Tuesday, March 20, 2012 0 comments

pumapatak na naman ang ulan!!!


NOVEMBER 29, 2007

GOOD MORNING!!! =)
Antok pa ko kaya lang inayos ko ang cabinet ko after my showbiz report kay Manong Ted Failon.  Ang gulo gulo na kasi ng itsura.. napagsama ko ang mga eveyday clothes ko sa mga damit kong sa mga Mall Show at TV appearances lang at special occasions ginagamit!!
NGaragan din ang araw ko kahapon ha?? Kaya naman hindi ko na kayo naupdate.  Sensya na po!! =)  Nagworkout ako yesterday ng umaga… Natapos ako mag-a-ala una na ng tanghali!! Kinarir ko na kasi nga may Games Uplate Live ako para naman matagtag yung mga taba-taba ko =) 
Bago naman kami nag-boardwork ni Bespren Ric Rider… Dumalaw si Mareng Yeng Constantino at nagplug ng kanyang bagong bonggang Christmas album!! Bili daw kayo ha??
As my boardwork progressed, meron akong isang kaibigan na inuutangan ako, gusto ko man siyang tulungan ala naman akong maibigay.  After boardwork… kumain lang ako saglit ng dinner tapos gu-mo na ko sa BNY Warehouse sa Novaliches para kunin ko ang mga kadamitan kko na isusuot sa Games Uplate. Kaya BNY Jeans and Shirts super thanks sa pagbibihis sa kin!! =) 
While I was doing Uplate.. may mga nagdatingan na mga bisita from ABS Cebu… They are here in Manila dahil tumanggap ang mga empleyado ng ABS-CBN na more than five years nang nagtatrabaho sa kumpanya ng Loyalty Award sa Sofitel Hotel!! Si Mareng Fudge naman ng PBB Celebrity Season 2 eh nakipuyat sa kin sa studio kaya nag-enjoy naman ako sa show dahil may kadaldalan ako in between breaks!!  Habang humohost ang lola niyo si Kitkat at si Mcoy Fundales!! Sosyal may celebrity factor ang show ko ha??  Kaya mega heloow ako ng bonggang bongga sa kanila!! Nagtext din sa akin ang bestfriend kong si Wilson.. Matagal na kaming di nagkikita nun!! Kaya after the show.. nagdaldalan kami ng bonggang bongga sa phone!! Tinawagan ko pa nga si Uncle Bene.. Isa sa mga kasamahan namin sa Games Uplate dahil ang topic namin earlier ay tungkol sa ______BACK… Any preivx or word na pwede ilagay bago ang salitang BACK… So sabi ko sa kaynya.. Dapat pala sinabi kong "Starback!!" Hahahaha!! Sa sobrang hyper na naman ng lola niyo at taas ng energy level… Hindi tuloy ako nakatulog agad… Alas tres na ko ng madaling araw bumorlogs tapos naglive pa ko kay Manong Ted Failon.. Kaya eto. Pipikit-pikit pa ang mapupungay kong mga mata! Kaya sleep na muna ako ha? Mamaya po sana manood kayo ulet ng Games Uplate Live pero kahit na hindi ako ang humo-host nood pa rin kayo kas you can win lots of Cashing-Shingaling-A-Ling!! Besides.. Si Mareng Jayme JOoaquin naman talaga ang host nun… Nakikigulo lang ako pag wala siya =) 

No Response to "pumapatak na naman ang ulan!!!"

Post a Comment