Tuesday, March 20, 2012 Tags: , 0 comments

Blogging Again ü

MARCH 19, 2012



Hmmmmm, lets see if i still know how to write! Hahaha! Ü it’s been a long time, loooooooong time! Lupet ended its season october last year and what kept me busy? Being a reporter on tv. Ü ofcourse there’s my first love which is radio. So much has happened in radio, from 9:30 to 11:00 pm it became, 10:30 to 11pm… Bitin diba? Then i found myself in shalala’s show one night and enjoying it so my boardwork apparently became 12mn till 2am, we either start or end the day with you having fun. Ü but then again…. Nalipat ako ulet from 2-4am. Im really hoping that this will work out for the best. I am having fun and learning a lot from my intimate listeners. I am touched with their lives as i slowly become part of theirs. Radio is such a wonderful thing because it is more intimate i guess than tv. So heres to all my listeners who stay awake with me till 4am. Wag kayo mag alala, zombie na din ako tulad niyo ü

LUPET GOES TO CALATAGAN BATANGAS!

APRIL 5, 2011


sharing with you some photos taken during our taping in calatagan batangas. =) grabe, hindi pala madali ang tumaping ng bonggang bongga! we left manila ng 4am arrived at calatagan ng mga 10am dahil natraffic na kami sa slex as early as 5:45 in the moring =) plus, nag almusal kami sa gas station and yes i admit… for those of you who saw me, opo, i peed in the mens room kasi di ko na talaga kayaaaaaah! =) around 11am the cameras started to roll, mag aalas dos na kaming nag lunch break! =) 
we went to the cape santiago lighthouse in calatagan, i told my lupet family na it has always been my childhood fantasy na makarating sa isang real life lighthouse! bongga! eto na ang pagkakataon ko! cape santiago was built by the spaniards around 1850, grabe ang luma luma na niya no?

  






could you imagine how many generations na ang nagpasalin salin sa pagtatrabaho nila sa lighthouse na yun? and if only the lighthouse could talk…., i wonder kung anong mga kwento na naichichika niya sa akin. =) guess what?? may mumu sa hagdanan ng lighthouse!


dalawa silang naramdaman ko, but they were’nt harmfull, they were just curious why we were there so while going up the stairs i told them na… “may kukunan lang po kaming mga eksena tapos aalis na din kami!” =) ang ganda rin ng staircase ng lighthouse, it was made of solid steel at dahil 1800’s pa siya tinayo, kinakalawang na siya pero maganda pa rin sa paningin! =)



view from up above! =) it was 64 steps bago ka makarating sa tuktok ng lighthouse! im really afraid of hieghts pero sa tingin ko, matatanggal siya sa show na ito! pinagtatawanan ako ni kc while took this next picture! bakit? kasi niloloko niya ko na kunwari itutulak niya ko! eh takot nga ako sa hieghts daba? kaya tingnan niyo naman habang may we picture ourselves… nakahawak ako sa bars! hahahaha! tha’s akina btw! ang leading lady ni kc sa episode na ito. you can also catch her sa pinoy samurai at wow meganon =)



wala talaga akong mata kapag super tawa! plus nasisilaw ako sa shiny shimmering splendid ko suot at sa araw! =)



     me, direk eric, kc and mr. kontrabida sa tugatog ng lighthouse! it can only accomodate a few people dahil nga luma na ang parola =)  



direk eric giving instructions to lupet staff before take =) ang kewl niya talagang director! =)

  at dahil childhood dream ko ang makapunta sa lighthouse, siyempre may i picture myself diba? and by the way, dont ask me about my hair…, parte ng scene yan kung bakit ganyan ang itsura ng lola niyo! k-pop daw kasi eh =) 

 
tv doesnt really give me justice.., di naman ako mataba diba? sa tv i gain more than ten pounds kaya to please all of you, “i run myself” sa treadmill 3x a week =) hay!
after the light house scenes, we went to the beach, wow! ang daming sea weeds! =) sobrang mahangin sa calatagan, kaya habang nagtetaping kami, super kinikilabutan ako ng bonggang bongga dahil nilalamaig ako =) abangan niyo ang susunod na episode this saturday…, pina-iyak ako ni kc! huhuhuhuhuhuhuhu!    

May pagka busy =)

MAY 3, 2011



haller! medyo busy lang mga kapatid! will post some stories and pics soon =) may bago akong show sa chanel 41.. pwera usog… will make chika really soon! love you all =) 

six months na tayo!


MARCH 30, 2011

it’s been six months since my so called single exudos from abs-cbn. ( a network as i have said in my previous entry that i am forever thankfull ng bonggang bongga! )  
so far, so good. i have been busy in news5 since day one, had a lot of live coverages last december and attended numerous press conferences in a day. oh yes, “i darna myself” and i lahvet!
sadly, around november, i had to make another decision. And heaven knows i was really hurting when i left 103.5 wow fm, it was one of the most painful goodbyes i had to live with and i know that one day, my bosses there might stumble upon this entry, you guys know how much i love you all, i hope there would come a time where we can bump into each other and just let the good times roll. kuya aidoo, koyang and sir bobet.., mahal ko kayo at maraming salamat sa sandaling panahong naging parte ako ng wow.
i faced a lot of negative issues and articles when i left wow but i remained silent because at the back of my head and deep in my heart i know what really transpired and i know what happened.
moving on to my story, i couldnt forget my first actual coverage, tessa prieto valdez! supernice siya kahit na umaatikabo ang kanyang kayamanan. idol! =)

  

my first actual live coverage naman was this gigantic led billboard in edsa. and if you guys are wondering why i was shaky during coverage…, it’s beacuse they made me stand on an uneven platform, kaya binabalanse ko ang sarili ko habang nag-a-annotate! kaloka diba?
six months ago, everything was new to me,
my working environment ( would you believe yung unang tatlong araw ko sa newsroom super demure at tahimik tahimikan ang lola niyo?? kaloka talaga )
editing- naculture shock ako! kasi taong radyo talaga lang ako at di marunong mag edit ng mga videos, akala ko kapag reporter ka you just attend presscons and note what the artista said then you write a script at bahala na ang editor, hindi pala ganun yun! kailangan pala na kunin mo ang excat na sinabi ni artista at ikaw din ang mag eedit katabi ng editor dahil ikaw ang magtuturo kung saang parte niya sinabi ang kinuwento mong chika! kalokaaaaaah! at pwera charot…, literal na gabi-gabi noong bago pa ako, umiiyak ako sa sasakyan kapag pauwi na ako kasi mahirap pala maging isang correspondent! at literal din na kapag Friday na… at the end of the day, i’d really say, thank you Lord at pinasurvive mo na naman ako =) 
my officemates- i was silent for about three days in the newsroom kasi i was testing the water kung ok ba ako or what! but then again, i really felt accepted when they made me voice my first hollywood news, lindsay lohan pa yun na umaapela sa korte, pagkatapos nilang panoorin ang vinoice ko, narinig ko ang masigabong palakpakan ng newsroom na parang concert ni taylor swift ang pinapalakpakan nila. grabe.., sa totoo lang, teary eyed ako because i realized aside from tanggap nila ako, that i am HOME! from then on…, NAGINGAY NA AKO sa newsroom! hahahahaha! =)
from one coverage to another araw-araw, everyday at minsan tatlo apat na coverages in a day tapos kailangan bumalik sa newsroon para mag-edit ng balita, eto na ako ngayon. i am HAPPY. i hope ikaw din masaya for me. ito yung growth sa aking career na hinahanap ko plus the fact na hindi na ako bumabata noh!

 
  
  
 
and can i just make kwento…. na sa isang coverage ko na si piolo ang kinocover ko, i bumped into mam charo santos concio. nagbigay pugay ako sa kanya sa pamamagitan ng beso sabay sinabi niya sa akin.. napanood kita kagabi! nasa star city ka! natawa kami parehas then she said “but seriously, and sincerely, i really hope they give you what we can not give”. that was really CLOSURE for me. =)
 
 
  
 and speaking of giving me, yes…. tv5 has given me a lot of opportunities! aside from being a showbiz correspondent, an anchor/dj in 92.3 news fm, i am currently voicing dokumentado and still enjoying to do my hosting stints outside whenever possible.
 
  
and after six months of just being myself…, thank you news and information because on saturday, april 2, 12nn mapapanood niyo na ang mas pinakulet na LUPET sa tv5. im with KC Montero kaya sa may mga crush sa kanya every saturday gawin niyo nang habbit na panoorin yun! makulet ang storya nun kaya please on the forst episode this saturday sana…., sana po.., panoorin niyo! plus kasama namin si jeric raval sa unang episode oh diba? ang LUPET talaga! =)
 
 
 after six months of being a kapatid, i really have a lot to be thankfull for, and no words can ever really express how greatfull i am to the ONE above and to my bosses in news5 who has trusted in my capabilities.
lastly, at pwera charot…, ano na lang ang gagawin ko kung bumitaw ka sa pagsuporta sa akin? salamat dahil mapasaya at lungkot lungkutan na chapter ng buhay ko, andyan ka. laging nakasuporta, hindi ko man kayo maisa, isa nagpapasalamat talaga ako dahil mahal niyo ako, kaya naman araw araw pinag-iigi ko dahil isa yun sa mga bagay na maisusukli ko sa iyong walang sawang pagmamahal at suporta! six months na tayo ang bilis ng panahon! yahoo! here’s to a whole lot more! God is good =)   
 

Sa mga nagtatanong at nawindang kung bakit ako umalis.. eto na ang totoo.


AUGUST 11, 2010

Bakit ako umalis ng tambayan, yung totoo po?
Eto na,
naghesitate ako na sabihin sa inyo ito noon, thinking that you would not understand, pero i know that i owe all of you an explanation. lawakan po sana ang pag iisip, kung hindi, wag na lang pong basahin.  
aside from having severe depression while trying to make all of you happy, ( severe as in, I had to seek medical attention and I pray it would not happen to any of you reading this blog ) ( it took me a lot of guts to finally admit to all of you that I went to a shrink! Palakpakan naman diyan! ) my contract in Abs-Cbn is preventing me to do a lot of projects outside the network. I love what I do, no question about that, pero sa trabaho kailangan din naman nating mag-grow diba? kaya nung pinatawag ako ng nakadiscover sa akin sa radyo naisip kong it’s payback time sa kanya, tatanawin ko ang utang na loob na yun sa isang tao na nagtiwala sa aking talent at kadaldalan.
For the last six years I have been loyal to all of you 101.9 listeners, I never asked anything from you, dasal lang para sa nanay ko. For the last five years, I was the same to my dzmm patrons.
Kung tatanungin niyo ako, ayaw ko sanang umalis ng Dzmm pero kailangan din pong bitawan dahil aside from switching radio stations at kasama ko na si Mr. Fu ngayon, I will also be moving to tv5. It is a career opportunity, opening some doors not only for me, but for those na maiiwan ko sa tambayan. I don’t want to grow old blaming myself sa mga bagay na hindi ko nagawa at pinalampas ko. Ayaw ko sa pagtanda kong may pagsisishan ako at magisip ng “what ifs”.., “that should’ve been me..” etc.
Isipin niyo nang wala akong utang na loob at mukha akong pera, pero kung maipapa-gamot ko ba naman ang nanay ko at ikagiginhawa ng pamilya ko yun, putting not only food on the table but also savings in the bank for the future.. eh di sige po .. tawagin niyo na akong sobrang masama, sukdulan, saksakan, at gahaman at lahat lahat na. My decision to move is not just for career opportunities it’s also for my family. Una pamilya bago lahat para sa akin. my mom is very important to me, noon inalagaan niya kami noong bata pa kami, ngayon, kami naman.
Ngayon Sana po naiintindihan niyo na ako. They gave me something that my mother network before can’t give. No matter how much I want to stay in my mother network, hindi naman po nila maibigay ang ibinibigay ng iba sa ‘kin ( hindi lang pera ha? ) hindi naman ako nagsasara ng pintuan ko, pero sa ngayon… sa iba po muna tayo kung saan malaya ako. I am happy to be a kapamilya and take pride in what I do. I have always acknowledged that Abs-Cbn played a big part on who I am now, I am forever grateful not only to Abs-Cbn kundi pati na rin sa yo na nagtiwala, natuwa, naaliw at napasaya ko. Salamat pos a anim na taon Kapamilya.
Yun nga lang, minsan talaga darting sa buhay mo na kailangan mo magdecide. At yun ang ginawa ko, nagdasal ako at humingi ng signs, it was all given to me by Mama Mary kaya I took the plunge and trusted in the will of the Lord for me. hindi ko ginagamit ang Diyos.. yun ang totong nangyari.
Ngayon po alam niyo na ang katotohanan.. sana nasagot ko na lahat ng mga katanungan mo. Maging payapa na po sana ang mga kalooban nating lahat. Yan ang totoo… ako po si Laila, nagpapakatoo lang. 
Itutuloy natin ang ligaya… sa ibang istasyon nga lang. I will post where soon.

Thank you… for the love, support and prayers.
I always say, kahit na noong may pinagdadaanan akong matindi, na… ang mga taga-pakinig ko… you keep laila going inspite of the personal problems that I am encountering.  

God bless you po =)

February to November 2009 Blog


happy to be with family

NOVEMBER 19, 2009
ilang buwan din akong hindi nakauwi ng balikan sa bahay namin sa las pinas kaya naman i am happy na ngayon kahit na papano nakakauwi ako! minsan ginagabi pa rin sa trabaho pero hindi naman inu-umaga =)
dont get me wrong ha? i love what i am doing sa uplate. kung di ko yun mahal eh di sana di ako nagtagal! kaya lang kasi eh alam niyo naman kasi ang lola niyo… commutera pa rin hanggang ngayon! =) dont ask where the money has gone.
but since andyan na rin lang tayo sa topic na yan.. aside from commuting keeps me grounded, nagbabayad pa ako ng utang ng tatay kong magaling plus our las pinas home is.. under renovation! =) yup! ang katas ng laway ni laila dun napunta and i am happy about it. kasi naman thirty years na kami nakatira sa bahay namin sa las pinas at mula nung iniwan kami ng tatay ko, ( sumakabilang bahay po siya just to refresh your memory ) naranasan ko nang matulog na may katabing palanggana habang umuulan ng malakas! aside from sleeping on the floor na may latag lang na banig at matress dahil yung kuya ko pinagkutaan na ang kwarto ko dahil yung kwarto niya… inanay =) kakalokaaaaaah! =) bukod pa yun sa mga sirang gripo, de buhos na toilet etc, etc =) kaya ngayong medyo nakaipon ako ng konti pina-ayos ko ang baler china ng lola! ang mommy ko ang pinapili ko ng feel niyang flooring sa family hall namin, pati na din sa library at kwarto niya ( malaki ang bahay namin, we used to have kaya before kaya lang nagloko ang tatay ko at iniwan kami ng bonggang bongga. ) at naloka naman daw ako kay madir nang bigla siyang naglambing ng… luma na din daw ang tiles ng counter namin sa kitchen kaya ayun si mudra… naglambing ng granite na slabs for her kitchen! sagot ko sa kanya, kung diyan ka masaya eh di sige… eto pa… ayaw na niyang papinturahan ang mga pader ng bahay.. dahil gusto daw niya wall paper… meron pa ba nun? pero still, i told her.. kung ikasasaya mo yan.. eh di go! =) why do i say yes always to my mom? aside from i love her, naisip ko na baka pag nirenovate ko ang bahay eh mawala na ang memories niya nung andun pa si father sa house! ( dinadamdam pa din niya yun until now eh )  baka sakaling maka move on siya kapag namake over ang baler niya. and i think somehow.. it is working! =) madalas niyang sabihin na malapit na siyang mag retire.. ( as in kunin ni Lord ) pero lagi ko naman sinasabi sa kanya na antayin mo naman muna matapos yung bahay!! ikaw pumili ng mga tiles at materyales eh diba? =) seriously… sana wag muna kasi parang kasisimula ko pa lang na maibigay sa kanya yung buhay na gusto niya! sana po wag muna. 
namiss ko talaga ang bahay ko sa las pinas! i am glad to be back! =)       
Posted by laila at 1:39 am | permalink | comments[76]

shower of blessings

NOVEMBER 18, 2009
while the sky is busy this madaling araw with meteor showers, and some are busy with showering their saliva due to non stop talking, ako naman being showered by blessings! thankyou Lord hindi mo ko pinapabayaan! =) aside from being busy with radio and press conferences plus hosting gigs here and there, i recieved two more blessings ( or milestones ) in my career! i auditioned for voice over for star studio magazine tfc and i bagged it. hindi kalakihan ang bayad ( aminado naman sila dun ) pero para kasi akong chinese mag isip. maliit man pag pinagsama-sama malaki pa din =) the second blessing was such a surprise! abs-interactive has tied up with globe and touch mobile to give you.. chan chara-ran…, the laila chikadora voice fun! kung namiss mo ang latest chika ko sa radyo, wag ka na mainis kasi pwede mo siyang pakinggan sa cellphone mo if you are a globe or touch mobile subscriber pre o postpaid man! just text on laila and send to 2910 to recieve chikas twice a day pero kung feel niyo naman na kayo ang magdedesisiyon kung kelan niyo gustong marinig ang boses ko, all you have to do is dial *031102. at siyempre hindi lang latest chika kundi pati mga nakakalokang blind items ang ichihika ko sa inyo via voice fun kaya karirin niyo na yan!
chika ko lang sa inyo last saturday i was with miss kris aquino in moa for her album signing under star records. she was in the mood to make chika at pati si josh nasa mood kaya naman miss kris asked josh ” josh do you think dj laila is sexy or not so?”sagot naman ni josh… not so! siyempre naloka ang audience at natawa naman ako ng bonggang bongga! pero sabi ni miss kriswell, me i find you pretty.. babawi ako sa yo.. josh do you find dj laila sexy? sagot ni josh isang bonggang bonggang YEAH!=) so sabi ni miss kris… see? you may not be that pretty but you are sexy! so i replied back.. its ok miss kris tanggap ko nang sexy lang ako. tatlong kaskasan lang naman sa aesthetic center kikinis at gaganda din ako! hahaha! =)
why did i share this? kasi there is a moral to be learned. na kahit na hindi sa yo binibigay ni Lord lahat lahat…, hindi ka naman niya inaabandona. hindi niyo man ako nakikita sa tv at namimiss niyo na ako ng bonggang bongga… may website naman kung miss niyo ko talaga, www.tamabayan1019.com! see you 12nn til 3pm =) my career may have closed one of its chapters but it has opened two more and i am hoping ( if God permits ) for more opportunities to come my way. i am happy kahit na minsan nakakapagod at nakakabula ng bibig ang trabaho ko, i cannot complain kasi kung titimbangin ko, mas nag eenjoy ako kesa sa napapagod ako! =)ang swerte ko din naman na ang negosyo ko ay ang laway ko, wag lang ako magkaka sore throat o sakit. =)
kung medyo down ka habang binabasa mo ang entry ko na ito, i hope i have inspired you to never give up and keep on trusting in him completely, because in your darkest hours.. he is there for you.  go, go, go! fight, fight, fight! =) 
Posted by laila at 1:21 am | permalink | comments[36]

senti, emo no more!

NOVEMBER 9, 2009
im adjusting to my ( sorta ) new world.
malungkot man na wala munang uplate para sa puyatero at puyaterang sumusubaybay, im still hopefull na babalik din siya next year. =)
for the meantime.. pagtyagaan niyo muna ang aming webcast! yup!! webcast via www.tambayan1019.com =) kung miss niyo na kalokohan ko, go watch na mon to fri 12nn til 3pm sa website na yan and youll see the ever talkative me doing showbiz chika at umi-ispluk ng bonggang bongga! =) tuwing linggo naman pang 9am ako til 1pm..kayanin niyo kaya ang mga baro’t saya ko every sunday?? =) may laugh out loud pa ha? sa dzmm yun sunday 1pm til 2 =)
sa ngayon concentrate muna ang lola niyo sa radyo, kailangan ko munang alagaan ang programa ko kasi wala akong partner. its just me, myself and i plus kayo na nakikinig o nanonood via web! =) medyo maproseso kasi ang show ko, madaming kailangan tawagan, interviewhin, chikahin etc., etc =)
lately puros presscon ang inaatupag ko para di naman ako pahiya sa mga “tambayerz” na sumusubaybay sa 101.9 =) abanagn ang mgaspluk ko about rafael rossel, xian lim,ms kris aquino, enchong dee at marami pang iba! =)
 sana magkarinigan o magkakitaan tayo sa bago nating tambayan! tambayan 101.9 san ka pa??? 

Posted by laila at 11:59 pm | permalink | comments[27]

senti… emo…

SEPTEMBER 21, 2009
It’s a rather loooooooong holiday ngayon. Parang mas ma…..ba…..gal ang oras kapag hindi ka nagsasalita. I decided to clean my locker while on board today para hindi naman ako nababato.  kung nakikinig ka sa 101.9 huwag ka magulat dahil walang dj. andito pa din kami pero silent mode. 
may sakit pa din ang mom ko hanggang ngayon. dapat kahpon isu-surprise ko sya ng belated birthday dinner pero, ako ung nasurprise kasi bigla siyang hinika nung hapon. pina-cancel ko tuloy ang reservation at nagtake out na lang ako. sa bahay na lang namin ginawa ang dinner. my mom turned 74 nung sept 17.
Bago ako matulog kahapon ng madaling araw ( Sunday ) ( I slept at around 4am na. ) iniimpake ko nang unti-unti ang mga damit at gamit ko kasi malapit na akong umuwi sa aking Las Pinas home. Habang nag uuplate kasi nakikitira ako sa quezon city but since magpapahinga ang uplate to give way to PBB uplate, uuwi muna ako sa totoong bahay ko sa Las Pinas and spend more time with my mom and family. I was getting a bit senti nung nakikita ko yung mga damit kong unit unti kong isinisilid sa mga bag…, I suddenly began singing leaving on a jet plane.. at pagdating sa part na “ SO KISS ME AND SMILE FOR ME… TELL ME THAT YOULL WAIT FOR ME…. HOLD ME LIKE YOULL NEVER LET ME GO… “ “I’M LEAVING IN A JET PLANE DON’T KNOW WHEN I’LL BE BACK AGAIN.. OH BABE I HATE TO GO..” nakaramdam ako ng bonggang bonggang lungkot… natanong ko tuloy sa sarili ko kung maantay niyo pa ba ang pagbabalik ko? Kapag bumalik pa ba ang uplate ako pa ba ang mukha niya o baka iba na.
i have lots of questions running in my mind lately, I also realized na may mga tao talaga na kaibgan ka lang kapag may kailangan sila sa iyo, pero kapag wala ka nang maibibigay… parang utot na lang din silang nawala at sumama sa hangin.
Despite of the mixed emotions that I am feeling, alam ko naman na in my weakness.. God is the strongest kaya kahit papaano..  hindi ako napapraning. Lagi lang ako nagdadasal na tanggalin niya lahat ng negative na naiisip ko at I continually trust in Him. And it never fails.
Isa pang never fails and always works for me…, finding consolation in the songs of mr pure energy Gary v. paulit ulit lang siyang tumutugtog sa iphone ko.., natutulog ba ang diyos?, take me out of the dark, lift up your hands.

It is really just a simple act of trusting the Lord.  
Posted by laila at 8:26 pm | permalink | comments[23]

has it been four months since my last entry?

SEPTEMBER 17, 2009
believe it or not.. oo nga ano? at 99 days na lang pasko na! it’s my mom’s birthday today pero para kaming nag lalaro ng nurse-nursan. it’s been a few days na rin since she was telling me that she wasnt feeling ok and taking medicine pero kaninang umaga i really got worried kasi sobra talaga yung hika niya. i havent slept a wink yet. mahapdi sa mata pero hindi ko din magawang humimbing ng tulog knowing that my mom is sick. 
pasensya na po kung ngayon lang…, i was busy.., preffered to sleep, mostly on gigs on weekends and takaw tulog talaga AT… NAGFACE BOOK NG BONGGANG BONGGA! =)
kaninang madaling araw.., bisita ko si rj jimenez na birthday din today. it’s also aiza seguerra’s bday =) buti na lang nagpunta siya sa set kanina kasi medyo sad ako …, kumi-kick in ang pagka senti ko kanina… and i dont know if i would feel the same or maybe less pero sad in a way pa din. 
BEFORE YOU READ THIS….. PLEASE DO NOT MISINTERPRET ME…., I AM NOT BEING BITTER ABOUT ANYTHING… I AM JUST BLOGGING WHAT I FEEL…..
 read on…
allow me to say maramaing salamat po muna sa lahat ng naniwala sa dila kong bulol. thank you because nakinig kayo sa kada daldal na ibinuka ng bibig ko sa radyo at dahil diyan, nagkaroon ng extension sa tv! maraming salalamat po. thank you for always making my program with ric rider ( soundtrip m-fri, 5 to 9 pm @101.9 for life! ) consistently number one on surveys. thank you din po sa lahat ng walang sawang pagdo-download ninyo sa games uplate live. you just dont know how happy i am sa kada sampung pisong download na ibinibigay niyo sa show dahil sa ganoong paraan lang po kumikita ang gul.. wala naman po kaming mga bonggang sponsors kaya masaya ako kapag madami ang nag-do-download. i really appreciate people like you na kahit matutulog na dapat, inaabangan pa ako at ang mga kalokohan ng mga uncle ko at siyempre ang mga papremyo sa GUL. maraming salamat din sa mga taong sumusuporta at bumabati, lumalapit at nagkikipag chikahan sa kin kapag naglalakad ako o may binibili sa mall.. believe me.. hindi po kayo istorbo…. para sa kin isa yun sa mga batayan na i must’ve done something good.
to abs-cbn.. thank you for constantly reinventing a noisy and makulit girl from radio.
soon i will be going back to my normal life… i fell like a president ready to hand down my presidency to my successor… a beauty queen passing on her crown to the next winner…. soon, i will be going back to my normal life.
sadly…, sabi nga sa kanta.. “some good things never last” i am saying goodbye to GUL7 soon. it is not my descision, kasi kung ako lang… kahit hanggang mamuti na ang buhok ko… kakaririn ko yan dahil nag eenjoy ako sa ginagawa ko. ( i have learned to love the show so much  na para na rin siyang extension ng buhay o ng katawan ko.. just like skin or hair in my body. ) i know that it would do the show good kaya naman i-enjoy na lang natin ang ilang natitirang linggo ng GUL7. 
na-curious ba kayo? partly… we are giving way to PBB uplate.., kailangan supportahan natin ang show ng bonggang bongga kaya as a result, pagsasamahin ang PBB uplate at Games uplate. according to my reliable sources.., si Mareng Toni, Mariel at Bianca daw ang maghohost ng PBB uplate.., eh siyempre ikumpara niyo naman ako sa kanilang tatlo.. i am nothing but a pebble in a group of boulders.., a cheap plate in a set o fine china…., and i know naman that management siyempre would want one of the three kung hindi man, isa sa kanila ang mag-host noon kasi nga its PBB.
why am i writiing this? para walang intriga in the fututre. maaga pa lang inexplain ko na. i dont know if we will resume after PBB but i am hopeful that one day.. magkita kita po tayong muli sa tv mapa madaling araw man o may araw na.
one more thing.. dont be surprised if one day… hindi niyo na ako marinig sa 5pm time slot ko.., wag niyo sanang isipin na nawala na ako sa radyo.., andyan lang ako sa tabi-tabi siyempre sa 101.9 pa din. hanapin niyo na lang po.
i am thankfull to my ep, segment producers, bosses, uncles, aunties and Domi,  who completely trusted in me. thank you po…, at sa mga die hard GUL fanatics.., i will miss all of my callers at mga bespren ko sa puyatan. sana magkarinigan pa tayong muli.
ma-miss niyo man ako… andyan lang po ako sa radyo sa dzmm at 101.9… na pwede na din mapakinggan via web.
it is hard to let go of something that you trully love at something that has grown on you. pero iniisip ko na lang always na…, whenever God takes something away from you.., He is just emptying your hands so that He can give you something bigger than that of the one that he took from you.
again maraming salalalalamat po and God bless us all.
LAILANATICS…., thank you for everything…. the trust, the support and most of all the LOVE!  mwahugs! =)        
Posted by laila at 5:34 pm | permalink | comments[28]

eye naku!

MAY 15, 2009
 Im on board right now with Ric Rider while blogging. =) it’s four minutes to 8pm. Guess what happened to my left eye last night? Grabe naloka tlaga ko ng bonggang bongga! Chill lang akong nanonood ng boys over flowers sa tinutuluyan kong bahay somewhere in q.c. nang biglang nangati ang left eye ko. Pinatingin ko pa nga sa mga kasama ko sa bahay kung may dumi ba o pilik mata kasi irritating talaga ang level ng itchiness niya! Wala naman daw anything or something kaya hindi ko pinansin! I went to the toilet to pee at habang jumijingle ako.. nararamdaman ko na parang magpo-popout na yung mata ko! Nagluluha na rin siya non-stop! Pagtingin ko sa salamin nagulat ako kasi bigla na lang siyang namula at namaga! Yung sclera ko umalsa kaya na-alarm ako…
 
Nagpanic ang mga tao sa bahay! May napayosi pa nga sa sobrang kaba! Ako naman ang iniisip ko.. paano na ang uplate mamaya! Haaaah! Panic, panic panic! Buti na lang there are doctors in the house! At optha pa! love talaga ako ni bro! sabi ni doc mike.. ay allergic conjunctivitis yan! Siguro may kinain ka na naman ano? Syempre hindi ko na pinansin ang kundisyon ng mata ko kasi ung brain ko ang sinasabi “malapit nang magbandila… aaaaaah! Anong itsura ko sa tv! oh no! mukha akong one eyed monster! paano na ang uplate!” Ngarag daw ang brain at haggard ang level! Hahaha! He sat me down on a chair tapos sinaksakan ako ng steroids para direcho na sa ugat at matanggal agad ang maga! Kaya lang time wasn’t on my side kasi hindi naman agad agad ang pagsubsude ng mata kong lumobo ng bonggang bongga diba? Kaya ayun… nagsuot daw ng shades ang luley niyo sa uplate! =)  hahaha! At para terno.. pati damit ko may mga drawing din ng shades para cool na cool lang ang level diba?     
After uplate bumili ako ng eyedrops. Naholdup na naman ako ng drugstore! Very P700 pesos ang maliit na bote ng pampatak sa mata kaya ipinikit ko na lang ang mata ko habang nagbabayad din! =) bago ako matulog nararamdaman ko na ang epekto ng steroids…. Gorggy na ang level ko hanggang kanina pag gising ko, nahihirapan akong bumangon kasi feeling ko, naka-pako ang katawang lupa ko kama! ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Kundi pa ko nawiwi hindi pa ko mapapabangon. Nalate tuloy ako sa meeting namin! =) I still had to wear dark glasses to work kanina just to protect my eyes from dirt pero pag dating ko ng office tinanggal ko na rin siya. slightly namamaga pa rin at naiilang ako sa vision ng left eye ko pero kung di mo naman papansinin at tititigan ng bonggang bongga makakalusot na kaya im hoping mamaya hindi na ko naka bubuyog glasses! Kita kita tayo mamaya! May mananalo na naman ng nokia 5000 na cellphone!
Sabi ni doc mike its allergic conjunctivitis pero ako naman that’s what I call “boys over flowerdism!” =)


Nga pala, It’s a weekend and its pay day! =) enjoy the weekend but don’t get to drunk! =) stay safe bespren!   

Posted by laila at 8:21 pm | permalink | comments[29]

8 minutes

MAY 10, 2009
at habang may walong minuto pa ko.. ihahabol ko lang ang happy mothers day sa lahat ng nanay na nagbabasa ng blog ko! idamay na natin ang lahat ng may nanay na nagbabasa ng blog na ito. moms are bongga because being a mom is a 24/7 job! matalak man ang nanay mo, wapakels ka nalang! ganayan talaga ang mga nanay mga bespren, hindi ka naman papapgalitan niyan kung ala kang nagawang mali, unless…, pinaglihi siya sa sirena o megaphone! ahahahahaha! echos!
noon di kami magkasundo ng nanay ko,  she used to be the biggest kontra bida in my life pero alam niyo habang umeedad ang tao, nagmi-meet ang mga maturity level ninyo at looking back, narealize ko na para sa kin lang naman yung mga ginagawa niya kaya niya ko kinokontra! until now, hindi naman perfect ang aming mom daughter relationship pero i’d say na love ko siya to bits! 
kanina nga tinawagan ko siya kasi im on board ( parang forever na ko sa booth ng mothers day! ) kinamusta ko siya since di ako nakauwi ng moms daty at binati ko siya sabay sabi ng “i love you!” natawa naman siya sa sinabi ko kaya nagreply din siya ng ” i love you too! “   
Posted by laila at 11:51 pm | permalink | comments[6]

it’s been a long time since…,

It’s been a longtime since I went on a loooooooooooong boardwork! Feeling ko ngayon.., Parang may bagyo ngayong araw na ito at hindi makakapasok ang mga sususnod sa kin dahil baha, malakas hangin at patak ng ulan kaya kinarir ko ang pagka dj ngayong araw na ito. My day started kaninang past 12 midnight with games uplate live. Dahil may bisita kami from endemol international and endemol south east asia, chinika pa namin ( ng staff ng gul ) sila ng bonggang bongga sa ai sarap! Natapos kami mga 4am na. I only slept for 4 hours kasi nga 8 gising na naman ako to prepare naman for my 9am boardwork. Pagkatapos ko ng ala una sa 101.9, segue naman ako sa dzmm sa laugh out loud namin ni onse! After my 1-2pm boardwork sa dzmm, I went to the elj building for the video shoot ng 150thanniversary ng Philippine National Red Cross! Saglit lang naman yun, naglunch ako mga mag a-alas tres na at umidlip hanggang alas quarto ng hapon tapos nun balik na naman ako kasi all Sundays of may pinchitter ako ni chacha sa programa niya. Uwing uwi na ang level ko nang biglang tumawag yung susunod sa kin, di daw siya makakapasok dahil haggard daw siya. eh di haggard kung haggard. ( may hahaggard pa ba sa schedule ko? Eh eto nga nararamdaman ko na naman ang batok ko dahil pagoda na ang lola niyo. ) Kaya eto im still here and as I type…, I still have 20 mins and counting before I finally say goodbye to this very busy mothers day Sunday =) buti na lang matibay ang katawang lupa ko! Go, go go! =)
Posted by laila at 11:21 pm | permalink | comments[7]

it’s over!

MAY 8, 2009
ilang linggo na rin akong di nakakatulog ng maganda hanggang sa na highblood na ko ng bonggang bongga! i am stressed but not with work. actually de-stresser ko ang trabaho ko. =) maybe it has something to do with not having a good night’s sleep!.. not because of uplate ha? it’s because lately, i have been having really horrible dreams! Nightmares.. kung anu-ano at tungkol sa mga kilala ko. Kaya naman na-trauma na kong matulog for a while hence na-stress ang katawan ko due to lack of sleep. Malay ko bang maha- highblood ako dahil sa ganun eh sanay naman ako noon sa puyat. Siguro dahil nga ngayon may mga iniisip akong kapraningan. They really looked real na parang “someone.. ( or something! )  is manipulating my dreams!” may mga times na sa sobrang parang totoo ng panaginip ko, humihingal akong gigising. ( parang nightmare on elm street lang diba? ) my friends adviced me pa nga not to sleep alone kasi baka madeds ako. Kaya lang ako naman I know myself and I know that something is wrong. Naisip ko nga, hindi nga kaya may natuwa na naman sa kin kaya ganun? Kaya naman I consulted my good friend stargazer at binigyan naman niya ng lunas ang chubels ko! I cant go into details but I am really glad that it is over and I can sleep at night without playing any pampatulog songs or nature sounds para lang marelax ang utak ko. =) call me crazy I don’t care but the paranormal will always be there.

GOOD NIGHT!
Don’t let the manananggals bite! =)   
Posted by laila at 8:45 pm | permalink | comments[2]

busy…. bonggang bonggang busy!

MARCH 13, 2009
pero in fairness kahit bonggang bonggang abala.., ang katawan ko.. may time pang magka-sakit! hahaha! magda-dalawang buwan na din ata nang mag “soldier down”, “soldier down” ako! tinarangkaso ako pero sa tulong mga gamot na nilaklak ko at ininom na orange juice, calamansi jiuce at lahat ng klaseng juice gumaling naman ako! hindi naman ako pwede magkasakit! i love my job too much. =) haha!
dami ko na utang sa inyo.. ni hindi manlang ako nakapag bigay ng lenten message ko, sabagay.., hindi naman ako ang presidente o ang papa para magbigay ng lenten message at ako naman ay makasalanan din kaya hindi ako magmamalinis ng bonggang bongga! =) sa bahay lang ako noong holy week.. bumonding with my family…, naki-prosisyon at natulog wan to sawa! =) 
miss ko na si sir ted.. wala na akong kahug-hug-hug sa umaga. =( i am praying na sana talaga maging ok na siya at ang kanyang buong pamilya. i am sad sa nangyari. sana magkaroon na ng katahimikan.
di na rin ako nagk ktext.. kasi nga nadevastate din ako kahit papaano. mahirap kasi kapag nakikita mo ang isang taong masayahin na biglang nabalutan ng lungkot. hindi naman sa nakikisawsaw pa ko…, i am jus writting what i feel on a personal level. para kasing nung nawala si sir ted sa radyo.. nawalan ako ng kabiruan at ng mentor. alam niyo ba isa siya sa mga nagpapalakas ng loob ko, aside from my mom, he is the wind beneath my wings. words of wisdom.., marami siya niyan para sa kin. mga pangaral at kung anu-ano pa. siya ang nagsabi sa kin na “ang taong nagigising ng maaga, hindi nagugutom.” im sure magagalit siya sa kin kapag nabasa niya to at sinabi ko na para ko na siyang “tatay”.. kaya o sige na nga.. para ko na siyang kuya. kaya miss ko na siya at kahit alam kong matagal…,  i am waiting and praying for the day na babalik siya sa radyo na nakangiting muli. im sure marami sa inyo ang namimiss na din siya.. aminin niyo.. tv patrol isn’t the same with out him!     
nagkaroon din ako ng mga personal problems.. ilang araw din akong di nakatulog ng maayos kaya nga super download ako ng mga nature sounds to help me sleep better. na high blood ako dahil sa mga problema. nastress ako despite my always smiling appearance on tv.. marunong din pong kumunot ang noo ko, sumimangot at umiyak. oo naman! nagpo-produce din naman ng tears ang mga mata ko kahit na parang imposible. =)  
despite lilfe’s challenges, may mga happy times din naman kahit na busy. dumating si miss sarah of endemol, pati na rin ang first ever waki opm awards namin! kahit inulan kami, natouch naman ako sa mga tao at mga loyalista ng 101.9 hindi nila kami inwan, nagpayong sila habang nanonood ng waki opm awards =) thankyou po! eto ang ibang mga pics of the said event! =) 
cueshe with toni, me, martin d and china heart!

pose kami ni mareng billie! =)

     
martin d, me and ric rider! para nila kong ihahatid… sa kasal ba o sa huling hantungan? hahahaha! 
pooh, sitti, me, toni and rnold rei =)   

     
Posted by laila at 8:17 pm | permalink | comments[5]

cheers!

MARCH 2, 2009
Five years ago on this very same date, ( march 1 )  i started training for what was known then as wrr 101.9 for life!
8 a.m. sharp present na ang katawang lupa ko sa booth ng double r at ang magte-train sa ‘kin ay si mr. kupido regie valdez… pang umaga pa siya noon, 8am-11am music for life pa ang pangalan ng programa niya tapos si martin d ang susunod, request express alas onse hanggang ala una ng hapon. Parang kahapon lang ang mga pangyayari tandang tanda ko pa siya…, regie was nice to me dahil parehas kami ng pinaggalingan. We easily had a connection dahil parehas kami ng radio station bago nag double r. nagkamustahan ng mga dati niyang ka-trabaho at nagkwento sa mga duties na kailangan kong gawin. isang buong linggo din ako na nagtraining… kailangan limutin ko lahat ng natutunan ko sa kabilang station dahil iba ang equipment ng abs-cbn radio!

After my training…..

THE REST WAS BONGGANG BONGGANG HISTORY!!!

After taking over the 1pm til 3pm slot… si LALA BANDERAS naging si LAILA
Nagkaroon pa ko ng exposure sa t.v. sa mtb inlove for life! collaboration ng tv at radio na minsan sa buhay ko nakasama ko sina Arnel Ignacio, Mickey Ferriols at si Jenny Hernandez
After that, i was paired with China Heart sa request express…
Tapos naging request express to the maxxxxxx siya…
Nagging voice over din ako for showbiz number one at para sa global channel!
Tapos natanggap ako bilang showbiz reporter sa dzmm kaya si LAILA… nagka apelyido… naging LAILA CHIKADORA!
(Nakilala ko ang mga artista upclose and personal at marami din naman sa kanila ang masasabi kong naging kaibigan ko.)
AT PAGKATAPOS NG ILANG TAON ng pag hohost ng sandamukal na mall shows ng ibat ibang recording companies..
Pagkatapos ng madilim na chapter ng buhay ko na iniwan kami ng tatay ko at naospital ang nanay ko ng madaming beses

napartner ako kay jack melo tapos kay ric rider
sa programang soundtrip!… kung saan nalipat ang schedule ko ng panghapon hanggang gabi..,
( i was even hesitant na baka lumagpak ang career ko because hindi ko alam ang mangyayari sa kin dahil nasanay na ko na sa araw araw na ginawa ng diyos kausap ko ang mga callers bigla siyang mawawala ) ( hindi naman pala ako dapat mag alala dahil…)
Dumating sa buhay ko ang GAMES UPLATE LIVE!
Papinch hit pinch hit lang noon pero ngayon pinamana na sa kin.
Pagkatapos niyan… my very first media endorsement came to life via ink and prints! ( maraming salamat sa yo kc macapagal at deegee de guzman! )  
After which, binigyan din ako ng  programa sa dzmm ( laugh out loud every Sundays 1pm til 2pm ) kahit weekly program lang yun, its still a blessing! Alam niyo naman ang mga taong radyo lalo na pag sa fm…, tuma-thunders, gurangerz din yan kaya maigi nang nakaumang ang isa kong paa sa pintuan ng a.m.

Kung susumahin mo ang limang taon na inalagi ko sa ABS-CBN….

IT WAS ONE HELL OF A ROLLER COASTER RIDE!
( exciting, nakakatakot, may kaba at thrill pero napakasaya!  )  

I should say…, I am LUCKY!

Dahil kahit hindi ko hiningi…. parang sila at ang tadhana ang nagre-reinvent sa ‘kin!

Sa lahat ng nakilala ko sa five years ko …
Sa lahat ng aking naka-daupang palad…
Sa lahat ng hindi ako gusto… ( mamahalin niyo din ako! Irresistable ata ito! Hahahaha! )
Sa lahat ng umintriga sa kin at pilit na sinisira ang aking kredibilidad
Sa lahat ng minahal ako…
Sa lahat ng nangyari sa buhay ko…,
Sa lahat ng nakatrabaho ko… kahit saan pa yan!

Maraming salamat sa inyo!
Hindi ko mararating ang estado kong ito kundi dahil sa inyo!
hindi ako sobrang yaman o sikat… nagpapasalamat lang ako dahil alive and kicking pa din ako!

Thank you LORD! In my list of thanks…, Ikaw ang una and i owe everything to you!
My life….
My talents!
EVERYTHING!

Salalalalalalalalalamat din ng bonggang bongga sa inyo!

p.s.

how do you say God bless you kay God?            
Posted by laila at 12:38 am | permalink | comments[13]

kapag malaki ang noo!

FEBRUARY 27, 2009
it’s a weekend!
anong plano niyo?
have you noticed na mainit na ang panahon?
at simula na rin ng mahal na araw para sa mga bespren nating mga Roman Catholics! =)
so dont give into temptation tuwing fridays! BAWAL ANG LAMAN! mag-tuna na lang kayo! =)
speaking of which.., i would just like to share with you what happend to my ash wednesday! i really feel the bonggang bonggang guilt kapag hindi ako nakapgsi-simba sa day of obligation.. super konsensya ako talaga! ( hindi naman ako pala safe guard! )  kaya kahit na naka board ako, i tried to hear mass sa Dolphy theater namin dito sa abs kahit na in an installment basis! at pagkatapos nga ng misa eto na ang pila para sa pag papa abo! dahil i was on board, hindi ako mapirmi sa pila, kaya tuwing bumabalik ako i always end up sa dulo ng pila. tatlong beses akong nagpabalik balik…, with matching nagtatakbo sa corridor ng abs. parang laging may emergency! nawiwiwndang tuloy ang mga tao sa amin but wasnt about to give up kahit na lagi akong napupunta sa dulo ng pila! naisip ko mauubos din tong mga nagpapa abo na to! at sa pang apat kong pagja jogging sa corridor papunta ng dolphy theaeter SUCCESS! nakapag pa abo na din ako! PATIENCE IS A VIRTUE! =)
nung nasa loob na ko ng manila radio division office i saw alvin el chico ang laki ng krus niya sa noo kaya sabi ko sa kanya..
L: TART…BAT ANG LAKI NG KRUS MO?
AEC: WAG KA NANG MAGULO DIYAN! GANYAN TALAGA! PAG MALAKI NOO.. MALAKI DIN ANG KRUS!
makes sense nga naman! eh maliit lang noo ko kaya baby cross lang nilagay sa kin. =)    
Posted by laila at 8:05 pm | permalink | comments[7]

am i the only one feeling this way part2!

FEBRUARY 16, 2009
nagdaan na ang araw ng mga puso..
at kahapon nga linggo, after the mall tour with mareng sarah geronimo sa sta lucia east, nagpahinga lang ako ng konti tapos gu-mo ako sa love to love to love concert ng mymp, freestyle and side a! infairnes kailangan palakpakan sila ng bonggang bongga! actually kung ano mang lonliness ang nararamdaman ko nung valentines day.. dala dala ko pa rin yun while watching the concert. while most peolpe were having a good time, ako naman parang shunga lang na nag-iiyak sa dilim lalo na nung mga love songs at letting go songs ang kinakanta nila! ganun pala ang feeling ng pinipigilan ang luha kasi nahihiya din naman akong umiyak ng bonggang bongga! pero in the end sabi ng tears ko.. WHAT THE HELL…. im only human you know! kaya ayun.. super cryola ang lola niyo pero hindi ko na lang pinapahalata sa mga katabi ko… kunwari lang alang nangyayari. nakakapanlambot pala yung ganon na deadma ka lang sa paligid while trying to control your tears and yorself from the hikbi! hawak hawak ko lang ang baso ko ng soda tapos umiiyak. diba para kong tanga! lalo na nung kinanta na ni mareng juris ang nakapagtataka! hay……
mabuti na lang biglang….
KUMANTA SI MARENG JINKY NG SINGLE LADIES!!!
ayun, medyo nabuhayan ako tapos natuluyan na ang pagkawala ng lungkot ko nung pumarty-party na ang mga songs nila!
ewan ko ba kung bakit ako ganun… baka naman nataon lang na senti ang lola niyo =)
bukas ill be having a looooooooooooong day! i have to be in abs by 9:30am may press visit ang ruffa and i and i am one of the lucky few kaya dapat go ako dun! 12nn naman presscon din ni lloydie and sarah ng you changed my life in a moment kaya attend din ako dun!
speaking of you changed my life.. napanood niyo na ba yung trailer? not becuase im a kapamilya  ha? pero super kilig talaga siya.. i cant hide it! sabi ko nga sa audience nung sunday… trailer pa lang super kilig na kayo what more kung pinaood niyo pa yung pelikula diba? bigla ko tuloy naalala yung lines ni laida sabi niya.. para kang puzzle… dahil umaga pa lang… nabuo mo na ako! ahahahahay! =)      
Posted by laila at 10:35 pm | permalink | comments[12]

am i the only one feeling this way?

FEBRUARY 14, 2009
happy valentine’s day bespren!
i know a lot of you are still high because of the occasion today. gimmik, date, group date, pila sa…. restaurant etc. im sure madami ang bonggang bongga ang mga kalevelan sa saya dahil nga araw ng mga puso ngayon. kahit pa sabihin mong mahal ang bulaklak, may bibili at bibili pa rin niyan. and while you guys are ecstatic with valentine’s day… am i the only one feeling this way? is there anybody out there who feels or relate with what i feel today?
allow me to explain further…, 
after games uplate live kanina bago ako umidlip…, i searched for the lyrics of these favorite emo songs of mine..,
let me be the one - jimmy bondoc
i                                - 6 cycle mind
take a bow            - madonna
pagkatapos…, di pa ko nakuntento.. i searched for the lyrics of these songs and began playing them on my iphone 
steep
passenger seat
after a while… i sang along with the lyrics of these songs…,
NATUTULOG BA ANG DIYOS 
LEAD ME LORD
and now…, there’s an l-s-s ( last song syndrome ) going on my mind!
I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN.. SO I KEEP HOLDING ON… HOLD.. ON..
OH I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN!  ( DIONNE WARWICK )
at kahit pa hindi tayo pare-parehas ng senti songs… id ask again… am i the only one feeling this way today?
wala naman akong bitterness dont get me wrong, ewan ko ba.. bigla lang akong nasenti.
baka naman dahil na-absorb ko lahat ng mga sinabi ng mga artista na nainterview ko on their thoughts on love and relationship. ( kinig nga pala kayo ngayong maghapon ( feb 14 ) sa 101.9, mga favortie celebs niyo share their kilig at bitter moments when they fell inlove.)
hay.. ewan ko ba.. basta kung ano man ang nararamdaman niyo ngayon..,
HAPPY VALENTINES DAY BESPREN! CHEERS!  
birit…, 
I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN.. SO I KEEP HOLDING ON… HOLD.. ON..
OH, I KNOW.. I’LL NEVER.. LOVE THIS WAY AGAIN!
Posted by laila at 10:34 am | permalink | comments[6]

from my ktext

FEBRUARY 10, 2009
kmusta bspren? cguro dhl s lunar eclipse kya iba ang mga orbit ng tao ngyn! knna nlate ako ng pasok kc namn ung trcycle drver prng wala dn s orbit. smakay ako sa tricycle nya sbi ko mother igncia s abs. pg tngin k s relo k late n pla ko at dhl mlapit nko s esguera entrnce sbi k s drver bababa nlng ako pnara k sya pero bnuwelta lng nya ang tricycle ndi nya k pnakinggan bblik nya ko ulet s skayan. ilang beses k syang pinara pero ayaw nya k pkinggan hanggang s malapit n kmi s skyan ulet ng trcycle. Ngalit nko ng bnggang bongga, nging incredible hulk nko. Sbi kuya ano ba? late nko snabi nang bbaba nlng ako eh! Ayun, huminto, tinananong ko kung magkano, ayaw niya magpabayad. knuha ko ang pngalan nya tpos bnaba kolng ang bag k s ofis at pnuntahan k sya sa pilahan ng trcycle. snumbong ko sya s prsidnte ng toda nla. prang ayaw nya kng hrapin at wla nmn ngawa ang toda pres kya pnbaranggay ko sya! Hay nloka ko tlga sa knya imgine mo nung ngrreklamo ko s prsidnte ng toda nkuha p nyng mnood ng tv? o db nkkaloka? Kaya pinabaranggay k sya. Ndi ako proud s gnawa ko. ang akin lng pnablotter ko na may ngyaring ganun ng araw na to para malinaw s records ng baranggay at para may basis sa mga just ncase moments. nung nsa branggy nga kmi tnanong k sya kng bkt ndi sya humhnto d nmn nya ko snagot. hay. ewn kba. iba tlga orbit ng iba ngyn! kapag alam ko na tama ako.. pinaninindigan ko yan ng bonggang bongga kahit magkabaranggayan, presinto, korte o sandigan bayan pa.