA… Buti pa ang ibang hayop noh? No need to go to the hospital para manganak. Tong pusa kong sampid sa kahon lang ng bonggang bonggang oven na binigay ko sa Mommy ko noong nakaraang Pasko nanaganak solve na eh! =) She has three cute kittens and I paln to name of them MACHO, yung isa baka PAO for SIOPAO at yung isa I’m sitll thingking. Any suggestion? =) Oh ayan ang picture ng mga ngiyaw ngiyaw at pics namin mo Ronnie, Mickey and Saicy noong nagshow kami sa Glorieta nung Sunday =)
ETO ANG PUSA KONG SI COW! ANG WIERD NG NAME NOH? HAHA! PARA ISIPIN NIYA NA BAKA SIYA AT DI PUSA! BAKA SAKALING "MOO" LUMABAS SA BIBIG NIYA IMBIS NAMEOW! HAHAHA! PASENSYA NA KAYO MAHILIG LANG TALAGA KO SA PUSA KAHIT PA HIKAIN AKO LALALALALALALA LOVE KO TALAGA ANG MGA PUSA!
PARANG KAGIGISING LANG NAMIN PAREHO NI RONNIE =) AY MALI PARANG SIYA KAGIGSING LANG AKO NAMAN PARANG LINTA LANG =)  
ALL SMILES SI MICKEY! SIYA PA NAGTANONG SA KIN KUNG PAGOD NA KO SAMANTALANG KAPAPANOOD KO LANG SA KANYA SA ASAP =)

No Response to "2008 Blog"

Post a Comment